BMDN Chapter 12

112K 2.8K 238
                                    

Hindi ako nakapasok sa trabaho ko ngayong araw. Hindi kasi umalis sa tabi ko si Kisza, panay ang kwento nya at nagpaluto rin sya ng lunch. Ayaw din nyang pumasok sa school kahit anong pilit ko
ayaw nya talaga.





"Ate Nina, I'm sleepy"

Sabi ni Kisza habang nakaupo kami sa sala ng bahay nila. Lumapit sya sakin at yumakap, napatingin naman ako sa lalaking kaharap ko. Nakatingin lang sya sakin na parang tinitimbang ang sasabihin.




"I-akyat mo na sa room nya" sabi nya saka ibinalik sa laptop ang atensyon. Hindi din sya nakapasok sa trabaho nya dahil sa nangyari kanina.




"Kisza, tara punta tayo sa kwarto mo" sabi ko sa inaantok na si Kisza, namumungay na ang mata nya na halatang gusto matulog.




Pag dating sa kwarto ay agad syang humiga sa kama.


"Tulog kana" sabi ko ng makita kong nakadilat pa sya at nakatingin sakin. Umiling sya na ipinagtaka ko, ang sabi nya kanina inaantok sya pero ngayon parang wala syang balak matulog.





"Baka po umalis ka" sabi nya gamit ang inaantok na tinig. Alam kong nilalabanan nya ang antok.



Umupo ako sa kama nya saka hinaplos ang buhok nya. Alam kong magaan ang loob sakin ni Kisza kaya ganito sya, siguro dahil sa lukso ng dugo. Naalala ko ang nabasa ko sa isang libro na 'iba ang haplos ng tunay na ina'.

Dahil siguro sa sobrang kaantukan ay hindi na nya mapigilan ang pag pikit. Maya maya lang ay mahimbing na syang natutulog. Matagal ko syang pinakatitigan dahil hindi ko alam kung kailan ulit kami nag kikita ng anak ko. Hinagkan ko sya sa noo bago umalis sa kama nya at lumabas ng kwarto. Alas singko na ng hapon kaya kailangan ko ng umuwi dahil hindi naman na din ako pwedeng pumasok sa trabaho.








Pag labas ng kwarto ay sya namang pag dating ni Spencer. Nag iwas ako ng tingin ng magkasalubong ang tingin namin. Huminga ako ng malalim saka lakas loob na nagsalita.




"Tulog na si Kisza, uuwi na ako" sabi ko.



Hindi sya sumagot kaya naglakad na ako at nilagpasan sya. Dinig ko pa ang mura nya ng malagpasan ko sya.




"Sandali"




Napatigil ako sa pag lalakad ng magsalita sya. Tumingin ako sakanya ng may pag tataka. Tumitig sya sakin na parang pinag aaralan ako. Huminga sya ng malalim saka tumalikod.



"Sumunod ka, mag uusap tayo" sabi nya saka nag lakad papunta sa kwarto kung saan kami nag usap noong bago  ako dito.

Nag dadalawang isip ako kung susunod ako sakanya dahil alam kong puro pang iinsulto lang naman ang sasabihin nya.  Sa bandang huli napag desisyonan kong sumunod nalang sakanya. Binuksan ko ang pinto at nakita ko syang nakatayo sa glass wall side ng kwarto. May terrece sa labas noon at puro puno ang nasa ilalim, tumikhim ako para kuhanin ang atensyon nya.




"Be My Daughter's Nanny, again"

Deretsyang sabi nya saka humarap sakin. Wala akong mabasa sa mukha nya, blangko ito katulad ng dati. Umiling ako saka huminga ng malamim.


"Ayoko" sagot ko saka tinignan sya, mukhang nagulat sya sa sinabi ko dahil bahagya syang natigilan. Gusto ko ang gusto nya pero alam kong kailangan kong lumayo kay Kisza dahil iyon ang gusto ni Raquel noon. Na aalagaan at mamahalin nya ang anak ko basta huwag ko silang guguluhin. Nakuntento ako sa pangako nya lagi din nya akong binabalitaan tungkol sa anak ko. Pinadalhan din nya ako ng picture ni Kisza noong 1st birthday nito at sa likod non ay ang pangalan na ibinigay nya dito. Pero kamakailan lang ay wala na akong balita tungkol kay Kisza at Raquel doon ako nag simulang silip-silipin ang anak ko sa school nito. Alam ko ang school nya dahil ang huling picture na ibinigay sakin ni Raqurl ay nakasuot nya ang uniporme na ginagamit nya ngayon.




Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon