Prologue

1.4K 42 8
                                    

Maxine Smith (Homophobic)

Famous, Rebellious, Careless, Beautiful, Intelligent, Blunt, Demanding, Egoistic and Go-getter

She always gets what she wants, but can she ever avoid the one she hates?

Melissa Montejo (Lipstick lesbian)

Weird, Introvert, Hopeless Romantic, Unorganized, and Loner

What if your biggest challenge is your biggest fear?

How can one wicked bet can change Maxine's life completely? What if Melissa will find out about it?

Revenge, Envy, Pride, Denial, Betrayal and Love all rolled into one in "The Sorority's Bet"

---

"Maxine!" tawag sakin ni Samantha sa hallway

"Oh nagsisimula na ba yung klase?" tanong ko

"Hindi pa, late yata si Mrs. Reyes eh." sagot niya saka ako nagmadaling maglakad papunta sa classroom

"Good morning Max! " rinig kong bati sakin ng schoolmate ko na siyang ikinibit balikat ko lang.

"Ganda nya talaga noh?" rinig kong sabi ng isang babae

"Maxine! ngayon ka lang na-late ah, what happened?" saka lumapit si Janine sakin upang makipagbeso

"Ah, na stuck lang sa traffic. Anyway, yung pinapagawa ko sayo, andyan na ba?" tanong ko kay Janine dahil siya ang inutusan kong gumawa ng survey questionnaires namin para sa Statistics.

"Ah eto, 80 copies yan." nakangiti nyang sabi

"Buti naman, salamat at nagawa mo nang maayos." sabi ko pagkatapos kong basahin ang mga ginawa niya

"Welcome, inayos ko yan ng mabuti kagabi "  sagot niya

Habang papunta sa designated armchair ko ay napakunot noo ako sa inis nung naramdaman kong may nakatapak ng sapatos ko.

"Sorry Maxine, sorry talaga di ko sinasadya." sabi ni Melissa habang inaayos ang makapal niyang eyeglasses

"Tatanga tanga kasi." bulong ko saka dumerecho sa upuan ko

-

"Maxine",  "Maxy" o "Max" ang madalas  nilang itawag sakin. Leader ako ng Alpha Phi Sorority sa unibersidad na pinapasukan ko. BS in Customs Administration ang kursong kinukuha ko at isa akong dean's lister sa East Asia International University. Isang taon na lang ay gagraduate na ako. Eto naman talaga ang goal ko, ang makapagtapos, magtrabaho at makapagtravel sa lugar kung saan malayo ako sa nakaraan ko.

Ako yung tipo ng taong madaling makalimot, matapang at walang kinatatakutan kaya ni minsan man ay hindi ko ipinakita kahit kanino ang kahinaan ko. Ang mga kahinaan kong mag-isa ko lang nilabanan. Bata pa lang ako nung naghiwalay ang mga magulang ko. Kung kani-kanino ako nakitira lalo na nung na-bankrupt ang negosyo namin habang ang tatay ko naman ay matagal ko nang di nakikita. May iba na daw kasing pamilya ang dad ko sa Australia kaya naman labis ang galit ko sa kanya. Nung isang taon lang namatay ang mommy ko dahil sa sakit na Ovarian cancer. Nakakatuwa noh? na siya na nga lang ang taong natitira para mahalin ka tapos biglang babawiin sayo? Ano nga ba ang dapat kong gawin kundi tumayo sa sarili kong mga paa. Mula nun ay ipinangako ko sa sarili ko na walang sinumang tao ang hahayaan kong makapanakit sakin. Mabuti na lang at nagmagandang loob ang ninang Marie ko, kundi dahil sa kanya ay hindi ko alam kung san ko ngayon. School director siya ng university na pinapasukan ko at siya ang tumulong sakin upang makakuha ng scholarship sa college. Lahat ng allowance ko ay sakanya nanggagaling.

Anak ang turing niya saakin kaya naman malaki ang utang na loob ko sa kanya. Sa katunayan nga ay may isang anak siya na babae, si Patricia, isa sa mga sorority sisters ko. Tulad ko, matapang at kinatatakutan siya ng lahat, lahat kasi ng gusto niya ay dapat masunod lalo na sa university. Not until ako ang pumalit kay Andrea bilang leader ng Alpha Phi Sorority 3 years ago, ang panahon kung saan ko naging kakumpetensya si Patricia. Mula din noon ay wala siyang magawa kundi sumunod sa lahat ng utos ko bilang lider ng grupo. Beauty, Fame and Power  what more can I ask for?

The Sorority's Bet (girlxgirl) (on-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon