Gelo Dela Peña
Gelo :
Leen?
Marleen :
Hindi na ako nakatulog kagabi dahil kay Gelo
Marleen unsent a message
Gelo :
Nabasa ko iyon
Marleen :
Ba't ka kasi nag chachat nalang bigla-bigla
Na wrong send tuloy ako
Gelo :
Kasalanan ko pa talaga ngayon?
Marleen :
Oo
Kasalanan mo naman talaga. At simula ngayon isisisi ko na sa'yo lahat kahit pa sa mga katangahan ko
Gelo :
HAHAHAHA
Pero bakit ka nga ba hindi nakatulog kagabi dahil sa akin?
Marleen :
Ang chismoso mo Gelo!
Wag mo ng alamin
Gelo :
Kahit pa pilitin kita hindi mo pa rin sasabihin?
Marleen :
Asa ka
Gelo :
Nga pala Leen
Marleen :
Anooo???
Gelo :
Hinihintay ko sagot mo sa tanong ko
Seen