Chapter 3.4 - Kari

25 3 0
                                    

Nasa kotse ako ng gabing 'yun . . . Madilim.


Nagkkwentuhan kami ni Ate Rhea sa loob ng biglang prumeno ng malakas ang kotse.


"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!" napatili ako ng sobra, ano ba naman 'to si manong driver! Mygoshhh. Kaloka.


"Kuya, ano pong nangyari?" ano ba naman 'to si Ate Rhea. Prumeno na't lahat ang kalmado parin! Para namang hindi tao 'to.


"Pasensya na po, Ma'am. Meron kasing lalaki sa harap ng daan. Tignan niyo po, oh, nakapikit pa." sabi ni Manong Driver.


" . . . ikaw ba 'yan?" narinig ko na sinabi ni Ate Rhea ng pabulong. Nakikita kong nanggigilid 'yung luha niya.


Teka nga? Sino ba 'yun?


Sinubukan kong silipin kung sino ba 'yung muntikan ng mabundol ni Manong, pero hindi ko siya maaninag ng dahil sa sobrang liwanag, pero mukhang kilala siya ni Ate Rhea.


Lumabas si Manong ng kotse at nakipag-usap dun sa lalaki . . . so, sinamantala ko 'yung pagkakataon para makausap si Ate Rhea.


"Uy, 'te, sino ba 'yun? Bakit parang sabi mo kanina ' . . . ikaw ba 'yan?' Kilala mo ba siya?" buong giliw kong tinanong sa kanya.


"Uhh, wag nalang nating isipin, Bunso. Mahalaga hindi siya nasagasaan, diba?" nag-full smile pa si Ate nung sinabi niya sa'kin, 'to.


Ate, halatang may tinatago ka.


"Ah, oh, sige. Sabi mo, eh."


Kinabukasan, matapos ang klase ko, nag-text kaagad sa'kin si Ate at pinapunta ako sa Technohub. Dun daw naka-park 'yung kotse, kaya 'yun. Dun nalang daw ako pumunta. Syempre, bunso ako, kailangan kong sumunod.


Nakarating ako ng Technohub at tumawag sa'kin si Ate.


"Uy, 'te! Asan ka ba? Kanina pa kita hinahanap dito. I'm so pagod na, you know!?" inis na inis ako.


"Pasensya na, Kari, ha? Saglit lang 'to. Nandito ako sa SM Fairview, kasama ko si Manong. May binili lang ako saglit."


Nasa SM daw siya, pero puro tunog ng sasakyan naririnig ko. Hay nako talaga 'to si Ate. Napakamalihim! Pero syempre, dahil naiinis ako pinaniwalaan ko nalang.


Sa sobrang inis ko tumakbo ako paakyat ng overpass at may nabunggo akong lalaki.


"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo, oh!" sumigaw siya, halatang naiinis. Wala na akong pake! Bwisit parin ako kay Ate! Pero syempre, dahil may galang pa naman akong natitira, humingi naman ako ng pasensya pero hindi na ako lumingon.



"Pasensya na, Kuya! Nagmamadali ako, eh!" dire-diretso nalang ako sa paglalakad.


Maliit lang talaga ang mundo natin, 'no? Kasi sa hindi inaasahang pagkakataon . . .


"Kari????"


"Kuya Luis!?" sobrang nagulat ako sa nakita ko, bakit nandito rin siya? Ang ibig sabihin . . . nandito rin kaya si Kuya—-


Napigilan ako sa pag-iisip dahil dali-dali akong hinila ni Kuya Luis habang pababa ng overpass.


"Anong ginagawa mo dito? Ang akala ko nasa ibang bansa ka?" bakit ba parang nagmamadali naman 'to? Ang sakit naman ng pagkakahawak niya sa akin!


"Teka lang, Kuya! Bakit mo ba ako hinihila? Ang sakit kaya!"


"Basta, bilisan mo. Dapat hindi niya tayo makita!"


"Sino? Nino!?"


"Si—— . . . si Matt!"


Napahinto siya ako. Hinihila niya ako dahil ayaw niyang makita 'yung taong hindi ko naman kilala!?


"Huh!? Eh, sinong Matt ba kasi 'yun!?"


Hinawakan niya 'yung ulo at pinatingin sa kabilang banda ng overpass . . .


"SI KUYA—-" tinakpan ni Kuya Luis ang bibig ko bago ako makasigaw.


"Kuya Luis!? Bakit mo ako pinigilang sumigaw! Ang tagal ko na siyang hindi nakikita!" hindi ko napigilang umiyak. Ang tagal na kasi . . . ang tagal-tagal na.


"Hindi mo naiintindihan, Kari . . . Pero ang kumplikado kasi."


Nagpunta kami ni Kuya Luis sa KFC at doon nag-kwentuhan kami.



"Ngayon, Kari, ang kailangan mong gawin ay magpanggap na hindi mo siya kilala."


"Ang hirap naman gawin nun, Kuya." gusto kong umiyak. Ang tagal naming hinahanap ni Ate Rhea kung nasaan na "siya", nandito lang pala.


"Oo, mahirap, pero eto kasi 'yung gusto ni Tita. Kaya dapat, gawin mo."


"Oo, Kuya. Sige . . . pero hindi ko pinapangako na magagawa ko 'yun ng maayos. Ang alam ko magkaklase kami sa isang subject, eh."


"Ha? Ano!?"


"Oo, Kuya . . ."


"Wala na tayong magagawa, pero gawin mo ang dapat mong gawin, ha? As much as possible, wag mo siya gaanong kausapin."


"Okay, sige."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Puzzle PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon