C H A P T E R S E V E N

8 0 0
                                    

“ In the name of the father, the son, the holy shutaaa! ”dinampot ko muna ang librong daladala ko bago sigawan yung bumunggo sakin.
“ Are you fucking blind?? ”sigaw ko— ay wait- Archer is that you? Pinilig ko ulo ko bago tumingin dito sa shushunga shunga kong kaharap.
“ Sorry miss, nagmamadali lang pasensya na ”sabi ni Ate Girl, nakaeyeglasses ito na itim at kasing kapal ng kilay niya like wtf!

'Wow girl, laitan portion?? '

Tiningnan ko ulit ito mula ulo hanggang paa, i remember Archer kasi nakaeyeglasses siya but whatever.

“ Psh! Nevermind  just watch your step ”saad ko bago tumalikod, naudlot tuloy pagdadasal ko tsh!
“ Miss! ”
“ What again?? ”medyo napalakas yung boses ko kaya medyo napaatras si Ate girl.
“ N-nahulog ata ito sa l-libro mo ”kabadong sabi nito, inabot ko naman yung binibigay niya.

Bookmark ng libro ni Archer, binasa ko ito at napafacepaln ako, hanggang dito may pabaon si Arch na kamalditahan sakin.

'Return it or else'

Yan ang nakasulat sa bookmark, kahit ako maisasauli ko talaga hays, yung libro na hawak ko ay self publish ni Archer. ' HOW TO BE A MALDITA WITH A HEART ' yan ang title, dami nga umorder sa shop niya gulat kami kasi hindi naman talaga siya writer naisipan lang niya isulat tapos ipinapublish namin.

Hay nako, later na chickahan kasi i need to go na, terror pa naman first subject namin si Sir Sanchez.

“ Margaret! Finally, akala ko malalate ka today. ”sinalubong ako ni Dani sa may pinto.
“ Nag alarm ako kaya nagising ng maaga ”saad ko, inilapag ko ang mga dala ko sa table ko bago naupo.
“ May Porfolio kana ba about sa Article kahapon? ”tanong nito sakin, shutaa naman kasi, hindi naman kami Law Student eh may pa Article pa si Sir.
“ Oo, nakagawa na ako ” sagot ko.
“ Pwede pati—
“ Oopps! Based on my source, no one can copy or tingin ng mga ginawa ko ” mabilis kong itinabi ang mga porforlio ko.
“ Ano ba source mo? Titingnan ko lang ”pamimilit nito.
“ Hmm? She's the brainy one among the four of us, her name is Archer Lorr—
“ Hindi na pala ”mabilis itong bumalik sa upuan niya. Last time kasi pinakopya ko siya, naging mas mataas nga score niya sakin then nalaman ni Archer, okay lang naman pero pinagmaigi niya na mataasan ako kaya ayun. Ang ending, naging zero si Dani, tinawagan ba naman ni Archer si Sir Sanchez at sinabing nagcheat si Dani. Inamin naman ni Dani kaya ayun, zero siya kaya takot nayan mangopya sakin.
“ Excuse me, Ipinapapapasa na ni Sir Sanchez ang mga portfolio's, then go to gym daw kasi may ROT daw kayo today. ”ipinasa ko naman yung akin bago magligpit ng gamit at lumabas.
“ Margaret! May extra shirt ka? ” tanong ni Kristel, kasunod naman nito si Dani.
“ Meron naman, bakit? ”
“ Pahiram ako mamaya, wala kasi akong dala eh ”
“ Nako, wag mo pahiramin yan, may putok kaya yan ”singit ni Dani, walang preno ang bunganga grabe.
“ Grabe ka, putok agad ”
“ Ano tawag don? Little putok?? ”at ayon nag aaway na naman silang dalawa.
“ Psh! Tama na yan! ” saway ko pero nag isnaban pa bago tumigil ang dalawa.
“ Dani, ansama mo kay Kristel ”sabi ko, nagflip lang ito ng buhok niyang parang walis tambo.
“ Nga pala, nakita ko pala si Archer sa magazine. Conglomerate family ata yung nakalagay sa magazine. ”sabi ni Dani habang tumatakbo kami paikot sa trackfield.
Tumango nalang ako, last week kasi kami ang nasa magazine, this week sila Archer, next week sila Annamarie naman, magkakasunod kami every year yon.

After namin mag ROT, nagmamadali na ako papuntang Locker Room para maglinis ng katawan. Gumapang kami sa putikan kanina, ang kati kati na ng katawan ko.
“ Wala na daw tayo class after this ” masayang sabi ng isa naming kaklase.
“ Margaret, sama ka samin mag KTV tayo ”aya sakin ni Kristel.
“ Pass muna ako dyan, may gagawin pa ako sa bahay eh ” tanggi ko, but the truth is tinatamad lang ako tsaka puro panget naman kasama nila. Sawang sawa na ako dahil kay Annamarie na puro pangit ang gusto juskoday. Mabilis kong tinapos ang pag aayos para makauwi na ako agad, pero dadaan muna ako sa Plaza para kumain ng favourite ko.
“ Manong, para na po dito ”inabot ko kay Manong ang bayad ko bago bumaba ng trysikel. Hindi na kasi ako nagpapasundo, kaya ko naman magcommute pauwi.
“ Hello Ma'am ”bati sakin ni Rhea, tindera dito sa food stall nila Luhen.
“ Ikaw yata bantay ngayon ah ”nakangiti kong saad.
“ Nandyan na po si Sir Luhen, kadarating lang kanina. ”masayang sabi nito, napangiti naman ako.
Halos tatlong buwan din na wala si Luhen, umuwi daw ng taiwan may aasikasuhin ata, nasa kalagitnaan ako ng pag nguya ng may tumakip sa mata ko.
“ Oopps! Wag aalisin ” nabosesan ko kaagad si Luhen, bingkaw magtagalog eh.
“ Anong paandar to ha ”ibinaba ko muna ang kinakain ko bago uminom, nabubulunan na ako e lamon pa more.
“ Take it off ” inalis ko naman, bumungad sakin ang isang bouquet ng bulaklak.
“ Ay? Anong meron?? ” tanong ko, inabot ko naman ito agad at inamoy.
“ I just wanted to give you flowers ”nakangiting sabi nito, ang bango ng bulaklak grabe.
“ Xiexie ” pasasalamat ko dito.
“ Can we have a dinner later?”tanong nito sakin, medyo nahihiya pa nga kaya natawa ako.
“ Oo naman, anong oras ba? ”tiningnan ko oras na, 3PM.
“ 7PM and dress formal ”
“ Osige, uuwi na ako para makapag ayos pa ako ”
“ Ihahatid na kita ”
“ Naku wag na, sunduin mo nalang ako mamaya ” pigil ko dito, tumango naman ito sakto may dumaan na trysikel kaya pinara ko na at sumakay.
“ It's a date! I fetch you at 7PM ”sigaw nito, kumaway nalang ako .

One day, I'll be okay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon