CHAPTER FIVE

8 1 0
                                    


Sakay kami ng van papuntang beach sa Aurea Island, isa yung Isla may mga hotel din don. Kasama namin ang paepal kong kapatid na si Gwen, nag iinarte pa kaninang tanghali habang naglalunch kami. Nagdadrama kasi hindi namin isinama kahapon sa may batis, puro pagpapaawa ang ginagawa sakin simula kahapon kaya isinama na namin.

“ Ate, nadala koba yung Go Pro ko?? ” tanong nito sakin, psh malay koba sa mga gamit niya.
“ Ate!! ” sigaw nito.
“ Hindi ko alam! Malay koba sa mga gamit mong bubwit ka. ” singhal ko, kabibili lang ni Papa non iwinala na ata agad.
“ Gagamitin ko pa naman yun pagvivideo satin huhuhu ” pag iinarte nito.
“ Nasa leeg mo Gwen, malapit kana sakalin sa kagagahan mo ” sabi ni Archer, kinapa naman nito at andun nga, nakasabit sa leeg niya.
“ Ay hehehe! Nandito pala, minsan talaga shungangers ako ” sabi nito.
“ Madalas kang shunga ” komento ko, binelatan lang ako nito bago ayusin ang mga gamit niya.
“ Pab, need ba mag gas? ” tanong ko kay Pablo, lumingon ito sakin saglit.
“ Oo, nagamit din kasi natin ito kahapon diba ” sagot nito, nagpunta kasi kami sa kabayanan kahapon kasama si Manang Celia.
“ Saan kayo nagpunta?? ” sabay sabay na tanong ng mga nasa likod na chismosa.
“ Sa kabayanan, ka—
“ Anong ginawa niyo don? ” tanong ni Archer na chismosa.
“ Namili kami kasama si Manang Celia, okay? Manahimik kayo dyan mga mimi. ” natatawa kong sabi sa mga ito.

Tumigil kasi sa Gas Station, ipinafull tank namin ang sasakyan, 3hrs ang byahe papuntang Aurea Island.
“ Ilan ang tent natin? ” tanong ko kina Arch
“ Tatlo girl ” sagot ni Jessica.
“ Tatlo?? ”
“ Oo anim tayo eh ” sagot naman ni Annamarie.
“ Sino sino magkakasama?? ” tanong ko ulit.
“ Kami kami tapos kayo ni Pablo ” napalingon naman ako sa mga ito.
“ Yiiieeeeeee! Gusto niya! HAHAHAHAHAHAHAHAHAH ” tukso ng mga baliw.
“ Mga baliw, ang dalawang tent atin, kasama niyo Annamarie si Gwen, tapos kami ni Archer, solo si Pablo sa tent. ” paliwanag ko.
“ Pagpunta natin sa kabilang isla yon kasi may hotel sa Aurea, nakabook narin tayo. ” paliwanag ko ulit kasi parang mga tangang nakangisi sakin ang mga ito.
“ Hoooy! ” sigaw ko sakanila
“ Ay Mar-Lo Forever ” gulat na bulalas ni Annamarie
“ Marlo ang hanep HAHAHAHAHA ” reak ni Jessica sabay tawa, umayos nalang ako ng upo dahil di sila nakikinig sakin mga baliw talaga.

“ Kuya Pablo, may girlfriend kaba? ” biglang tanong ni Gwen, chismosa talaga.
“ Wala ” sagot naman ni Pablo
“ Weeh? Kahit isa? ”
“ Hindi pa ako nagkakagirlfriend eh ” nahihiyang sagot nito ulit kay Gwen.
“ Truee? Kahit fling wala? ” pangungulit ni Gwen.
“ Manahimik ka na nga, wala pa nga nagiging girlfriend, ang kulit mo. ” sita ko dito, tumingin to sakin.
“ Bakit mo alam ate?? Tinanong mo?? ” ako na naman ang inusisa nito, pinandilatan ko ito ng mata.
“ I told her ” singit na sagot ni Pablo.
Sabay sabay na 'Ahhh' yung mga anak ni Marites sa likod bago tumahimik, buti naman malapit kona sila busalan sa kaingayan.
“ Natahimik rin ” bulong ko, natawa naman itong katabi ko.
“ Hindi kaba inaantok? ” sabi nito, inayos nito ang upuan ko.
“ Si Archer pala, hindi ba siya masusuka?? ” tanong ko, sinilip naman niya ang pinsan niya.
“ She's fine, pinainom ko ng gamot yan kanina before tayo umalis. ” sagot nito.
“ Mabuti naman ” umayos ako ng upo, medyo halos pahiga narin ako kasi iniadjust niya ang sandalan.
“ Take a nap, gisingin kita kapag nandon na tayo ” sabi nito.
“ Ako di mo gigisingin?? ”
“ Ay pating! ” gulat kong sabi ng biglang nagsalita si Archer.
“ Wala pa tayo sa dagat may pating na ” pamimilosopo na naman nito, parang ito ang kapatid ni Gwen sa pamimilosopo.
“ Akala ko tulog kana, buset to nakakagulat. ” sabi ko, pero inirapan lang ako nito tsaka pumikit. Bukas ng bahagya ang bintana sa tabi niya, para pumapasok ang sariwang hangin, iwas hilo para sakanya.
“ Gigisingin din kita, wag kana magpabebe dyan ” sabi ni Pablo kay Archer.
“ Unahin moko, di mo naman GF yang si Cutie ”
“ Tanginang cutie yan ” bulalas ko, tinawanan lang ako ng baliw.
“ Kapag GF mo na siya tsaka mo siya unahin ” hirit na naman ni Archer.
“ Matulog ka na nga dyan! ” singhal ko dito, baka kung ano ano pa sabihin hays!

One day, I'll be okay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon