CHAPTER THREE

9 1 0
                                    


-Archer's Mom Birthday-

Nandito kami sa bahay nila Jessica, dito namin napagkasunduan na magbihis para sabay sabay na kami pagpunta sa venue ng birthday ni Tita V.
" Hoy! Annamarie Batungbakal dalian mo! " sigaw ni Jessica, kanina pa kasi kami tapos itong si Annamarie napakatagal.

Nakamaroon kaming tatlo, yun daw kasi ang dress theme ng birthday.
" Nagtext na si Archer, nasan na daw tayo " sabi ko, nakakadalawa nang text ito, magmumura na to sa pangatlong text.
" Tangina nito si Maringgay eh " asar na saad ni Jessica, i checked myself in mirror, okay naman mukha akong tao.
" Makapag selfie nga muna dito sa salamin haha "

CLICK!

" Naks! Ang ganda ko for today haha " saad ko, flexing my backless hehe.
" Ako nga din, nabubuset na ako dito kay Annamarie eh " sabi ni Jessica, lumpit ito sa salamin at nagpicture din.

" PABABA NAAAA ! " sigaw ni Annamarie habang pababa ng hagdan.
" Ikaw may birthday? Para kang magsasagala be, hubarin mo yan " komento ni Jessica.
Nakasuot ba naman si Annamarie ng maliit na korona at makapal na kwintas.
" Ang ganda kaya " react nito.
" Maganda nga pero mukha kang siraulo, hubarin mo na kung ayaw mong pauwiin ka ni Arch. " asik ko, nakanguso lang tong bumalik pataas at mabilis na bumaba rin.
" Selfie lang ako haha " sabi ni Annamarie, tumunog naman ang cellphone ko.

Ding!

' WHAT THE FUCK! WHERE THE HELL ALL OF YOU??? '

Odiba?? Mura na ang kasunod, kaya mabilis namin kinaladkad si Annamarie paalis, dahil baka bombahin na kami ni Kakarot pag nagkataon.

-THIRD PERSON's POV-

The Royal's Manor

Maraming bisita ang nagsisidatingan sa birthday party ni Mrs. Victorina Estrella, ang ina ni Archer.
" Bebeee! Happy birthday! " bati ni Mrs. Ann Lopez sa matalik na kaibigan, napairap naman ang dalagang si Archer sa tabi dahil feeling teenager ang dalawa, si Mrs. Ann Lopez ay ina ni Annamarie.
" Buti nakarating ka! " nagbesobeso pa ang dalawang Ginang.
" Ako paba mawawala, nasa loob na ba si Cherry? " tanong ni Mrs. Lopez.
" Nariyan na, kasama si Raven. " sagot naman ng ina ni Archer.
" Sige, mauna na ako sa loob- teka si Archer naba ito? " hinawakan naman ni Mrs. Estrella ang anak at inilapit sa kaibigan.
" Iha, ang Tita Ann mo. " nagmano at tumango lamang ang dalaga.
" Naku be, manang mana sayo nung kabataan natin. " biro ni Mrs. Lopez
" Medyo mabait ako dyan wag ka ngang ano "
" Naku be wag feeling mabait " tsaka nagtawanan ang dalawa, napaatras naman ang dalagang si Archer dahil nakuha pang maghampasan ng dalawang Ginang.

" VICTORINAAAAAAAA "

sigaw nang dalawang Ginang sa may entrance.
Napalingon naman si Mrs. Estrella at Mrs. Lopez, sabay tili ng makilala ang mga dumating.
" CHAAAKSSS! Akala ko dika makakapunta kasi nakabaon kasa plantasyon niyo. " sabi ni Mrs. Estrella habang yakap yakap ang kaibigan si Mrs. Marjerie Alejandro.
" Naku bess, nasa kalendaryo ko yan " nagtawanan naman ang mga ito.
" Be, Happy Birthday, tumatanda na tayo hahaha " bati ni Mrs. Jescel Monteclaro.
" Mom, can you please get inside? Naririndi na ako sa tilian niyo " nakasimangot na turan ni Archer sa ina.
" Hay nako, tara sa loob, nagmemenopause ang anak ko " napafacepalm nalang ang dalaga sa sinabi ng ina.

BACK TO MARGARET's POV

Papasok na kami sa loob ng matanaw namin si Archer sa entrance na salubong ang kilay.

" Patay! Mauna ka nga Annamarie " tulak ko dito para mauna.
" Bakit ako? Ikaw na Jessica! "
" Ikaw na, kasalanan mo kung bakit ang tagal natin "saad ni Jessica, wala naman ito nagawa kundi lumakad kasi nakatingin na sa amin si Archer.

One day, I'll be okay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon