Chapter 2 - Pieces

31 3 1
                                    

"Kaitlyn! Please!"


"Sorry, Kyle, pero . . ."


Tumakbo si Kaitlyn papalayo sa akin at hindi na lumingon pa. Ramdam na ramdam ko ang sakit na dinadala niya . . .


BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPP!


"Kaitlyn!"


Gumising ako ng may luha sa mata ko. Ano ba 'yung panaginip ko! Hanggang sa panaginip ba naman nagkakaroon ako ng teleserye! Di ko akalain na may ganun pala sa subconscious mind ko. Akalain mong may sariling dramarama? Pwede na ata mag-direct ng primetime show 'tong utak ko, eh. Teka nga, anong oras na ba?


Inaninag ko 'yung LED Clock na nakasabit sa dingding ng dorm ko . . .3 a.m. na pala. HAYYYYY. Grave hours nanaman. Bakit ba kasi ganito 'tong kurso ko! Hay nako! Pero wala, eh, mahal na mahal ko'tong kurso ko. Total, isang taon nalang naman, ga-graduate na ako.


Umupo ako sa study table ko at sinimulang mag-aral. Pero syempre, dahil 3a.m. nakatulog lang ako sa mesa ko.


"Sa tingin mo magigising na siya?"


Ughhhh. Nasaan ako? Bakit ang daming nakadikit sa katawan ko. Aray! Hindi ako makakilos . . . Teka, dextrose? Ano bang nangyari?


"Wait! Nakikita mo ba 'yun? Dumidilat na siya! Tawagin niyo si Doc o kaya tumawag kayo ng nurse! Bilisan niyo!"


Anong nangyari? Bakit parang ang saya ni Mommy? At bakit nandito siya? Ang alam ko sobrang busy niya, ah.


May pumasok na doctor at sinuri ako, maya-maya ay lumayo siya ng kaunti sa akin at pinalapit si Mommy sa kanya.


"Ma'am  . . . . . . . . .  . partial . . . .  . . . .  . nangyari  . . . . .  . . . gusto . . . . . . . "


Nakatingin si Mommy ng nakangiti sa akin . . . pero iba 'yung ngiti niya. Ano bang nangya—-

 

BEEP BEEP! BEEP BEEP! BEEP BEEP!


Unghhhhh. Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. 6a.m. Oras na para maghanda para sa klase. Akalain mo, may katuloy pa pala 'yung primetime show ng utak ko.


Ang hirap talaga ng 7:30a.m. ang pinakamaaga mong klase. What the heck dude! Ang hirap kaya gumising ng sobrang aga para lang maghanda.

KRIIIIIIIIIIIIIIING!


"HOY MATT! GISING KA NA BA?" ang aga naman tumawag nitong kupal na 'to!


"EH ANO SA TINGIN MO? SASAGOT BA AKO KUNG HINDI?" umagang-umaga panira ng araw.


"GEGE! BILISAN MO. NANDITO AKO SA BABA NG DORM MO. SABAY NA TAYO MAG-BREAKFAST!"


"Umakyat ka na muna dito. Maghahanda palang ako."


"OH SIGE!"


Naghanda na ako at nagbihis, nakakahiya naman kasi sa kaibigan kong kupal na may pangalang "Luis" para maghintay. Pag ako nagkaroon ng pagkakataon uupakan ko talaga 'to, eh.


Pumunta kami sa McDo para mag-umagahan . . . 'yan kasi 'yung paborito naming lugar ng kainan. Ilang minuto pa, dumating na si Ben.


"Uy, Ben! Kamusta ka naman?" Nakakaawa 'tong mukha nito.


"Okay naman, pre. Puyat lang . . . gusto ko pa sanang matulog, eh. Kaso meron kasing isa dito na tinawagan ako ng madaling araw para pilitin na mag-almusal dito." Sabi niya habang nakapikit pa.


"Ahehehehehe. Ang sarap ng pancake 'no? Eto pre, oh, saksak mo sa bibig mo. Mag-almusal ka na diyan." At sinimulan nanaman nila ang pagsusuntukan sa harap ko.


Sabay-sabay na kaming pumasok sa school namin . . . Ang Unibersidad ng Pilipinas. Pressure 'no? LOL jk, hindi. Depende naman sa tao 'yun.


Nauna na kaming pumasok ni Luis sa building namin, dahil mas malayo ng ilang metro ang building nila Ben.


Nagkw-kwentuhan kami ni Luis papasok ng building ng mayroong isang babaeng sumigaw ng sobrang lakas si likod mismo ng gusali. Nagkatinginan kami ni Luis at natarantang tumakbo papunta sa likod . . .


Ito na ang pagkakataon para magpakamatipuno at magpakabayani! Gagawin ko ang lahat para mailigtas ang babaing ito sa kapahamakan!


Nakarating kami sa likod ng gusali namin at nagulat kami sa aming nakita.


Isang babaeng napapalibutan . . .  NAPAPALIBUTAN NG PALAKANG KARAG.


"Kuya! Tulungan niyo 'ko! Kadiri ewww AHHHHHHHHH!" sabi ng babae habang natatarantang kinukuha 'yung mga nalaglag niyang gamit dahil sa kakatakbo niya.


Nanigas ako sa kinatatayuan ko . . . magpapaka-bayani na sa ako pero . . .


"Pre, tara na, tulungan na natin 'yung tao." Sabi ni Luis habang namumula na dahil sa kakapigil ng tawa.


Gusto ko sana, pero . . .


"AH TAKOT SA PALAKA! HAHAHAHA!"  tumawa siya ng malakas ng nakahawak pa sa tiyan niya.


"Gusto mo ng mic??? Mamaya ka talaga sa'kin pagkatapos nito. Tulungan mo na siya! Di ko kaya 'yan."


Tumakbo na siya papunta sa babae at pinulot 'yung mga gamit na nalalag. Hinila niya siya at saka tumakbo papunta sa pwesto ko.


"Kuya, salamat, ha? Pasensya  na, ang OA ko lang, pero takot kasi talaga ako sa palaka, eh."


"Naku, miss, okay lang 'yun. Naiintindihan ko naman."


Nakayuko ako sa sobrang hiya kasi wala man lang akong nagawa para tulungan 'yung babae. Eh, wala, eh. Takot din ako sa palaka. Inipon ko ang kakapalan ng mukha na natitira pa sakin at hinarap si Frog Princess . . .


Nanlaki ang mata niya at sumigaw ng . . .


"IKAW?????"


Nagulat din ako.

Puzzle PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon