Chapter 16

46 1 0
                                    

Chloe/Mindy's PoV

"Thalia kasi eh! Ingay ingay! Edi narinig ni Juan Karlos!"

"Eh?" Nag nervous smile siya. "Sorry Chloe. Kanina ka pa kasi eh. Sabi ko sa'yo yung pagkan mo di mo pa rin nililigpit kasi nuod na nuod ka lang ng TV. Hehe"

"Bayaan mo na, Chloe. Magpalusot ka na lang kay Juan Karlos. Diba dun ka magaling?" Sabi ni Phoebe o ni Fayne. Napatawa naman si Thalia.

"Oo nga. Tsaka diba pupunta kayo ng cake house? Kaya gora na! Iligpit mo yung kinainan mo kanina, tapos magbihis ka at magpaganda." Sabi ni Thalia

"Wag ka rin mag order ng strawberry milkshake at cake! Mapagkakamalan ka talagang si Chloe!" Sabi ni Phoebe

"Wait teka lang oh! Makikita na nila yung pumatay sa babae!" Sabi ko sa kanila.

Pinatay ni Thalia yung TV.

"Arrrrrggh!" Tumayo ako at padabog na pumunta sa kwarto ko.

"Bwisit kasi 'yang si Juan Karlos! Kung kelan na yung hinihintay kong episode, dun pa siya nangyaya na mag cake house! Kaya kong bumili ng cake!" Bulong ko sa sarili ko.

"Chloe yung kinainan mooooo!" Sigaw ni Thalia mula sa sala.

"OO NA NGA! LECHE KAYO HA!!" Sigaw ko

"HINDI KAMI GATAS!" Sigaw pabalik ni Thalia.

At ako pa binara.

Leche means gatas sa Spanish. -_-

Juan Karlos' PoV

Kay Reese yung boses na yun. Tapos tinawag siyang Chloe? So sila nga?!

*brrrrrrrt

From: Mindy Curry

San ka banda? Andito na ako

*

To: Mindy Curry

Malapit sa bintana.


Nakita na niya ako kaya pumunta na siya dito.

"Umorder ka na?" Tanong niya

"Hindi pa, hinintay pa kasi kita."

"Ah."

Tinawag na niya yung waiter tapos umorder.

"Black forest cake." Sabi niya.

"Ayaw mo ng strawberry cake?" Tanong ko.

"Ha? Minsan lang ako kumakain nun. Medyo hindi ako hilig dun."

Tumango na lang ako. "Isang mango cake."

"Drinks niyo po, sir, ma'am?" Tanong ng waiter

"Water." Sabi niya.

"Ayaw mo ng milkshake o frappe? Libre ko naman eh." Alok ko

She shook her head. "Gusto. Kaso hindi pwede." Sabi niya

Yun rin yung sinabi ko nang kumain kami noon ni Chloe sa cakehouse ah?

"Water din yung sakin." Sabi ko sa waiter.

Tumango ang waiter at umalis.

"Mindy, kanina nung magkausap tayo sa telepono, narinig ko si Reese na sumigaw..." She cut me off.

Chloe/Mindy's PoV

Sabi ko na nga eh!

"Ah. Kasi nasa vacation yung kapatid ni Belle na si Chloe. Kanina, kumain siya at di niya niligpit. Kaya sumigaw si Reese kasi nasa kwarto si Chloe."

PLEASE WORK. PLEASE WORK.

"Ay. Akala ko kasi...." Pinutol ko yung sasabihin niya.

"Na yung tinatawag ni Reese na Chloe yung Chloe na tinawag mo sakin nung isang araw?" Nginitian ko siya.

"Oo." Tumango siya.

Wake up, Juan Karlos. Chloe's never gonna be back. Kung babalik man talaga siya, iba na ang pagkatao niya ngayon. Hindi na siya yung Chloe na kilala mo noon. Wag ka nang umasa pa.

Darren's PoV

Hindi pa rin matanggal sa utak ko yung recording ng REVMix nung isang araw. Kaboses na kaboses ni Reese si Thalia.

Speaking of Thalia, I decided na i check yung twitter niya.

ThaliaTherese: Long time no tweet.
Tweeted: 13 minutes ago

ThaliaTherese: Boring.
Tweeted: 5 minutes ago.

ThaliaTherese: I miss Athens :(
Tweeted: 3 minutes ago

ThaliaTherese: I miss you. But for sure, you forgot me already. Hahaha joke! Bato bato sa langit matamaan panget :P
Tweeted: 2 minutes ago

ThaliaTherese: Babalik ako sa Pilipinas.
Tweeted: 1 minute ago

Na pa upo naman ako ng matuwid nung nakita ko yung tweet niya. Uuwi na siya dito?!

1 NEW TWEET BY THALIATHERESE

ThaliaTherese: Pag kinasal na ako. Hahaha
Tweeted: 2 seconds ago

Wala na ba talagang pag asa na umuwi ka dito, Thalia?

Chineck ko naman yung Facebook niya.

Thalia Therese Delgado
15 minutes ago

Last last month! Sammmmmm :)

(*insert picture with Sam*)

This picture officially ruined my day.

ONLINE SI THALIA!

Darren Espanto: Thalia! :)
Seen

Seenzoned pa ako.

Thalia Therese Delgado: τι;

Huh?

Thalia/Reese's PoV

SHOOT! Na wrong send pa ako kay Darren! Dapat para sa friend ko yun na galing Greece! Kasi naman yung chathead niya biglang sumusulpot eh!

Darren Espanto: Ha?

Sineen ko lang siya. WRONG SEND nga eh.

Tae kasi tong chat head! Kainis! Pahiya! 

"Hoy, ba't ang pula mo?" Tanong ni Fayne or ni Phoebe sakin.

"Wala." Sabi ko at umiwas ng tingin.

Kinuha naman bigla ni Phoebe yung phone ko.

"Ano ba!" Sigaw ko at sinubukan na kunin yung cellphone ko. 

Nevermind. Nakita na niya eh.

"Nag chat ka kay Darren?! Oh my god! Sinira mo yung deal! Asan na yung gusto kong sapatos? Ha? Ha?" Sabi niya at sumayaw sayaw pa. -_-

"Ikaw bumili! Ang yaman yaman mo! Tse! Yung cellphone ko nga! Ibalik mo na! Takte! Aksidente lang yun!"

"At 'what' pa talaga yung nasend mo ha!"

"Eh dapat nga sa kaibigan ko yun eh!" Sabi ko.

"Weh? Yieeeee! Muling ibalik ang tamis ng pag-ibiiiig!" Kanta niya.

-------------------------------






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon