Nakatingin lang ako sa likod ni Spencer habang naka upo sya sa tapat ng puntod ni Raquel, nasa tabi naman nya ay si Kisza na mukhang may sinasabi sa Daddy nya.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayong nandito sya at nasa tapat ng namayapa nyang asawa. Oo nga't sinabi ko sakanya kahapon na paano nya ako magugustuhan kung hindi nya pa rin natatanggap ang asawa nya, pero hindi ko naman akalain na ganito kabilis.
"Mommy Nina, tara na po"
Napabaling ako kay Kisza ng tawagin nya ako, wala na si Spencer at mukang nauna nang lumabas. Agad na humawak sa kamay ko si Kisza pag lapit ko sakanya, bago lumabas ay muli akong lumingon kay Raquel. Nakakapang hinayang dahil hindi ko makita ang naging reaksyon nya sa mga sinabi ko, gusto kong malaman ang nararamdaman nya ngayong sinabi ko na nahuhulog na ako sa asawa nya pero alam kong kahit kailan hindi ko na malalaman ang sagot. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Kisza saka mahigpit na hinawakan ang kamay nya bago mag umpisang lakad pa labas.
Ang daming tanong na hanggang ngayon tumatakbo sa isip ko. Maraming tanong na na ngangailangan ng kasagutan, pero hindi ko alam kung sino ang makakasagot. Namataan ko si Spencer na naka sandal sa dala nyang kotse habang na ninigarilyo, agad na tumakbo si Kisza sa Daddy nya at na maywang agad namang itinapon ni Spencer ang sigarilyo nya.
"Daddy bad nga yan diba?" Rinig kong sabi ni Kisza sa Daddy nya. "Sorry" sagot lang ni Spencer. Napansin ko na wala na si Mang Mandy na syang mag hatid samin dito. Pinag buksan ni Spencer ng pinto si Kisza sa backseat at sinarado ito saka sya tumingin sakin.
"Hop in" aniya, walang kibo naman akong pumasok sa Passenger seat.
"Mommy Nina, tabi po tayo' sabi ni Kisza saka lumipat sakin at umupo sa kandungan ko, nagulat ako ng kinuha mya ang kamay ko at ipinantay nya iyon sa kamay nya.
"Ang laki" aniya na ikinatawa ko.
"Pag naging dalaga kana magiging malaki rin ang kamay mo" sabi ko sakanya saka pinisil ang malambot nyang kamay.
"Bakit wala ka pong ring?" Tanong nya saka sinuri ang daliri ko.
"Wala pa kasi akong asawa"
"Pag po ba may ring may asawa na?" Tanong nya, tumango naman ko.
"Edi si Mommy Raquel at Daddy may ring din kasi mag asawa sila, si Tita Kallen at Tito Pierre tapos si Lolo at Lola, saka si Mama lola at Papa lolo meron din" tanong nya saka tumingin sakin, tumango naman ako.
"E dapat Mom pag may nag bigay sayo ng ring huwag mong tatanggapin" aniya na ikina kunot ng noo ko.
"Bakit naman?"
"Kasi di po ba sabi mo hindi mo ako iiwan? Paano pag mag asawa kana edi aalis ka na po non at sasama sa magiging asawa mo" malungkot na sabi nya. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Spencer na ngayon ay nakatingin kay Kisza. Pinisil ko ang kamay ni Kisza.
"Di ba nga nag promise ako sayo na hindi kita iiwan? Iiwan lang kita pag sinabi mo na umalis ako" sabi ko sakanya, naramdaman ko ang pag yakap nya sakin.
"Kung ganon po hindi kita papaalisin, saka Sinabi ko po kay Mommy Raquel na sabihin nya sayo na huwag mo po akong iiwan para may Mommy po ako." Aniya, hinalikan ko sya sa ulo saka niyakap.
***
"Si Kuya Near ang daya lagi akong tinataya" maktol ni Kisza
BINABASA MO ANG
Become My Daughter's Nanny
General FictionHindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mong makakabuti para sa kanya- Nina