Gelo Dela Peña
Gelo :
Nakita kita kanina kasana mo si Anne
Kasama*
Marleen :
Talaga, saan naman?
Gelo :
Sa 7/11
Kumakain pa nga kayo eh
Marleen :
Nandoon ka rin pala kanina. Hindi kita napansin
Dapat tinawag mo ako
Gelo :
'Yon sana ang gagawin ko. Tumabi pa nga ako sa inyo, kasama ko rin kaibigan ko kanina
Marleen :
Oh, bakit hindi mo ako tinawag? Hindi tuloy kita napansin
Hahahahah
Joke lang gagi, pero bakit hindi nga ba?
Gelo :
Sakto kasing napunta topic niyong dalawa tungkol sa akin
Marleen :
Nakinig ka?
Gelo :
Honestly, yes. And I'm glad na pinakinggan ko kayo
Marleen :
Gelo apaka chismoso mo!
Grabe ka!
Dapat hindi ka nakinig sa amin
Gelo :
Leen, I'm sorry.
Marleen :
Ayaw ko ng sorry mo. Pera lang tinatanggap ko
Gelo :
Send mo sa akin gcash number mo. Mag send ako 12k
Marleen :
Uy, gagi joke lang!
Sobrang seryoso naman nito
Gelo :
Ayaw mo bang seryosohin kita?
Marleen :
La siya?
Anyari sa'yo Gelo? Bakit Nagiging cringe ka na?
Ang kadiri naman nito
Gelo :
Leen, did I pressure you that much?
Kaya halos hindi mo na rin ba ako kinakausap?
Marleen :
Ano ba kasing narinig mo sa usapan namin?
Saka bakit ka ba kasi nakinig!
Gelo :
You don't have to know Leen. Pero gusto kong mag sorry sa'yo dahil sa maling naiparamdam ko. It was honestly a mistake.
Seen
Ang tanga ko sa part na pinagmamadali kitang sagutin iyong tanong ko sa'yo. Ni hindi ko na naisip pa kung anong mararamdaman mo
Seen
Masyado na akong pabigla-bigla sa lahat
Seen
Leen?
Marleen :
Marleen is typing...
Naghihintay lang ako ng sasabihin mo
Gelo :
Leen, hindi mo kailangan sagutin agad iyong tanong ko sa'yo.
At hindi rin ibig sabihin na may gusto ako sa'yo, dapat gustuhin mo na rin ako. I wanted to prove myself to you Leen, but maybe I should go slower.
Marleen :
Ganyan ba talaga kapag nakaamin na Gelo?Nag-iiba ang level ng lakas ng loob
Gelo :
Baka nga
Marleen :
Sandali may nag text
Gelo :
Ako iyan
Marleen :
Uy, gagi ka! Bakit ka nag send ng 12k sa akin😭
Seen