Sumasakit ang ulo ko, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Kuya Scott. Hanggang ngayon ay ramdam ko ang mainit na titig sakin ni Spencer, pakiramdam ko ay napapaso na ang likod ko sa titig nya.
"Hey relax" ani kuya Scott sa tabi ko, huminga ako ng malalim.
"Ano bang pinaplano mo?" Tanong ko sakanya. Ngumisi sya sakin at tumingin sa tao na hindi kalayuan sa likod ko, alam kong si Spencer ang tinitignan nya.
"Plano? Wala naman" nakangiting tanong nya saka ibinalik sa painting na nasa harap namin ang kanyang atensyon. Duda ako na wala syang iniisip dahil sa ngisi nya.
"Kuya, ayoko ng gulo" sabi ko, tumingin sya sakin. Bigla kong naalala ang tanong ni Styler kahapon.
"Kahapon, tinanong ni Styler ang tungkol sa Daddy nya. Kuya tingin ko panahon na para sabihin kay Spencer ang tungkol kila Styler at Scarlet" sabi ko saka tumingin sa likod ko at naabutan ko ang madilim na mata ni Spencer na nakatingin sakin.
"Nakalimutan mo naba ang ginawa nya sayo huh Nina? Pinag tabuyan ko nya noon--- ipinag tabuyan nya kayo ng mga anak mo!" Mahina ngunit madiing sabi nya.
"Oo, hindi ko naman nakakalimutan 'yon. Hindi ko makakalimutan yung sakin na nararamdaman ko, pero kuya hindi naman kasama ang mga bata sa galit namin sa isa't-isa" sabi ko, huming sya ng malalim at umiling. Alam kong ayaw nya sa gusto ko--ayaw ko rin naman eh, pero paano naman ang mga anak ko? Nag hahanap sila ng ama at hindi ako ganon kasama para ipagdamot sa kanila 'yon.
Nag paalam ako kay Kuya na pupunta lang sa rest room, wala na akong nagustuhan na painting sa mga gawa ni Gin Salvador. At yung painting na magustuhan ko ay makuha na ni Spencer, hindi na ako nakipag talo dahil ayokong isipin nya na gumagawa ko ng paraan para makausap sya.
Humarap lang ako sa repleksyon ko sa salamin ng nasa rest room na ako, ayos pa naman ang itsura ko pero ramdam ko pa rin ang kaba ng dibdib ko. Si Spencer, aminin ko man o hindi, malakas pa rin ang epekto nya sakin. Pero sa pag kakataon na ito hindi puso ang papairalin ko.
Huminga ako ng malalim saka lumabas mg rest room, muli akong bumalik sa kung saan ko iniwan si Kuya Scott pero wala na sya doon.
"Nina!"
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses at nakita ko si Kuya Scott na kasama ang mga kaibigan nya hindi kalayuan sakin. Nandoon din si Spencer na seryosong nakatingin sakin, napakagat ako ng ibabang labi. Ayokong pumunta pero mag mumukha akong tanga, kaya huminga ako ng malalim at nag lakad papalapit sa kanila.
Mabilis akong inakbayan ni Kuya Scott, nakangiti sakin lahat ng lalaking kaibigan ni Kuya pwera nalang kay Spencer na seryosong nakatitig sakin.
"Guys, this is Nina. Nina, this is Gin, Miguel, Apollo, Loki and Of course Spencer" pakilala ni Kuya sa mga kaibigan nya, pero talagang diniinan nya ang huling sinabi. Kinamayan ako isa-isa ng mga kaibigab nya, at ng si Spencer na ay halos mapigilan ko ang hininga ko. Mahigpit na hinawakan ni Spencer ang kamay ko at parang wala syang balak na bitawan iyon, kung hindi lang ata kinuha ni Kuya Scott ang kamay ko ay hindi bibitawan ni Spencer iyon.
"So, she's your wife?" Tanong nung Loki, hindi sya sumagot pero ngumiti sya sa kaibigan nya. Hindi ko mapigilang kurutin sya sa tagiliran, nakita ko na mapangiwi sya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa mga kaharap naming lalaki at nakatingin sila samin habang nakangiti. Huwag nilang sabihing akala talaga nila ay ako ang asawa ni Kuya Scott? Napatingin ako aky Spencer na nakatingin ngayon sa kamay ko na hawak ni Kuya, nakaigting ang panga nya. Kaya pinilit kong binabawi ang kamay ko pero mas lalo lang hinawakan ni Kuya ng mahigpit ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Become My Daughter's Nanny
General FictionHindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mong makakabuti para sa kanya- Nina