Prolouge

58 2 0
                                    

Ang sarap daw ma-inlove . . .


Minsan, iniisip ko . . . ano kayang pakiramdam ng may karelasyon?

Sa totoo lang, natutuwa ako pag nakakakita ako ng mga magsyota sa mall, sa daan, sa park at kung saan-saan pa. Pag nakikita ko sila, parang ang saya ng pakiramdam na mayroon ka ring kayakapan . . . ka-holding hands pag naglalakad, 'yung may inaabangan ka sa school pag uwian na, 'yung susuyuin mo pag nag-aaway kayo . . . 'yung susunduin mo pag uwian na . . . 'yung sasamahan mong mag-shopping kahit na gaano pa siya katagal mamili . . . 'yung ite-text mo paggising sa umaga. Diba?


Iniisip ko . . . sana may ganun din ako.


Kaya pag nakakakita ako ng magsyota sa mall, sa daan, sa park at kung saan-saan pa . . . pag nakikita ko sila, hindi ko maiwasang maiinggit, magalit at maging malungkot kasi . . . pakiramdam ko mag-isa lang ako dito sa mundo. Para bang ako 'yung kaisa-isang pinagkaitan ng tadhana na maging mag-isa nalang at wag na bigyan ng kapares sa buhay.

Sabi nila noon, darating naman daw 'yun, basta maghintay lang daw ako. Eh, ano? Tutunganga nalang ba ako dito? Minsan nga iniisip ko nab aka tumanda nalang siguro ako ng binata . . . eh pa'no, wala namang na-iinlove sa akin. Sana nga panain na ako ni Kupido . . . 'yung pana talaga? Kasi pakiramdam ko kahit siya mismo sumusuko na sa buhay pag-ibig ko-- ang miserable kasi.


Pag mag-isa ako . . . hindi ko talaga maiwasang isipin 'yung mga ganitong bagay . . . kaya naman--


"BEEP BEEP!"

Puzzle PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon