BMDN Chapter 43

103K 2.7K 325
                                    

Hindi ko maiwasang napangiti habang nakatingin kay Kisza, bumalik ako da pati kong gawain. Ang silipin sya sa school nya, iyon nalang kasi ang kaya kong gawin ngayon. Nang makita kong umalis na ang kosteng sumundo kay Kisza ay nag pasya narin akong umuwi, hindi alam ni Kuya na umalis ako ng bahay dahil magagalit sya. Bilin nya kasi sakin na huwag na huwag akong aalis ng bahay ng ako lang mag isa, nakakatuwa dahil pakiramdam ko talaga may kuya ako at napa over protective nya samin.



Napatingi  ako sa cellphone ko ng mag ring iyon, unregistered number kaya nag dadalawang isip ako kung sasagutin ko. Pero sabandang huli ay sinagot ko rin dahil baka importante.



"Hello?" Sagot ko pag sagot ng tawag, napakunot ang noo ko nang wala akong marinig sa kabilang linya. Tinignan ko ang cell phone ko at maka connect pa naman.



"Hello? Sino to?" Muling tanong ko pero wala paring sumasagot sa kabilang linya. Binaba ko ang cell phone ko ng mag disconnected na.



Muli akong napatingin sa cell phone ko ng muli itong tumunog, katulad kanina ay hindi rin rehestrado ang number nya sa cell phone ko.


"Hello?" Ani ko pag kasagot sa tawag.


"Hija"

Bigla akong  napatuwid ng upo ng makilala ko ang boses na iyon. Bumilis rin ang tibok ng puso ko dahil alam ko ang dahilan kung bakit sya napatawag.




"Mam Gracia" kinakabahang sabi ko, tahimik sya sa kabilang linya pero alam kong nandoon parin sya.



"Pwede ba tayong mag usap?" Malumanay na tanong nya pagkatapos ng mahabang katahimikan.



"Si-sige po" kinakabangang sabi ko , binaba ko ang tawag pagkatapos nyang sabihin kung saan kami mag kikita. Sinabi ko kay Mang Kanor ang pangalan ng coffee shop na sinabi ni Mam Gracia.



Nang makarating sa lugar ay bumalik ang kaba ko, pakiramdam ko ay maririnig na iyon ng kahit na sino. Huminga ako ng malalim bago tinulak ang glass door upang makapasok sa loob, nakita ko agad si Mam Gracia na nakaupo sa tabi ng glass wall ng coffee shop. Ngumiti sya ng makita ako, katulad mg dati ay mainit pa rin ang pag tanggap nya sakin pero alam kong may nag bago. Muli akong kumuha ng malalim na hininga bago naglakad papunta sa lugar kung nasaan sya. Ngumiti ako saka umupo sa kaharap nyang upuan, hindi katulad ng dati na lalapitan nya ako at ibebeso ngayo ay tanging ngiti nalang ang ibinibigay nya, pero sapat na 'yon kaysa hindi nya ako pansinin 'di ba?




"Kamusta ka?" Aniya at hindi nawawala ang ngiti sakanyang labi, bahagya akong ngumiti bilang sagot. Ayokong sabihing okay kahit hindi naman.


Napatingin ako sa kapeng ibinaba ng isang server ng shop, ayoko ng amoy ng kape na nasa harap ko pero ayokong pag dudahan nya ako sa oras ma ilayo ko iyon. Sumimsim sya sa kanyang kape saka tumingin sakin.


"Ayaw mo ba ng kape?" Tanong nya, hindi ko alam kung paano ako sasagot sa tanong nya. Bahagya akong ngumiti.

"Hindi po e" magalang na sabi ko, binawal sakin ni Dra. Mendez ang pag inom ng kape at isa pa ayoko rin ng amoy nito dahil siguro sa buntis ako.




"Gusto mo bang papalitan natin? Anong gusto mo?" Tanong nya, agad akong umiling. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil nakikita kong sya parin ang Mama ni Spencer na nakilala ko.




"Hindi na po, okay lang po ako" magalang na sabi ko, tumango sya saka muling sumimsim ng kape.
Narinig ko ang pag hinga nya ng malalim na nag pabalik ng kaba ko.



"Nakarating na sakin ang balita" umpisa nya, napayuko ako dahil natatakot ako sa makikita ko sa mata nya. Natatakot ako na baka pati sya ay galit sakin dahil nasaktan ko ang anak nya.


Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon