CHAPTER TWO

14 1 0
                                    

Malakas na ulan ang sumalubong sakin paglabas ko ng cafeteria, yung iba nagtatakbuhan nalang dahil walang dalang payong. Ako, heto inaantay bumagsak ang langit chos! Inaantay tumila ang ulan.

" Miss, hindi titigil ang ulan, sabay kana sakin. " sabi nung lalaking may dalang payong, kasabay ko siya kanina sa counter tapos ngayon nag aalok na sabay ulit kami.
" Tara! Ihahatid kita sa building niyo. " nakangiting aya nito sakin, in fairness pogi siya at may dimples pa, sino ba naman akes para tumanggi dibaaa?!
Tumango ako tsaka ngumiti, inalalayan naman niya ako para di ako mabasa ng ulan, inihatid niya ako hanggang sa tapat ng building namin.
" Salamat " nakangiti kong saad.
" No problem, I'm Matthew and you are?" pakilala nito sakin.
" Margaret Alejandro " inilahad ko yung kamay ko for shakehands, tinanggap naman niya agad.
" See you! " paalam nito bago umalis, pumasok naman agad ako sa building at umakyat na ng hagdan, nasa third floor ang room namin.
" Margaaaaaa! " hingal kabayo naman itong si Bea paglapit sakin.
" Oh bakit?? " tanong ko, baka mamaya hanapin sakin si Cassy eh, di ko alam kung nasan.
" S-si Archer a-at A-annamarie, n-na-
Hindi kona pinatapos si Bea pagsasalita, mabilis akong umakyat kahit shutang ina nakakahingal talaga!

Pagdating ko dun, galit na galit si Archer, kung si Annamarie parang si Vegetta kung magalit, si Archer naman parang si Kakarot na, nagsusuper saiyan na level1000 na ata.
" Por pabor Annamarie, are you fucking out of mind! " galit na saad nito.
" How many fucking times do i need to fucking tell you to stop?? You fucking not listening to me!! " level2000 na ata ang galit niya mga bii, lumapit ako kay Jessica na nasa likod ni Annamarie.
" Anong nangyari?? " bulong ko, pero sumenyas to ng mamaya na daw.
" Mahal ko kasi siya " umiiyak na sagot ni Annamarie.
" Putanginang pagmamahal yan! "

-________________-

Kawawang pag ibig, namura pa hays kupido wag ka papakita kay Archer, ililitson ka non.

" Anong gagawin ko? " umiiyak parin si Annamarie, inaalo naman siya ni Jessica.
" Anong gagawin mo? Edi sabihin mo, mahal na mahal mo tutal tanga ka naman, panindigan mo nalang. " sagot ni Archer, mabilis naman na hinawakan ni Annamarie ang kamay ni Archer.
" Archer, tulungan moko, papatayin ako ni Daddy kapag nalaman niya. " pagmamakaawa ni Annamarie.
" That's a good idea, para mabawasan na ang mga tanga sa mundo. " pagkasabi niya non ay umalis din ito kaagad, naiwan kami don, iyak naman ng iyak si Annamarie.

'Grabe naman si Archer'
'Parang di kaibigan'

" Shut up! Hindi niyo siya kilala, kaya manahimik kayo " sigaw ni Annamarie dun sa mga marites. Inalalayan namin si Annamarie palabas ng room, susundan namin si Archer.
" Ano ba kasing nangyari at naging si Kakarot na si Archer. " tanong ko, mahirap ang hindi updated talaga hays, napaghuhulihan.
Ikinuwento naman ni Jessica ang nangyari habang naglalakad kami, muntik ko nang mapompyang si Annamarie sa katangahan niya, no wonder kung bakit nag evolve si Archer.

-______-

Paano hindi magagalit si Kakarot este Archer pala, isinama lang naman ni Annamarie si Philip sa mansyon nila, at shutanginang gago, ninakaw ang mamahaling painting ni Picasso na paborito ni Tito David-daddy ni Annamarie.
" Eh ano? Nabawi ba? " tanong ko.
" Ibinenta ni Philip, tapos yung pinagbentahan bayaran daw siya para maibalik " sagot ni Jessica.
" Edi bayaran mo nalang girl " sagot ko.
" 10 bilyon girl, wala pang 1bilyon ang laman ng cards ko. " sagot ni Annamarie.
" Anooo??? Jusko bii " napaantanda pa ako sa sobrang gulat buset, mapapatay talaga siya ni Tito.
" Nagtext si Arch, sa coffee shop daw sa tapat ng school. " singit ni Jessica.

LUNA's CAFÉ

Magkakape daw kaming apat pero para kaming minimisahan sa sobrang tahimik, nakakaloka.
" Ahh! Wag na lang kaya tayong magkape?, ngayon palang ninenerbyos na ako eh " komento ko, masama kasi tingin ni Archer kay Annamarie, baka mamaya magsuper saiyan na naman ito, talagang mananakbo ako paalis.

One day, I'll be okay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon