C H A P T E R SIX -Parting Ways-

4 0 0
                                    


Tawa kami ng tawa ni Pablo sa pinaggagawa nila Annamarie at Archer, naghahabulan na naman sila sa tabing dagat. May hawak na pusit si Annamarie, kinuha niya ito sa iniihaw ni Jessica kanina.
“ WTF! Isusumpa na kitang gago ka!! ” sigaw ni Arch.
“ Hayan na ako WA-HA-HA-HA !! ” nagboboses halimaw pa itong si Annamarie.
“ Namamaos na ang pinsan mo kasisigaw ”sabi ko kay Pablo kaya napatingin ito sakin.
“ Bukas uuwi na kayo ”saad nito habang nakatingin sakin.
“ Yeah, magpapasukan na ulit. ”nakangiting saad ko.
“ Babalik kana ng Barcelona diba?? ”tanong ko, nag iwas ako ng tingin, tiningnan ko sila Archer, natawa naman ako dahil hila hila na ni Archer si Annamarie sa paa papuntang dagat.
“ Wag naba ako tumuloy?? ”
“ Huh? ”
Natawa naman ito sa reaksyon ko bago guluhin ang buhok ko.
“ Lakad lakad tayo? ”aya nito sakin, inilahad niya ang kamay niya sakin, mabilis ko naman ito inabot sabay tayo.

Tahimik lang kami habang naglalakad, nagkukulay kahel narin ang langit napakagandang pagmasdan.

“ Ven ”
“ Mm ”nilingon ko ito si Pablo, diko kita masyado mukha niya dahil sa sikat ng araw na papalubog na, siya lang din ang bukod tangi na tinatawag ako sa second name ko.
“ Gusto kita ” parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya, bago pa ako makareact ay hinapit ako nito sa beywang at unti unting inilapat ang labi niya sa labi ko.
I dunno what happen to me pero this is my first kiss and i'm freaking eighteen only. Pero parang may sariling utak ang katawan ko dahil tinugon ko ang mga halik niya.

One year later...

“ Mama!! Dalian niyo na, male-late tayo ” sigaw ko mula sa sala, ako yung graduating pero sila ang matagal mag ayos hays.
“ Oo pababa na ”
Agad naman kami umalis ng makababa na sila Mama at Gwen, si Papa ang driver namin.

Nasa entrance palang kami ay nakita kona sila Jessica kasama ang mga magulang nila.
“ Girl! This is it pansit !! ” masayang sabi ni Annamarie, sa sobrang saya niya naalog na utak ko sa kayuyugyog nito.
“ Shutaa ka! Kumalma ka nga! ”natawa naman ang dalawa kaya nilayasan kona, nilapitan ko si Archer na nakataas ang kilay.
“ Archeeer! ”
“ Mm?? ”
“ Sungit mo, may regla ka no?? ”biro ko dito, sinamaan lang ako nito ng tingin kaya tinawanan ko ito.
“ Crazy ”
“ Bakit kasi nakasimangot ka dyan! ”
“ Nothing new ”sabi nito bago naghikab.
“ Ay sows! Inaantok lang pala ang maldita ”sabi ko, naghikab lang ito ulit.
“ Tumawag na siya?? ”tanong nito, umayos ako ng upo.
“ Nope, mag 1yr na din, simula ng umalis siya. ”napabuntong hininga nalang ako.
“ Nakakapagod umasa, wala namang 'kami' kaya bakit ako mag aabalang intayin siya??”sabi ko.
“ *naghikab* Nakakabuset, antok ako eh ”naasar na sabi nito kaya tinawanan ko lang ito, medyo nag eemote ako konti e babanatan naman nito ng hikab hays.

Magsisimula na ang Ceremony kaya nagpunta na ako sa upuan ko, nakaAlphabetical arrange kami. After so many years, tatawagin na para kumuha ng diploma.

“ ALEJANDRO, MARGARET VEN, CARLOS. HUMMS, WITH HONOR! BEST ACTRESS IN DULA-DULAAN SCREENPLAY!”

Biruin niyo Honor pa hahaha, umakyat ako kasama sila Papa, inabot sakin ang diploma at certificate.

“ Waaaaahhh! GO SISA!! ” sigaw nung tatlo.

Inaacknowlege ang mga achievements ng bawat isang graduating, nakakatuwa naman.

“ ESTRELLA, ARCHER LORRAINE, BUENAVISTA. HUMMS, WITH HIGH HONOR! BEST IN MUSICAL DIRECTOR! SCRIPT WRITER”

Oh pak bespren ko yan! High honor yarn!  Todo palakpak kaming apat.

“ LOPEZ, ANNAMARIE ICELLE, ROMERO. HUMMS, ACHIEVER! SILVER MEDALIST IN MATHEMATICS. ”

“ Wooh!! Bespren namin yan!! ” sabay sabay na sigaw namin nila Archer!

“ MONTECLARO, JESSICA LEXY, ARAGON. HUMMS, ACHIEVER, FIRST RUNNER UP IN FASHION DESIGN AND AWARDEE AS SCHOOL MODEL OF THE YEAR. ”

One day, I'll be okay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon