ZEHRA AMANDA GOU
"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama?" Puno ng pagmamakaawa ang boses ko, gustong gusto kong sumama sa pupuntahan ni Kiro.
Mahina syang tumawa bago ginulo ang buhok ko.
"Amanda, family trip nga 'yon." Pilit nyang ipinapaintindi sakin ang pupuntahan nilang pamilya.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Fine! Bumalik ka agad ha!" Tumango tango sya at nagsalute sign pa bago bumalik sa bahay nila na hindi kalayuan.Bakasyon na at grade 3 na ako sa pasukan samantalang grade 5 naman ang kababata kong si Akhiro.
Nasa harap ako ng gate at hinihintay ang sasakyan nilang dumaan.
Hindi nagtagal ay dumaan iyon at kumaway kaway pa silang dalawa ni Luna sa akin, pinsan nya.Papasok na sana ako sa bahay ng makitang umalis rin ang kotse nila Aarzu. Pinsan rin ni Akhiro si Aarzu.
Akhiro Monvalle Fuevos ang pangalan nya, pinsan nya si Aarzu sa Fuevos at pinsan nya naman si Luna sa Monvalle.Nakita ko si Aarzu sa backseat ng sasakyan pero wala syang reaksyon. Narinig ko may medical mission daw sila sa probinsya at mamimigay ng relief goods since mayor ng Manila yung Daddy nya at tatakbo atang president ng Pilipinas. Yung kina Akhiro at Luna naman ay family trip ng mga Monvalle.
Hindi pa man nakakalayo ay kumaway si Aarzu, akala ko sa 'kin, kay Skighler pala na kakalabas lang dala ang bike nya.
Half brother ko si Skighler.
"San ka?" Tanong ko sa kanya pero tiningnan nya lang ako ng naka angat kilay.
"Dadalawin ko yung nanay ko, bat mo tinatanong?" Pareho lang kami ng grade pero mas matanda sya sakin ng isang taon.
"Pwede ba akong sumama? Gusto ko ring gumala." Naiingit ako sa kanila Akhiro.
"Mukha bang galaan yung puntod ng nanay ko?" Pagsusungit ni Skighler saka nagbike paalis.
Hindi ko alam kung bakit galit na galit sya sa akin.
Dahil boring ay sinundan ko sya, medyo mabagal nga lang ako dahil naglalakad lang ako at naka bike sya.Tumigil sya sa tapat ng puntod ng nanay nya kaya nagtago ako sa puno.
Hindi ko alam yung dahilan kung bat namatay yung mama nya, hindi naman kasi sya nagkikwento.Kinausap nya 'yon sandali bago nagdrive pabalik kaya agad rin akong sumunod.
Paliko na sana ako sa kanto papuntang bahay namin ng harangan ako ng tatlong sigang lalaki.Kasing edad sila ni Akhiro at nang aaway sila ng lahat ng dumadaang bata, hindi sila takot kay Daddy dahil mayaman rin sila.
Lahat ng nakatira sa compound na 'to, mayaman.
"Pengeng pera." Inilahad nung lalaking maraming goma sa braso ang kamay nya sa harap ko.
Napakapa ako sa bulsa ko.
Patay."Wala akong dalang pera." Humalakhak sila.
"Mayaman kayo? Bat wala kang pera!" Malakas ang pagkakasabi nya nun kaya lumingon si Skighler na may matalim na tingin.
Hihilahin nya sana ang buhok ko ng hawakan ni Skighler ang palapulsuhan nya.
"Mayaman rin kayo bat nanghihingi ka ng pera?" Angat kilay na tanong ni Skighler sa kanya.
Napa atras naman yung lalaki at pilit binabawi ang braso nya.
"I-Ikaw pala Kayler, pare." Mas matanda sila kay Skighler pero halos mag ka height na sila.
"Kayler pare?" Sarkastikong tanong ni Skighler. "Mama mo parehin mo." Tinulak nya iyon kaya nagkanda-dapa dapa bago sila mabilis na tumakbo palayo.
Napaatras ako ng humarap sa 'kin si Skighler, agad akong napayuko.
"Bat mo ba ako sinusundan?" Hinila nya ako sa braso at wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
"G-Gusto ko lang naman gumala." Kinuha nya ang bike nya saka sya sumakay roon.
"Sakay." Napatingin ako sa kanya.
"Ha?" Tiningnan nya ako ng masama bago sinenyasan na sumakay sa likod ng bike nya dahil may upuan roon.
Excited naman akong sumakay, minsan nya lang ako sinasakay rito kapag importante lang.
"Thank yo—Ahhh!?!" Napakapit ako sa kanya ng muntik na akong mahulog.
I love Skighler, kahit hindi nya iparamdam sakin na mahal nya ako, o na kapatid nya ako ipinaparamdam naman nya sa akin na prinoprotektahan nya ako at okay na ako 'ron!
Nang marating ang bahay ay agad akong tumalon pababa.
"Don't do it again." Pagbabanta nya na tinanguan ko naman.
Dire-diretso akong pumasok sa bahay pero alam ko namang wala akong maaabutan.
Puro maids lang ang naroon at wala si Mommy at Daddy, malamang may inaasikaso nanaman sila.Sumampa ako sa sofa at inangat ang tuhod ko bago iyon niyakap.
Sandali pa lang mula nang umalis si Kiro miss ko na agad sya."Zehra kain kana." Naglakad palapit sakin ang maid namin na may dalang tray.
"Hindi ba uuwi si Mommy?" Tanong ko bago buong galak na tinanggap ang tray.
"Uuwi raw sila mamayang gabi." Tumango ako bago nagsimulang kumain, sakto namang pasok ni Skighler.
"Share tayo?" Alok ko sa kanya pero binigyan nya lang ako ng masamang tingin.
"Skighler kain kana." Aabutan sana nung maid ng tray si Skighler pero tinalikuran nya ito at umakyat lang sya sa kwarto nya.
Sanay naman na ang mga maids sa ugali nya kaya hinayaan nalang nila.
Napaisip tuloy ako, kung hindi ko half brother si Skighler at totoong kapatid ko sya siguro hindi sya magiging masungit sa akin?Tsaka bakit kaya ayaw nya sa 'min? Ayaw nya kay Daddy, ayaw nya kay Mommy? Ayaw nya sa akin? Magkapatid parin naman kami kahit sa ama lang.
Tinapos ko na lang ang kinakain ko bago dali daling umakyat sa kwarto ko.
Bumungad kaagad sakin ang mga paintings ni Akhiro.Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ay 'yong kaming apat ni Aarzu, Luna at Akhiro.
Ang cute.Boring na boring ako buong araw, tumalon talon na rin ako sa kama ko, nagdrawing, nagsulat ng kung ano ano pero hindi parin ako nasasatisfy kaya noong gabi na ay napagdesisyunan kong lumabas ng bahay.
Sa likod ako dumaan dahil alam kong pagbabawalan ako ng mga maids namin.
Napangiti ako ng malanghap ang pang gabing hangin.
Dito ko nalang hihintayin sila Mommy.Minsan napapaisip ako, baka aswang ako o bampira. Mahilig kasi ako sa madilim lalo na sa gabi.
Napatitig ako sa itim na kalangitan.
Nakatingin rin kaya si Akhiro roon?
O kaya meron rin kaya sa mundo na katulad ko? Meron rin bang nakatingin sa mga tinitingnan ko ngayon?Napatayo lang ako at napapasok sa loob ng marinig ang boses ni Daddy.
Yehey! Andito na sila!
