Gelo Dela Peña
Marleen :
GEEEEELOOOOOOOOO
Gelo :
Ano?
Marleen :
May new friend ako, kausap ko rin siya ngayon
Gelo :
Ano gagawin ko?
Marleen :
Jowain mo na
Gelo :
Ibang klase na talaga iyang tama mo Marleen
Marleen :
Ganito kasi iyon. Story time!
Gelo :
May pa story time pa talaga. Ang effort naman
Marleen :
Nasa canteen kasi ako niyon ng marinig kung banggitin nila pangalan mo kaya nakinig ako sa pinag-uusapan nila.
'Yong rumors about sa'yo Gelo. Hindi raw kasi talaga silang makapanilawang bakla ka at doon na kami nagkakilala ni Meghan
Crush ka kasi niya, kaya sayang ka raw kasi bakla. Sempre hindi naman ako papayag sa ganoon kaya umiksina agad ako sa usapan nila.
Sinabi ko sa kanilang hindi ka bakla.
Saka kung bakla ka talaga Gelo, paano ka masasayang? Pwede ka naman mapunta sa kuya o pinsan ko
Gelo :
😑
Tapos ano na?
Marleen :
Iwan ko ba, basta naging friends nalang kami bigla eh. Tapos usap-usap ganoon
Nabanggit ko nga rin sa kanila na tropa kita
Gelo :
Tropa? Hindi tayo close Leen
Marleen :
Nako! basta tropa tayo
Gelo :
Bala ka Marleen, magdisesyon ka lang mag-isa mo
Marleen :
🔗https://www.facebook.com/Meghan?mibextid=ZbWKwL
Gelo :
Ano gagawin ko ngayon d'yan?
Marleen :
Stalk mo na siya sempre
Gelo :
Inutusan mo pa ako. Ayuko
Marleen :
Gagi dali na! Magandang babae si Meghan
Gelo :
Pake ko naman
Marleen :
Dali na Gelo!
Matalino si Meghan, maganda, sexy saka mabait!
Lahat ng hahanapin mo sa babae nasa kanya na
At ito pa, tanga rin siya!
Gelo :
Wala ng mas tatanga sa'yo Leen
Marleen :
Meron, si Meghan!
Mas tanga iyon kaysa sa akin
And promise sa sobrang katangahan ng babaing iyon, hinanap niya pa ang burger na ubos niya na. Tapos ininum niya rin iyong juice galing sa ibang table
Diba ang tanga niya!
Saka hindi mo ba naiisip Gelo? Ito na rin ang chance mo para mawala ang rumor na bakla ka. Patulan mo na itong nirereto ko sa'yo
Gelo :
Wag mo na ako kulitin
Marleen :
Gelo pag-isipan mo.
Seen