BMDN Chapter 18

115K 3K 310
                                    

"Pag isipan mo ang sinabi ko Nina"
Sabi ni Mam Gracia ang Mama  ni Spencer. Ramdam ko pa ang pag tingin sakin ni Spencer.





"Opo, sige po pag iisipan ko po ng mabuti" sagot ko saka sya nginitian na ginantihan naman nya



"Paano Anak, mauna nakaming umalis may pupuntahan pa kaming birthday party. Anak kung may oras ka bumisita kayo sa bahay" sabi ng Papa ni Spencer.



"Sige Pa, Ma ingat kayo sa byahe" aniya sa magulang niya saka lumapit sakanyang Mama at hinalikan ito sa pisngi.



"Bye po Lolo, Lola" masayang paalam ni Kisza saka lumapit sa dalawa at hiyakap at hinalikan ang mga ito. Tumingin muli sakin si Mam Gracia.



"Pag isipan mong mabuti" sabi nya, hindi ko maiwasang matawa sa kakulitan nya. Sa konting oras na pag uusap namin ay marami kaming napag kwentuhan at napag usapan.




"Opo pag iisipan ko po" natatawang sabi ko saka kumaway bago sila pumasok sa kotse nila.





"Dad, uuwo na rin po ba tayo?" Tanong ni Kisza saka lumapit sa Daddy nya at itinaas ang kamay. Mukang alam naman na ni Spencer kung anong ibig sabihin ni Kisza kaya kinarga nya ito.


"Later baby,  gusto mo bang maligo sa dagat?" Tanong nya kay Kisza gamit ang kalmadong tinig. Sunod sunod naman ang naging pag iling ni Kisza "Ayoko po, iitim po ako tas tutuksuhin ako ni Elijah pag nag kita kami" sabi ni Kisza saka ngumuso.



"Elijah?"



"Opo si Elijah yun pong anak ni Tito Jiro di po ba friend ni Mommy Raquel yon? Lagi nga po namin kasabay ni Mommy Nina sila Tito Jiro pag break time eh. Di po ba Mom? Tas si Mommy at Tito Jiro hindi naman kumakain nag uusap lang sila" sabi ni Kisza





"Go to your Kuya Artemis" sabi nya kay Kisza saka ito ibinaba. Mabilis namang tumakbo si Kisza ng makitang mag lalaro ang mga anak ni Kallen.



Susundan ko na sana sya ng pigilan ako ni Spencer sa pag hakbang.


"Anong sinabi sayo ni Mama?"
Tanong nya.




"Madami, tungkol sa mga bagay -bagay" sagot ko. Saka humarap sakanya.



"Who's Jiro?" Tanong nya na ikinanuot ng noo ko. Bakit nasingit si Jiro?



"Papa ni Elijah na school mate ni Kisza?" Sagot ko. Binitawan nya ang braso ko at hinawakan nya ang kanyang chin at hinaplos ito na parang naiinis. Gusto kong humanga sa haba ng pasensya nya ngayon, dahil wala syang ginawa kahit na hindi ko nasagot ng matino ang mga tanong nya.




"Stay away from any other guy, kung ayaw mong bumalik tayo sa umpisa" aniya saka ako iniwan na nabablanko ang isip. Hindi naman ako ganoong kabobo pero hindi ko magets ang sinabi nya.








Imbis na isipin ang sinabi ni Spencer ay pumunta nalang ako sa mga bata na ang lalaro. Naabutan ko doon si Kallen at kandong -kandong si Daenerys. Umupo ako sa tabi nya saka nya nginitian.


"Okay na kayo ng Mother-in-law mo?" Tanong ko.

"Oo, sabi ko sayo ganoon lang talaga kami mag usap." Natatawang sabi nya saka pinag hahalikan sa leeg si Daenerys.



"Mukang close na kayo ni Tita ah" aniya saka tumingin sakin ang ngumiti ng pilya.



"Gusto nya akong pag aralin" wala sa loob na sabi ko. Bigla ko kasing naalala ang napag usapan namin kanina, nang nalaman nya na hindi ako nakapag tapos ng high school. Gusto nya akong tulungan pero hindi ko agad ma tanguan ang offer nya dahil kay Kisza.



Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon