Gelo Dela Peña
Marleen :
Kasalanan mo ito!
Gelo :
Ang ano?
Marleen :
Sinabi ko kasing wag ka sumama tapos sumama ka pa rin. Ang kulit mo kasi!
Gelo :
Sandali saan ba? I don't get you Marleen
Marleen :
Iyong nakaraan, iyong sumama kang sunduin iyong pinsan kong si Celine sa airport. Nakimeryenda ka pa nga rito sa bahay bago tayo umalis
Gelo :
Anong problema roon?
Marleen :
Sumama ka pa kasi hindi naman kita pinapasama
Tapos nakimeryenda ka pa
Gelo :
I still don't get you, Marleen. Can you please get straight to the point?
Marleen :
Nakaraan pa ako kinukulit ng bruha na iyon
Gelo :
Tungkol naman saan?
Marleen :
Malamang tungkol sa'yo 🙄
Gelo :
Bakit anong meron sa akin?
Marleen :
You're cute raw
Gelo :
Talaga tingin niya cute ako?
Sana ikaw rin ganoon ang tingin sa akin
Marleen :
Gelo ano ba!
Gelo :
Oh?
Marleen :
Gusto ka raw niya ma meet ulit at mas makilala pa
Gelo :
Nag meet na kami no'ng nakaraan okay na 'yon
Marleen :
Ireto ko raw siya sa'yo
Gelo :
Hindi mo sinabi sa kan'yang nililigawan na kita?
Marleen :
Kinukulit n'ya rin ako para magkausap kayong dalawa
Gelo :
Okay then.
Marleen :
Okay na ano?
Gelo :
Bigay mo sa akin social media account niya, then I'll just talk to her
Marleen :
Kakausapin mo siya?
Okay lang talaga sa'yo iyon?
Seryoso ka ba?
Gelo :
Of course. Hindi naman siguro ako mahihirap kung kakausapin ko lang siya
Marleen :
Ano namang sasabihin mo kay Celine?
Gelo :
I will tell her how much I like you, tsaka nililigawan na kita.
Saka isa pa, sa'yo lang ako. Hindi ka nga madamot pero ayaw ko namang pinapamigay at pinapahiram mo ako sa iba.
Gusto ko sa'yo lang ako.
Now what's her name on social media?
Marleen :
Celine Cortez
Gelo :
Thank you, Leen.
I hope you have a peaceful time this time.
Seen