Pump It Up

499 17 2
                                    

Minsan, kung ano pa ang ayaw nating ginagawa, ‘yun pa ang magiging dahilan ng isang napakagandang pangyayaring hindi natin inaasahan.

                                                             ***

“Ateeeeee! SM tayo bukas?” pag-aaya ni  Pearl, nakababatang kapatid kong ubod ng kulit. Tatlong taon lang ang pagitan ng mga edad namin, 18 ako at 15 siya. Nasa ikalawang taon na ako ng kolehiyo, siya naman ay nasa ikaapat taon ng hayskul. Kung closeness lang ang pag-uusapan, walang tatalo sa amin. Ultimo tinga ay nagshe-share pa kami. Haha, siyempre biro lang.

“Naman, kadadating ko lang galing Manila, paglilibot na naman iniisip mo?” sagot ko. Sa Manila kasi ako nakatira, sila dito sa probinsya. Kada buwan lang uwi ko dahil sobrang busy sa acads.

“Hindi mo ba ako namiss?” nagpapacute niyang tanong. Palibhasa ang ganda ng mata nito, parang Koreana nga ang dating niya eh. Lahat ng nakikilala namin, ‘yun lagi ang unang napapansin. Sabi ng nakararami, maganda daw si Pearl. Ang masasabi ko lang… Aba, mana sa ate!

“Di no.”

“Ang tipid sumagot. Wala ka na ngang pasalubong tapos ganyan ka pa! Libre mo na kasi ako bukas,” pagpupumilit niya. Hindi nalang ako nagsalita dahil pagod ako galing biyahe.

Kinabukasan.

“SM! SM! SM!” pangungulit ni Pearl sa akin, “Te, libre mo ako ah. Worlds of Fun tayo!”

Tama kayo, wala rin akong nagawa sa kakulitan ng kapatid ko kaya naman papunta kami ngayon sa mall. Hindi ako makapaniwala sa babaeng ito, ang tanda na pero ganun pa rin ang mga hilig.

Sandali lang ang biyahe kaya agad rin kaming nakarating sa SM. At tulad nga ng sinabi ko, wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Masyadong spoiled ito sa akin. Halos P500 na rin ang nagagasta ko kakalibre sa kanya ng kung anu-ano, tapos ngayon napagastos pa ako ng P60 dahil sa tokens.

“Ang dami naman nito, 12 piraso. Saan mo lalaruin ‘to?” tanong ko.

“Pump It Up, ‘te. Laro ka rin!” sagot niya sabay turo sa may parang Dance Dance Mania ba 'yun? Basta. Naku, sayaw? Thanks, but no thanks! Alam naman niyang matigas ang katawan ko, ni minsan hindi ako natutong magsayaw. Sinubukan kong mag-aral nun dati, pero hindi talaga para sa akin ang pagsasayaw.

Umiling ako, “Ikaw nalang. Papanoorin nalang kita.”

Nagkibit-balikat nalang siya saka inihulog ang lahat ng tokens doon sa PIU na malapit lang sa may entrance ng WOF, three tokens per credit. Habang pinapanood ko siya, hindi ko maiwasang mamangha dahil… Gahd, puro hard ang difficulty level na pinipili niya tapos ang bibilis pa nung kanta! Kung marunong lang talaga akong magsayaw, tatalunin ko ito. Nakakaloko ang ngiti ni Pearl habang nagsasayaw, halatang nang-iinggit. Aba! Kapag talaga ako natuto!

“Hoy, yabang mo. Sige, palaruin mo rin ako niyan. Kala mo ha!” Walang alinlangan kong inapakan ‘yung gitnang step para maging pangdalawang player. Siya ang pumili ng kanta pero sabi niya ‘yung madali lang daw para hindi ako mahirapan. Sus.

The Last… Ay nalimutan ko ‘yung title pero kanta ng isang KPop group eh, BigBang ata ‘yung pangalan. Ewan. Kailan pa nahilig sa KPop ang babaeng ito? Ah basta! Sisiguraduhin kong magagawa ko ito. Aapak-apakan at susundan lang naman ang arrows sa screen.

Nakakakalahati na kami nung kanta, so far, masasabi kong proud ako sa sarili ko. Siyempre, wala pa akong missed step. Haha! Not bad for a beginner like me, eh?

“Whoo, tapos na! Tignan na natin score ko. Wait for it, wait for it… A! Hahaha! Naka-A pa ako, akalain mo ‘yun? First time ko lang ‘yan ah!” pagmamayabang ko kay Pearl na halatang hindi man lang napahanga o kung ano man. Yabang talaga.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon