"Max, si Raymond hinahanap ka." sabi sakin ng kaklase kong si Robi kaya nagmadali akong puntahan si Raymond sa car park
"Hon, happy 5th anniversary!" bati sakin ng long time boyfriend kong si Raymond saka ako niyakap
"Thanks hon, happy 5th anniversary, I love you." sabi ko saka siya hinalikan sa labi
"Here's for you." saka siya ngumiti at kinuha ang bouquet of roses na nakalagay sa backseat saka ito binigay sakin
"Uhh so sweet." nakangiti kong sabi saka niya ko pinagbuksan ng pinto ng sasakyan para ipag-drive ako
Si Raymond Lee ang kaisa-isa kong naging boyfriend. Gwapo siya, mayaman at matalino. Anak siya ng isang kilalang businessman na si Allan Lee. Dati siyang bad boy at aaminin kong maraming babaeng nagkakagusto sa kanya pero mula nung naging kami ay nagbago siya. Pakiramdam ko sa akin lang dapat umikot ang mundo niya at wala na siyang ibang babae pang magugustuhan kundi ako lang.
Maya-maya pa lang ay nakarating kami sa isang restobar malapit sa isang beach. Pagkatapos naming kumain ay nagyosi muna ako sa smoking area. Hindi kami masyadong nag-uusap ni Raymond dahil sigurong parehas kaming pagod sa school kanina. Pagkabalik ko sa table ay tahimik lamang siyang nakatitig sakin kaya nagsalita ako.
"May problema ba hon?" tanong ko
"Ah wala, pero may sasabihin kasi ako." seryoso niyang sabi
"Ano yun?" tanong ko
"Maxine, hon, ahh..gusto ko lang sabihin sayo na ikaw lang ang nakapagbago sakin.... Maganda ka, matalino, mabait kahit minsan mataray... And after all these years, narealize ko-na ikaw na yung gusto kong makasama habang buhay." sabi niya sakin saka hinawakan yung kamay ko
Kinabahan ako sa mga sinabi niya kaya hindi na lang ako nakapagsalita sa sobrang kaba. This time ay lumuhod siya at kinuha ang isang maliit na box na may diamond ring na siyang lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko.
"Hon, will you spend the rest of your life with me?" tanong niya while kneeling on one knee
Lalo akong kinabahan dahil maraming tao ang nakapaligid samin.
"Yes." agad kong sagot
Lahat ng mga tao sa paligid namin ay masayang nagpalakpakan saka kinongratulate si Raymond.
"Yes! I love you." masayang sabi ni Raymond saka ako niyakap ng mahigpit
Makalipas ang ilang sandali ay niyaya ko na siyang umuwi. Habang tahimik siyang nagdadrive ay hindi ko maitago ang nararamdaman ko.
"Bakit mo naman ginawa yon?" galit kong sabi
"Ang alin hon?" tanong niya habang pinapatuloy ang pagdadrive
"Ang pag-propose sa harap ng maraming tao. Alam mo namang di pa ako handa, marami pa akong plans Raymond, ni hindi pa nga tayo tapos ng pag-aaral eh." sabi ko
"But we can achieve all of our dreams together. I want to spend the rest of my life with you. See, I-I just don't wanna let you go. Hon, I just want us to be engaged." sabi niya saka hinawakan ang kamay ko
"Mabuti na lang nakapagtimpi ako at hindi ka napahiya kanina. Raymond please, I'm not ready for this." saka ko sinoli yung diamond ring na binigay niya
"I understand, I'm so sorry hon." malungkot niyang sabi
"It's okay, sige ingat ka. Thank you." sabi ko saka tinanggal yung seatbelt upang bumaba na sa kotse
"Okay hon, I love you... see you tomorrow." sabi ni Raymond saka siya nagdrive paalis
---
Melissa's POV
9:05 am na pero wala pa rin si Mrs. Rodriguez, kunsabagay lagi namang late yun. Sanay na ako sa ingay ng mga kaklase ko kahit na full volume na yung kantang pinapakinggan ko with my earphones. Maya-maya pa lang ay dumating na si Maxine wearing her corporate uniform which suits her. Siya lang naman ang babaeng hinahangaan ng lahat. She always get what she wants, I mean kung talino lang ang pag-uusapan ay higit pa dyan ang kaya niyang ipakita. Bold, beautiful, and independent, that's what I love about her. Eh ako? I'm just a nerd who's hiding behind these thick eyeglasses. Smart? I don't think so, iba ang tunay na buhay sa pelikula. Aminin ko man o hindi, hindi porke't nakasalamin ako matalino na ako, malabo lang talaga ang mga mata ko. I'm just invisible in this university. Nerd and turing nila sakin pero si Maxine Smith ang tunay na napapansin dahil sa angking niyang ganda at kung paano niya dalhin ang sarili niya. Hindi ko rin naman hangad ang sumikat kaya kontento na ako sa mga grades kong pasado. Simple lang ako at madalas tahimik. Isa lang ang matalik kong kaibigan at si Leah yun. Siya lang kasi ang nakakaintindi at nakakaalam ng lahat ng sikreto ko.
Matagal ko nang gusto si Maxine. Oo isa akong lipstick lesbian at alam kong nahahalata na din ito ng mga kaklase ko sa kilos ko.
Busy na nakikipagkwentuhan si Maxine sa iba naming mga kaklase kaya naman sa sobrang bored ko habang hinihintay ang prof namin ay inisketch ko muna si Maxine sa last page ng binder ko. Sa sobrang pagfofocus ko sa pag-sketch ay di ko namalayang makikita ni Jeff ang ginagawa ko.
"May gusto ka kay Max noh?" sabi ni Jeff na tila nagpabigla sakin
"Ha? Eh wala?" sabay takip ko sa sketch ko
"Kunwari ka pa eh, patingin naman!" natatawang sabi ni Ryan saka hinila yung binder ko
"My Ideal girl daw pre oh, hahaha." natatawang sabi ni Ryan hawak-hawak and binder ko saka nila pinagpasa pasa ang sketch ko hanggang umabot ito kay Maxine.
Halos mangiyak ngiyak ako sa kaba at kahihiyan na ginawa nina Ryan at Jeff.
"Kanino to? tanong ni Maxine sa harap ng klase hawak-hawaka ng binder ko
"Akin yan." saka ako lumapit at kinuha ang binder ko
"Hahahaha! tibo pala to eh..sabi na nga ba." nagsitawanan ang mga bully kong kaklase
"Anong kaguluhan to? Ilang minuto lang akong nawala tapos ang iingay nyo?! Para kayong mga highschool. Go back to your proper seats RIGHT NOW!" sigaw ni Mrs. Rodriguez na kadarating lang.
"I'm sorry ma'am, may bagong love team kasi."hirit ni Jayson saka tumawa ang buong klase
"Shut up Jayson! I'm not into lesbians." galit na sigaw ni Maxine saka tumahimik ang lahat
Pahiyang pahiya ako nung araw na yon. Buong araw akong nagtimpi sa mga pambubully nila sakin. Nagpaalam ako kay Leah para maaga nang umuw. Pagkapasok ko ng kwarto ay doon ko ibinuhos lahat ng nararamdaman ko. Di ko mapigilang umiyak sa ginawa nila sakin kanina. Alam ko namang kahit kailan ay hinding-hindi magiging kami ni Maxine pero mas nasaktan ako sa reaction niya kanina.
Yung pandidirihan ka ng taong matagal ko nang gusto? Tama na Melissa, kailangan mo nang magising sa kahibangan mo. Hindi lahat ng tao kayang intindihin ang nararamdaman mo. Kailangan mo na sigurong i-let go ang sarili mo sa mundo mong puno ng imahinasyon.
Nung gabi ding iyon ay pinagtatanggal ko lahat ng wallpapers ni Maxine sa kwarto ko. Lahat ng school newspaper kung saan na-feature siya mula 2011 ay tinanggal ko na rin. Walang mangyayari sakin kung ikukulong ko lang ang sarili ko sa taong ayaw naman sa mga tulad ko.
Buo na ang desisyon ko, ang desisyong kalimutan na ng tuluyan si Maxine. Simula ngayong gabi ay papalayain ko na ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman deserve, sa mga bagay na nakakapagpasakit lang saakin.
BINABASA MO ANG
The Sorority's Bet (girlxgirl) (on-HOLD)
RomantizmMaxine, the homophobic leader of Alpha Phi sorority, was dared by her members to sleep with Melissa, a nerd lesbian who is known as her hopeless lover. She has been warned that if she fails to accomplish the sorority's bet, she will face the worst c...