Sparks!

1K 24 13
                                    

 “Sometimes, love springs from the most awkward moments.”

                                                               ***

November 29, 2012. Thursday, 10:30 AM.

Good morning world! Yeeesss! Long weekend! Walang pasok bukas! Makakauwi rin ako sa wakas sa probinsya namin. Ang maganda pa, 1 PM pa ang first class ko mamaya at 6 PM awas ko. Tapos uwian naaa!

“Good morning, Em!”

“Ay kabayo! Ano ba naman kayo, huwag naman kayo manggulat ng ganyan. At sabay pa kayo ha?”

“Himala kasi ang aga ng gising mo ngayon e. Usually kapag Thursdays, ang gising mo ay 12 NN na,” sabi ni Leslie.

“Alam mo, Em, para kang timang kanina diyan. Ngingiti–ngiti ka nalang basta. Nakakatakot e,” entrada naman nitong si Joan.

Sila nga pala ang dalawang roomies ko, si Leslie at Joan. Si Leslie, kaprobinsya ko. Si Joan, taga-NCR lang. Sa ngayon, dito kami sa MRH (pangalan ng dorm) nakatira. Dapat nga apat kami sa iisang kwarto, kaso ewan ko ba bakit kulang kami ng isa.

“Ah, wala. Naeexcite lang kasi ako umuwi e. Uy, ano oras awas niyo mamaya? Sabay na tayong tatlo?”

“Ako, hanggang 2:30 PM lang ang last class ko, baka mauna na ako sa inyo ah,” sagot ni Joan.

“4PM ako, ikaw ba?” Tanong naman ni Leslie.

“Ehh, 6 pa ako e! Les, hintayin mo na ako. Dalawang oras lang naman.”

“Ayoko nga, sayang din ‘yung dalawang oras na ‘yun no. Bleh. Haha! Ay, quarter to 11 na. May klase pa kami ni Jo. Bangon ka na diyan, Em! Bye!”

At tuluyan na nga silang lumabas sa kwarto. Awww, ibig sabihin ako lang mag-isang bibiyahe mamaya? Kawawa naman ako, mag-isa akong tatayo sa bus niyan. Wala akong makakaramay. Laslas na.

Nag-almusal muna ako, Energen lang. Nakakatamad kasing bumili pa sa labas e. Be resourceful nga daw, di ba. HAHAHA.

Pagkatapos ay binuksan ko ang aking pinakamamahal na laptop at nag-internet. Siyempre, bukas muna ng Facebook. At… OMG! Ni-like ni crush ‘yung DP ko! Nagcomment pa siya ng, “Uy, gumaganda, Em. Hehe.” Ayoko nang palitan forever ‘to. Kyaaaa! Kilegs.

O tama na landi. Hindi naman ako kasing-landi ni Darcy, character sa isang Wattpad story, ‘yung Love Story sa Bus. UPLB pa man din siya. Hmm… WAIT. Love story sa bus? Ako kaya? May mabuong love story mamaya? Mehehehehe. Joke lang.

Magpunta na nga lang sa Overheard.

Ay ang dami namang love stories dito! Puro sparks nalang. Favorite ko ‘yung sa story nina ChiTeng, pati na rin ‘yung tungkol sa Batingaw. Nakakakilig! Nakakainggit! Kailan  kaya ako magkakaroon ng kasparks? Gusto ko ng magkaroon ng love life. Haha. K.

4:30 PM. Last subject.

Inaantok na ako. Naku naman, nakakaantok kasi si Sir e. Enebe, tapos Math pa.

Bzzt! Bzzt!

Errr… Sino naman kaya ‘tong nagtext, hindi ba niya alam na nasa klase pa ako? Nakakadistract e.

Bzzt! Bzzt!

Enebe! Natetempt na akong magbukas ng phone ah. Nasa pinakaharapan pa man din ako, large class pa! Kawawa ako kapag nahuli ni Sir. Engot lang kasi e, nakalimutan kong ilagay sa bag ko.

Bzzt! Bzzt!

Hindi ko na matiis! Pasimple kong hinugot mula sa bulsa ko ang aking cellphone at tinignan ang messages.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon