Chapter 3.2 - Taguan

28 3 0
                                    

Luis' POV


Naghiwalay na kami ni Matt, kasi natural, mas una 'yung dorm ko sa kanya. Pero, kinakabahan kasi ako dito sa tao na 'to, eh, kadalasang sabaw ang utak, kung anu-ano kasi iniisip. Ayun, lumalagpas sa dorm niya.


Pumasok ako ng dorm ko at nagpalit na ng damit. Pupunta ako ng gym para magwork-out. Nagpahinga na muna ako saglit at nanood ng TV.


Ng pagbukas ng TV, dramarama kaagad ang napanoood ko.

Nasagasaan daw 'yung babae at lalaki. Wow.

Naalala ko tuloy 'yung araw na 'yun . . .


Hay nako, wag na nga. Basta ang mahalaga magawa ko 'yung gusto ng Mommy ni—-. Ang hirap naman kasi nito, eh. Kailangan kong magsinungaling para lang magawa ng maayos 'tong mga pangyayari. Hanggang kailan ko ba kasi kailangang gawin 'to? Hay nako.


Tumayo na ako at kinuha ang gym bag ko at naghanda na papunta sa gym. Tinawagan ko si Ben.


"Uy, pre, tara papawis tayo."


"Ay, pre, di ako pwede, di parin kasi ako tapos sa plate ko, eh. Si—-"


Alam ko na 'yung masasabi niya.


"Hindi ka parin sanay, 'no?"


"Oo, pre . . . nahihirapan na ako, eh." narinig ko 'yung pagsinghot niya sa kabilang linya,


"Ako rin, eh, pero kailangang gawin 'to. Gusto ni Tita, eh." sabi ko ng nanggigilid ang luha ko.


"Oh, sige na . . . tawagan mo na si Matt. Nasan ba siya?" malamang sa ngayon nagpupunas na 'to ng sipon niya.


"Di ko alam, baka lumagpas sa dorm niya. Sige, pre, text ko na siya."


"Ge, pre, ingat kayo."


Binaba ko na 'yung phone. Nagjogging-jogging na muna ako sa oval at dumiretso na sa Technohub.


Sabi na nga ba . . . lumagpas nanaman 'tong si Matt sa dorm niya.


Kinuha ko 'yung phone niya at tinext ko siya.


"UY PRE, LUMAGPAS KA NANAMAN SA DORM MO NO? HAHAHAHAHA. SABAW KA TALAGA HAHAHA."


Nakita kong may babaeng nakabunggo sa kanya. Mukhang badtrip mukha ni — ni Matt, ah. Naku, maalaga pa naman 'to pagdating sa mga gadget niya.


Papalapit na sa'kin 'yung babae at namataan kong . . .


"Kari?????"


"Kuya Luis!?"

Puzzle PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon