ZEHRA AMANDA GOU
"Ready na ba kayo?" Andito ang partido namin sa covered court para magdasal. Dito rin kami maghihintay ng result.
"I don't feel any pressure, sure win." Pagmamayabang ni Kiyo na sinangayunan ni Adler at Skighler.
Napatingin ako sa phone ko ng umilaw 'yon.
From: Akhiro
Goodluck baby!Napangiti ako at sinagot 'yon.
To:Akhiro
Goodluck:>Napatingin lang ulit ako sa kanila ng may humawak ng kamay ko.
Nakaform na pala sila ng bilog para magdasal.
Tiningnan ko ang lalaki na representative ata ng grade 5."Magpi-pray daw." Saad nya dahil pilit kong binabawi ang kamay ko kahit 'yung iba naman naming kasama ay naka holding hands din. Hindi lang talaga ako sanay sa ibang tao o ibang lalaki. Sa kabila ko kasi ay si Claire kaya ayos lang dahil babae naman.
"I'll lead the prayer." Saad ni Adler.
"Teka! Teka. " Napatingin kami kay Skighler dahil mula sa pakikipaghawak kamay nya kila Adler at Kiyo ay bumitaw sya.
Nagulat ako ng lumapit sya sakin at walang pakundangan nyang inalis ang kamay nung lalaking representative ng grade 5.
Sya ang pumalit doon at hinawakan ang kamay ko. Okay? Mas okay na 'to.
Pagkatapos magdasal ay doon na rin kami kumain habang naghihintay ng result.
Ilang sandali pa ay may lumapit saming teacher."May results na, pumunta na kayo sa SPG room." Doon nagsimulang kumabog ang dibdib ko.
Kinakabahan ako!
Pagdating sa SPG room ay naroon na ang kabilang partido, may mahabang lamesa at may mga upuan din. Nakaupo sila sa kabila kaya umupo rin kami sa kabilang side.
Binati lang kami ng SPG adviser bago nya inaannounce ang panalo.
"Our newly elected President...." Tumigil sya bago tumingin sa kabilang partido.
"... Claire Ramirez!" Napakurap ako at hindi mapigilang pumalakpak.
Tumayo lang si Claire at nag bow.What the f? Hindi ba sya tatalon?
Sabagay sanay na syang manalo kaya hindi na bago sa kanya 'yon.
"For vice president we have, Adler Beckett." Taas noong tumayo si Adler at nakipag eye to eye sa vice president ng kabilang partido.
Narealize kong secretary na kaya nagsimula nanaman akong kabahan.
"For Secretary!..."
tugs
tugs
tugs
"Zehra Amanda Gou!"
Ang plano ko ay tumalon at sumigaw pero hindi ko nagawa, napanganga lang ako at hindi naitago ang ngiti.
I'm on cloud nine!
Hindi pa man tinatawag ang panalo sa treasurer ay tumayo na si Kiyo.
"It's me guys." Proud nyang saad at hindi naman sya napahiya dahil sya nga ang nanalo.
Natapos ang announcement at nakakatuwang isipin na panalo kaming lahat na nasa partido ni Claire.
Palabas na kami ng SSG room ng marinig ko ang usapan ng kabilang partido.
"Binili yung boto, mga Gou kasi."
Nagpanting ang tenga ko sa narinig.
Binili? Hindi nga alam ng mga magulang ko na tumakbo akong officer at wala rin naman silang pakialam sa mga schools na pinatayo nila.
"Anong sabi mo?" Napalingon ako dahil nakalapit na pala si Claire sa kanila.
"Binili lang yung boto nyo!" Naningkit ang mata ni Claire bago hinila ang buhok nung isa.
Naghilaan sila ng buhok, buti nalang ay wala ng teachers at mabilis na napigilan ni Skighler at Kiyo.
"Tumanggap kayo ng pagkatalo, parang tanga." Saad ni Kiyo sa kanila.
"No, this is unfair. " Naglakad na sila palayo.
Napailing iling ako, kung ako ang nasa posisyon nila baka hindi rin ako makatanggap ng pagkatalo.
Kinuha ko ang phone ko at wala pa ring update kay Akhiro.
To: Akhiro
I won! I'm so happy.
Hindi sya nagreply hanggang makauwi kami sa bahay.
"Congrats anak!" Napatingin ako kay Mom at Dad.
"Huh?" Pano nila nalaman?
"Nanalo ka raw as SPG secretary?" Kaagad pumasok sa isip ko 'yong sinabi nung kabilang partido kanina.
What if binili nila ang boto?
"Alam namin ang iniisip mo, ngayon lang namin nalaman, okay?" Ngumiti ako bago tumango.
"Uy, Kayler. Congrats." Bati nila kay Skighler na kakababa lang ng hagdan.
"Thanks." Iyon lang ang sinabi nya bago lumabas.
"Pucha! Ang tagal ni Claire." Kanina pa nagrereklamo si Kiyo.
Grade 4 na ako at kami pa rin ang officers, as long as hindi nag transfer ang president o hindi pa sya gumagraduate ay walang botohan na mangyayari.
Kaya lang naman nagbotohan last year ay dahil lumipat si Akhiro.
"What an irresponsible president." Reklamo nung auditor.
"Lagi na lang syang naalis these past few months." Saad ni Adler sa likod na mukhang si Skighler ang kausap.
"Baka tinotoo nya yung sinabi nyang pupunta sya ng probinsya para hanapin yung lalaki dun." Yung lalaki ata 'yon sa tv, yung nakayakap sa batang babae. Hanggang ngayon nga ay hindi pa nahahanap ang magulang at kapatid nya.
Tumunog na ang bell senyales na uwian na.
Napatingin kami kay Adler na naglakad papunta sa gitna ng SPG room."Meeting cancelled, dismissed." Anunsiyo nya kaya dali dali kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas.
Excited ako ngayong araw dahil dadaanan kami ni Akhiro at ng driver nya. Pupunta kami sa mansyon nila dahil nasa business trip sila Mommy kasama ang parents ni Aarzu.
"Wag kang tumakbo." Nagulat ako kay Akhiro na nakatayo sa harap ng gate.
Hindi ko nga alam kung bat dinaanan nya pa kami eh pwede naman kaming pumunta nalang sa bahay nila since magkapitbahay lang kami, hindi ba sya busy? Nanalo kasi sya as president ng Witara. Angas."Huy pres! Balita ko president ka ulit sa Witara!" Binati sya ng ilan nyang kakilala. Mga grade 6 students.
Napakamot sa batok si Akhiro bago kinuha ang backpack ko.
"Oo eh, musta?"Lumabas na rin si Skighler kasama ni Kiyo at Adler.
"Okay lang! Excited sa graduation. Ikaw ba? Marami bang artista dun?"
Ngumiwi si Akhiro bago tumawa."Wala naman masyado." Hinila nya na ako paalis dun.
"Uy pare!" Napatigil sa paglalakad si Akhiro ng hilahin sya ni Kiyo.
"Uy sap." Nagkamustahan lang sila bago kami sumakay sa sasakyan nila kasama si Skighler.
"Madami bang magaganda dun? Lipat na kaya ako." Saad ni Skighler kay Akhiro.
Nasa backseat kami at nasa gitna nila ako."Ewan ko, wala naman akong nakikita." Saad nya.
"Walang nakikita o wala ka lang talagang pakialam."
Nagkwentuhan pa sila hanggang marating ang bahay.