Chapter 3.3 - Taguan

19 2 0
                                    

Luis' POV


"Anong ginagawa mo dito? Ang akala ko nasa ibang bansa ka?" sabi ko habang hinihila ko siya pababa ng hagdan ng overpass.


"Teka lang, Kuya! Bakit mo ba ako hinihila? Ang sakit kaya!" nagpiilit siyang makawala sa hawak ko sa kanya.


"Basta, bilisan mo. Dapat hindi niya tayo makita!"


"Sino? Nino!?"


"Si—— . . . si Matt!"


Napahinto siya ng sinabi ko ang pangalan ni Matt.


"Huh!? Eh, sinong Matt ba kasi 'yun!?"


Hinawakan ko ang mukha niya at itinungo sa direksyon kung saan naroon si Matt. Sobrang nangmulagat ang mata ni Kari . . . alam kong hindi rin siya makapaniwala sa nakita niya.


Napasigaw siya . . .


"SI KUYA—-" pinigilan ko siya sa pagsigaw niya bago pa kami makita ni Matt.


"Kuya Luis!? Bakit mo ako pinigilang sumigaw! Ang tagal ko na siyang hindi nakikita!" tumutulo ang luha niya habang sumisigaw siya sa akin.


"Hindi mo naiintindihan, Kari . . . Pero ang kumplikado kasi."


Mukhang kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang mga pangyayari . . .


Pumunta kami sa KFC sa Philcoa at hinintay ko muna siyang kumalma bago ako magkwento.


"Ngayon, Kari, ang kailangan mong gawin ay magpanggap na hindi mo siya kilala."


"Ang hirap naman gawin nun, Kuya." ramdam ko parin 'yung lungkot niya sa pagsasalita niya.


"Oo, mahirap, pero eto kasi 'yung gusto ni Tita. Kaya dapat, gawin mo."


"Oo, Kuya. Sige . . . pero hindi ko pinapangako na magagawa ko 'yun ng maayos. Ang alam ko magkaklase kami sa isang subject, eh."


"Ha? Ano!?"


"Oo, Kuya . . ."


"Wala na tayong magagawa, pero gawin mo ang dapat mong gawin, ha? As much as possible, wag mo siya gaanong kausapin."


"Okay, sige."


Tinapos na namin ni Kari ang hapunan namin sa KFC at nagkanya-kanya ng uwi. Dumiretso na muna ako sa oval para magpalipas ng oras. Malamig naman kasi ng gabi dito, at nakakatuwang maglibot ng malamig.


Nag-text sa akin si Ben . . .


"Pre, nasan ka?" ang text niya sa akin.


"Nandito sa Oval, pre, bakit ka napa-text?" ang reply ko.


"Ah, ganun ba, oh sige. Pauwi na kasi ako. Mas maganda sana na sa personal ko 'to sabihin sa'yo."


"Eh, ano ba 'yun? Teka, tatawag ako." nagulat ako. Mukhang seryoso 'tong pangyayari na 'to, ah.


Tumawag ako kay Ben, at narinig ko ang mabigat na paghinga niya mula sa kabilang linya.


"Ben, pre, ano ba 'yung sasabihin mo?"


"Pare . . . naaalala mo pa ba 'yung nangyari noon?"


"Oo naman, pre, hindi ko makakalimutan 'yun." nanggigilid ang luha ko, sobrang dami na kasing pinagbago magmula ng mangyari "'yun".


"Nandito na siya, Luis . . . hindi siya nakalimot."


Nang marinig ko ang mga katagang 'yun mula kay Ben . . . alam ko na kung sino 'yung taong tinutukoy niya.

Puzzle PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon