26

36 4 0
                                    

Gelo Dela Peña

Gelo :

Hindi lang nagparamdam ng isang araw nang ghost na agad? Nawalan kasi kami ng wifi tapos ayaw na gumana ng messenger kapag nagka data ka lang

Marleen :

Dapat nagpaload ka

Gelo :

Kaya nga. Kakapaload ko palang

Kaya rin kita nakausap ngayon dahil sa load

Marleen :

Marleen is typing...

Marleen is typing...

Marleen is typing...

Ah. Okay

Gelo :

Gelo is typing...

Alam mo Leen, hindi ako magpakita sa'yo ng dalawang magkasunod na araw kasi iniisip ko na baka maging awkward ito sa personal. I didn't want you to be uncomfortable around me

Pero pareho lang pala kahit dito

Marleen :

Bakit sino ba may kasalanan?

Gelo :

Ako but i didn't mean that

Marleen :

Ah, hindi mo talaga ako gusto

Gelo :

Hindi naman sa ganoon

Marleen :

Ganoon ang dating mo sa akin Gelo

Saka ano ka ba. Okay lang🖕

Hindi mo naman kasalanan umasa ako dahil lang sinabi mong gusto mo ako🖕

Gagi okay lang talaga🖕

Gelo :

Hahahahha

Okay lang daw pero may pa middle finger.

Sarcastic mo naman Leen, akala ko ba tropa tayo

Marleen :

Hindi na tayo tropa

Tinatakwil na kita

Gelo :

HAHAHAHAHAHAHAHA!

Marleen :

Ang saya mo Gelo ha? Akala mo siguro natutuwa pa rin ako sa'yo

Alam mo, kung pinagtritripan mo lang ako hindi ako natutuwa.

Siguro, wag nalang muna tayo mag-usap

Gelo :

No, Leen. Ngayon tayo mag-usap

Seen

Ngayon ako aamin. Ngayon ko sasabihin lahat.

Seen

Kasalanan ko kung bakit iniisip mong pinagtritripan lang kita. At sorry... Sorry ulit hindi ko sinasadyang inisin ka.

Seen

Marleen, seryoso ako nang sabihin kong gusto kita. What I didn't mean is iyong napaamin ako bigla. Nagulat lang din kasi ako sa sarili ko dahil basta ko nalang nasabi ang bagay na iyon.

Seen

Hindi ko ginustong sa ganitong paraan mo malaman ang feelings ko para sa'yo.

Seen

That was an unexpected confession. At kaya kita kinausap ngayon, kasi gusto bawiin kong anong sinabi ko sa'yo.

Seen

Leen hindi lang kita gusto dahil mahal din kita.

Seen

Unexpected Confession (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon