3

0 0 0
                                    

ZEHRA AMANDA GOU

"Lilipat kayo ng school?" Iyon kaagad ang lumabas sa bibig nya pagkapasok. Mukhang nakauwi na ang mga kaibigan nya.

"Alam mo naman si Rzu." Sagot ni Kiro.

Narinig ko na mas close daw si Aarzu sa mga magulang ni Akhiro pero noong namatay sila ay naglayas si Aarzu kaso bumalik rin dahil bata pa.

"Kayong apat?" Usisa ni Skighler.

"Oo." Sagot naman ni Akhiro, tukoy nya kina Aavya at Luna.

"Gusto ko rin sanag lumipat kaso..." Napatigil sya sa pagsasalita bago ako tiningnan.

"..Kaso may pinoprotektahan ka." Pagpapatuloy ni Akhiro sa sasabihin sana ni Kayler.

Sino kaya ang pinoprotektahan ni Skighler, siguro si Ayumi at Sheena. Ang swerte naman nila.

"Whatever, what's that?" Hinablot nya ang cellphone na hawak ni Akhiro.

Nataranta naman ako, baka magalit sya.

"Number lang ni Zehra ang laman nyan at number ko lang rin ang na kay Zehra." Ibinalik nya ang phone ni Akhiro. Nagulat ako ng lumapit sya sakin at hablutin ang phone mula sa likod ko.

Patay.

Tiningnan ko lang syang magtipa roon bago nya ibinalik sa akin.

"Hindi mo 'ko papagalitan?" Manghang tanong ko.
Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Akhiro.

"Tsk." Iyon lang ang sinagot nya at tatalikod na sana ng pigilan ni Akhiro.

"Gala daw tayo bago ang klase sabi ni Kiyo at Adler." Tukoy nya sa dalawa pa nilang kaibigan.

Oo nga pala! Malapit na ang pasukan.
Parang hindi ata ako ready na hindi kasama si Akhiro.

"K." Tuluyan na syang lumabas pagkasabi noon.

"Sungit nya talaga." Bulong ko pero alam kong narinig 'yon ni Akhiro.

Anderson nga pala ang gamit na apelyido ni Skighler, apelyido ng mama nya. Hindi ba sya proud na maging Gou?

"Sayo lang naman 'yan feeling cold, sya pinaka maingay sa tropa." Hindi ko napag tuonan ng pansin ang sinabi ni Akhiro ng maalala kong hindi ko napause ang pinapanood kong Barbie.
Nang silipin ko 'yon ay tapos na kaya kinuha ko nalang ang donut at inalok si Akhiro.

"Diba kaibigan nyo rin si Aarzu? Bat minsan nyo lang sya kasama?" Curious kong tanong.

"Si Luna lang naman kasi ang kinakausap nya." Nabanggit nga sakin ni Kiro na crush ni Rzu si Luna habang crush naman ni Claire si Rzu.

Sabagay gwapo naman kasi si Aarzu. Nasa lahi ata ng Fuevos.

"Sana i crushback na sya ni Luna." Natatawa kong saad.

"Alam mo ba kaya sumama si Claire sa medical mission kahit labag sa loob nya dahil nalaman nyang hindi kasama si Luna dahil may family trip kami." Pagkikwento ni Akhiro.

"Akala nya pagdating doon papansinin na sya ni Aarzu pero naka focus lang naman si Rzu dun sa isang babae. Yung anak nung nawawalang mag asawa." Naalala ko yung babae sa TV. Maganda nga 'yon!

"Kawawa naman si Claire." Komento ko.

"Hindi rin, may nakilala kasi syang lalaki na bestfriend nung babaeng anak nung nawawalang mag asawa." Napangiwi ako ng mapagtantong iyon yung lalaking nakayakap doon sa babae.
Ang liit pala ng mundo.

"Teka! Pano mo nalaman eh hindi ka naman kasama!"
Chismoso.

"Madaldal si Vya eh." Tukoy nya sa kapatid ni Aarzu na grade 2.

"Eh 'yong family trip nyo? Musta?" Bahagya syang nag isip.

"Okay lang, naiingit nga lang ako kay Luna dahil alagang alaga sya ng magulang nya." Kung tutuusin halos pareho si Skighler at Akhiro ng buhay.

"Nahuli na ba 'yong pumatay sa mga magulang mo? Tagal na nun ah." Napaiwas sya ng tingin bago umiling.

Pinatay kasi ang mga magulang nya sa mismong mansyon ng Fuevos.

"Nga pala! May mga gamit kana?" Pag iiba nya ng topic.

"Wala pa eh, busy sila Mommy." Malungkot kong saad.

"Tara?" Napatingin ako sa kanya ng tumayo sya.

"Saan?" Taka kong tanong.

"Mamimili ng gamit." Napangiwi ako.

"Wala akong pera." Bata pa ako para humawak noon.

"Ako ng bahala." Sabagay mayaman naman talaga sila. Kaya hindi na rin nakapagtatakang nakabili sya ng touchscreen na phone.

Nagbihis lang ako habang naghihintay sya sa baba. Pagbaba ay bumungad sa akin si Akhiro at Skighler na nakabihis rin.

San sya?

"What took you so long?" Reklamo ni Skighler bago lumabas.

Kunot noo kong hinarap si Akhiro.

"Saan sya?" Mahina syang tumawa.

"He's going with us." Kanina ay excited ako, ngayon naman ay naiilang.

Bat kailangan nya pang sumama? Alam nya bang takot ako sa presensya nya?

Walking distance lang naman ang mall kaya nilakad na namin. Wala rin naman kaming choice.

Naka mask pa nga si Akhiro dahil pagkakaguluhan sya ng mga tao kahit pamangkin lang sya ng mayor.

Tatawid na kami sa daan dahil nasa tapat lang ang mall.
"Sa pedestrian tayo dumaan para pag nabangga tayo may bayad." Napangiwi ako sa sinabi ni Skighler at humalakhak naman si Akhiro.

Hindi ko alam na joker pala sya? O joker naman talaga sya sa iba dahil lagi kong naririnig na tumatawa si Sheena at Ayumi. Sakin lang talaga sya iba.

Nagulat pa ako ng hawakan nilang dalawa ang magkabila kong braso ng tumawid kami sa pedestrian.

Napaka protective.

Agad rin namang bumitaw si Skighler bago nagpatiuna samantalang si Akhiro ay hawak parin ang braso ko na akala mo ay mawawala sya.

Dumiretso kami sa national bookstore. Dito talaga?
Nangangamoy expensive.

Pinanood ko si Skighler na kumuha ng maraming gamit ganoon rin si Akhiro.
Nakakahiya naman palang sumama sa dalawang 'to. Nagmumukha akong yaya.

"Tatayo ka lang ba dyan?" Angat kilay na tanong ni Skighler.

Umiling ako bago kumuha ng mga notebook, pinili ko lang 'yong may design na Barbie. Nakakahiya namang pumili ng mga expensive hindi naman ako ang magbabayad.

"Yan lang ba lahat?" Tanong ni Akhiro bago ako giniya sa cashier. Si Skighler naman ay nasa labas na, kanina pa tapos mamili.

Tumango nalang ako dahil hindi ko alam kung anong requirements.
Bibili nalang ako kapag kulang.

"Kain tayo?" Iyon agad ang sinabi ni Skighler pagkalabas namin.

"Libre ko." Dugtong pa nya.

"Wow, napaka galante naman natin. Gou na Gou ah." Pang aasar ni Akhiro.

"Hindi ako Gou." Ayan nanaman sya, tinatanggi nya nanaman.

"Eh bat mas marami ka pang pera kay Zehra?" Pagbibiro ni Akhiro.
Bata pa kasi ako kaya wala pa akong pera.

"Pera to ni Mama, Anderson ako." Iyon lang ang sinabi nya bago nagpatiunang maglakad.

NYCTOPHILIAWhere stories live. Discover now