CHAPTER NINE

5 0 0
                                    



' DISMISSED '

malakas kong sigaw, isa isa naman silang nag si-Salute bago magmarcha paalis ng Field, 4PM nadin naman, katatapos lang ng ROTC nang mga Senior High kaya oras narin para umuwi ako hays. Bakit ba kasi ako nagCrim ayan tuloy haha Char! Masaya naman ako, pangarap ko ito eh kaya fighting lang para sa ekonomiya.

' Helleeeeeer! Margaret nandyan ka paba sa katawang lupa mo? ' ngayon ko lang napansin na kakaway kaway pala si Dani sa harapan ko.

' Bakit? ' tanong ko dito

' Omg! Kanina pa kita kinakausap dyan akala ko naman nakikinig ka eh ' nakairap na sabi nito, kaya natawa ako

' Ano ba kasi yun? ' yumakap ako sa braso nito

' Ang sabi ko, kailan dating ng mga Parents mo? Bigla kang nag " Kaya ko to, fighting!! " kaya huh? Anuraw? Buset ka talaga, nag iimagine ka no? ' Panunukso nito sakin kaya itinulak ko ito

' Tigil tigilan mo pakikipagchismisan kay Arch, nababaliw kana ' tinawanan lang ako nito, lagi na kasi silang magkachat ni Arch minsan magkaVC pa para lang bwisitin ako hays.

' Andami nga chinichicka sakin nun eh hahahaha kaya napupuyat ako ' komento nito

' Asus, kaya pala nawiwiwli ka makipag usap dun, pareho kayong chismosa eh. Ayan tuloy malaki na lalo yang mata mo dahil sa eyebags mo . '

' Ay wow girl, parang yung mata mo ang natural na Malaki '

' Ay yawa ka HAHAHAHAH ' sabay kami nagtawanan dalawa habang naglalakad.


Palabas na kami ng gate nang school bigla naman ako hinatak ni Dani papunta sa gilid, para magtago.

' Ano girl, parang holdaper ah? Sideline mo siguro yun. ' paninita ko dito

' Si Kent kasi ' bulong nito

' Ay shuta ka girl, ba't ba nagtatago ka? Hindi ka naman kilala nun ah? ' napamaang naman ito sa sinabi ko kaya parang nag alangan ako, nahurt ata 

' Oo nga no? Ba't ba ako tago ng tago? ' inosenteng tanong nito

Napahilamos nalang ako sa mukha ko sa sobrang kagagahan ng kaibigan kong ito, konti nalang isasako ko na talaga itong babae na ito.

' Tara na ' aya nito sakin at mabilis na naglakad hindi na ako hinintay, kainaman nga talaga ang mood swings nito ay!

' Antayin moko buset ka ' hinabol ko ito, sabay batok ng maabutan ko

' Aray girl !! ' reklamo nito

' Iniwan moko dun eh '

' Anong iniwan? Hawak ko kaya ang kamay mo ' sabi nito

' Ano akala mo sakin ni Lastikman? O kaya tatlo ang kamay? Helleeer! ' iwinasiwas ko ang kamay ko sa mukha niya at ang loka tinitigan nga.

' Eh kanino to? ' itinaas niya ang isa niyang kamay, at dahan dahan lumingon sa gilid niya.

May kamay nga!

O___________O yung mukha ni Dani 

HAHAHAHAHAHAHHA 

' K-ke-kent? '

Nagkakandabuhol buhol na ang dila ni Dani sa sobrang nerbyos, diko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kaibigan ko eh.

' If you want to hold my hand, just tell me papayag naman ako eh ' sabi ni Kent

' H-ha? '

Aruy para akong nanonood ng Kdrama sa eksenang nakikita ko.

' OMO ! ' mabilis na binitawan ni Dani ang kamay ni Kent sabay takbo, iniwan ako dun na nagpipigil ng kilig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One day, I'll be okay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon