Chapter 1 - Sabaw

39 3 0
                                    

Chapter 1 – Sabaw


"Hoy, Matt! Gumising ka nga, ano ba!?"


Nakakairita naman 'to, oh. Kita na ngang natutulog 'yung tao, eh. Nasaan ba kasi ako? Ano ba 'to?


"Pre, ano ba!? Susuntukin na kita, gumising ka na nga! Mahiya ka naman!"


"ANO BANG PROBLEMA MO?" SUNTUKAN NALANG TAYO, OH!?" sabi ko ng may paghampas sa mesa at pagtayo habang medyo nakapikit-pikit pa ang mata ko.


Teka lang, nasaan ba kasi ako? Ang naalala ko kanina naglalakad ako sa daan papuntang building namin, ah. Ano na bang nangyayari?


"Mr. Valdez, may problema ka ba?"


"Ikaw? Ano bang problema mo? Bakit mo ba ako ginigising? Kita mong tulog ako, oh!"


Unti-unting luminaw ang paningin ko . . .


Tumingin ako kay Luis na namumula't nakadukmo sa upuan niya—- namula na rin ako.

NASA CLASSROOM NGA PALA AKO.


Lahat ng tao sa room namin ay naghahagikgikan dahil sa ginawa ko. Sobrang gusto ko nang malusaw ako ako dahil sa ginawa ko. Pero, kahit ako, natatawa sa ginawa ko.


"Naiintindihan kita, Mr. Valdez, pinagdaanan ko rin naman 'yan. So, let's move forward." Sabi ng prof namin.



"Huy, ano ba kasing nangyari sa'yo kagabi?" humahagikgik na sabi ni Luis sa'kin.


"Pare, ano ba? Move-on na nga. Kanina ka pa tumatawa." Nakakunot-noo kong sinabi sa kanya.


"Oo na, eto na-eto na. Pero, seryoso, ano ngang nangyari sa'yo kagabi?"


"Muntikan na 'ko, pre."  Sabi ko habang naglalamukos ako ng papel


"Anong muntikan na?"


"Masagasaan."


"HAHA——- ajdekqurulgctkqegfvcnq" Pinasakan ko ng nakalamukos na scratch paper 'yung bibig niya.


"Mamaya na nga tayo mag-usap."


Natapos na ang huling klase namin at pauwi na ako sa dorm ko. Nagsabay na kami ni Luis umuwi dahil mukhang interesado siya sa muntikan kong pagkamatay.


"Dito . . . dito ako muntikang masagasaan." Tinuro ko sa kanya 'yung daan.


"Oh talaga? Sayang naman di pa natuloy. ARAY!"


Sinuntok ko siya sabay sabing, "Sige, pag may dumaan na kotse itutulak kita para matuluyan ka ng hayop ka."

Puzzle PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon