Gelo Dela Peña
Gelo :
Ang ganda mo naman po. Ang swerte siguro ng magiging boyfriend mo
Sana ako nalang
Marleen :
Hoy hindi lang ako maganda 'no!
Gelo :
Matalino ka rin?
Marleen :
Hindi, pero mabait naman ako saka masipag
Gelo :
HAHAHAHA! Ang cute mo talaga Leen, kaya gustong gusto ka ni mama
Marleen :
Mama mo lang ba talaga may gusto sa akin?
Gelo :
Sempre iba ako kasi mahal kita
Saka Leen, hanggang ngayon kinukulit pa rin ako ni mama. Paulit ulit niyang tinatanong sa akin kung payag ka na ba raw na maging anak niya?
Marleen :
Natatawa pa rin ako dahil d'yan hanggang ngayon. Na kwento ko pa nga kay Kuya iyong mga nangyari kahapon pero nag-away lang ulit kami
Gelo :
Nabanggit niya rin sa akin. Alam mo, nakakatawa talaga kayong dalawa
Ang saya siguro ng may kapatid
Marleen :
Sino nagsabi sa'yo niyan? Para masapak ko agad
Gelo :
Naisip ko lang naman. Bakit hindi ba?
Marleen :
Masaya siguro kung hindi lang si Kuya Marlou kapatid ko
Gelo :
Mabait naman Kuya mo
Marleen :
SI KUYA MABAIT!?
Siguro sa'yo, kasi gusto ka niya pero sa akin? Napaka bully niyon!
Alam mo nga, kahapon pag-uwi ko nagtanong siya kung anong nangyari kaya nag kwento ako nang marami tungkol sa Mama mo.
Nabanggit ko rin sa kanya na gusto namin ang isa't isa, nagusto niya rin akong maging anak, tapos sinabi niya lang sa akin sige raw
Ipagpapalit niya raw ako lalo na kung sa'yo naman. Nagtanong pa kung kailan daw pwede
Hanggang nga kinukulit pa rin ako tungkol doon. Palagi niya talaga akong binigbigyan ng rason para lalo mainis sa pagmumukha niya!Gelo :
Nagbibiro lang siguro iyon
Saka sigurado namang hindi iyon seryoso sa sinabi niya
Marleen :
Dapat lang!
Dahil kung hindi biro iyon, kapal naman ng mukha niya. Dapat nga ako itong kapatid na may ayaw sa kanya