Nagising ang diwa ko ng makarinig ng lagaslag ng tubig na mukang galing sa banyo. Nanibago din ako sa amoy ng unan ko, ang unan ko ay amoy candy at ang amoy ng unan na gamit ko ngayon ay napakabango at ang sarap humiga mag hapon katabi ito.
Napakunot ang noo ko ng makita ang hindi pamilyar na kwarto, kulay itim at puti ang kumot at unan pati ang bed sheet. Hindi to ang kwarto ko kung saan ako natutulog.
"Gising ka na pala"
Napatingin ako kay Spencer na lumabas galing sa banyo, nakatapis lang ang kalahati ng kanyang katawa. Anong ginagawa ko dito? Anong ginagawa ko sa kwarto ni Spencer?
"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko saka tinignan ang sarili ko, suot ko pa naman ang damit na suot ko kagabi bago matulog sa kwarto ko.
Imbis na sagutin ay nag lakad sya papunta sa walk in closet nya at ng bumalik ay naka short na sya na ginagamit nya pag nasa bahay at kulay puting t-shirt na kumayakap sa matipuno nyang katawan. Dali dali akong bumaba ng kama at pumunta sa pinto pero hindi ko ito mabuksa.
"Bakit ayaw bumukas?" Tanong ko saka tumingin lang sakanya. Nag kibit balikat sya saka"Kisza" aniya.
"Kisza?" Takang tanong ko, si Kisza ang nag lock ng pinto sa labas?
"Siguro sya ang nag lock ng pinto sa labas" aniya saka humarap sa cellphone na mukhang may tinatawagan.
"Daddy!" rinig kong sigaw ni Kisza mula sa labas.
"Kisza! Buksan mo to" sabi ko saka pinag kakatok ang pinto.
"Mommy Nina, sorry po wala po sakin ang susi na kay ate Venus po tas nag grocery po sya eh" aniya
Dali dali akong pumunta sa glassdoor papunta sa terrece, napansin ko naman na nakasunod sakin ang tingin ni Spencer. Halos man lumo ako ng pool ang babaksakan ko kung sakaling tatalon ako mula dito.
"Huwag mong sabihing may balak kang tumalon" aniya mula sa likod ko.
"Bakit ako napunta sa kwarto mo Sir?" Pormal na tanong ko, naalala ko ang sinabi nya sakin kagabi,Pero katulad ng sabi ko sakanya nandito ako para mag trabaho, at para makasama ang anak ko. Pero bakit nga ako napunta sa kwarto nya?
"Hindi ako makatulog kaya binuhat kita papunta sa kwarto ko" aniya, napahinga ako ng malalim. Bakit ba naging ganito sya? Okay na yung dating sya yung galit sya sakin at yung hindi nya kayang ipag katiwala sakin ang kaligtasan ni Kisza kaysa ganito.
"Sir please, Nandito ako para mag trabaho lang. Please naman kung pinag titripan mo lang ako itigil muna to kasi nahihirapan na ako kung paano ka pakikisamahan. At isa pa paano mo ako nagustuhan kung hindi mo pa naman ako kilala? Wala ka pang alam sa buhay ko maliban sa mga kapatid ako." Naiinis na sabi ko sakanya, ilang araw pa lang ba ako dito? Mag iisang buwan pero gusto na nya agad ako? Imposible! E sa loob ng isang buwan na iyon ay hindi pa kami nakakapag usap ng maayos. Hindi pa kami nakakapag usap ng kaming dalawa lang yung tungkol sa mga buhay buhay namin. Ni hindi nya pa nga ako kilala at hindi ko pa sya lubusang kilala.
"Hindi ba sinabi ko sayo hindi kita titigila hangga't hindi ka nahuhulog sakin. At isa pa hindi ba sinabi ko sayo na gusto kitang makilala, na gusto kong malaman kung sino ang mga minahal mo para alam ko kung sino ang mga hihigitan ko pero anong ginawa mo? Umiwas ka!" inis na sabi saka ako hinawakan sa braso at ipinasak sa loob ng kwarto nya.
"At huwag mong idahilan sakin na nandito ka para mag trabaho, dahil hindi ka tutugon sa lahat ng halik ko kung wala lang ako para sayo" aniya saka ngumisi. Tinitigan ko sya oo aaminin ko na gusto ko sya pero alam kong mali ito kaya nga pilit kong pinipigilan.
"Gusto mo ako pero hindi mo parin dinadalaw ang puntod ng asawa mo. Kaya paano ako maniniwala na gusto mo ako Sir? Paano ako maniniwala kung ikaw mismo hindi mo alam kung ano ang gusto mo?" Nakita ko ang sandaling pag kagulat sakanya pero napalitan iyon ng malamig ma expression. Binitawan nya ang braso ko saka pumunta sa maliit na ref na nasa kwarto nya at nag labas ng beer.
BINABASA MO ANG
Become My Daughter's Nanny
General FictionHindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mong makakabuti para sa kanya- Nina