Wasted

2K 40 11
                                    

Sabi nila ang mahulog para sa isang kaibigan ay isang napakadelikadong bagay. Walang kasiguraduhan kung ano ang pwedeng kahinatnan ng relasyon niyong magkaibigan. Pwedeng mauwi sa pagkasira, pwedeng maglevel up. Pero ang resulta ay depende sa kung papaano mo hahawakan ang sitwasyon.

Nakasalalay ang lahat sa iisang tanong: Handa ka bang tanggapin ang bunga ng iyong magiging desisyon?

                                                                 ***

 “Good morning, pangit!”

“Ganda ng bati ah? Good morning, halimaw!”

Ayos ng batian namin e, no? Ganyan talaga kami kaclose ni Sheena. Kabarkada ko na kasi siya since elementary, fourth year high school na kami ngayon. At inaamin kong may gusto ako sa kanya, ‘yun nga lang. Hindi niya alam ‘yun.

“Nagawa mo na ‘yung assignment sa Math?”

“… Ahh, eh. Hehehe.”

“Ikaw talaga, Sheena! Wala kang balak gawin ‘yan? Mamaya na pasahan niyan e.”

“Eh, kahit anong subok ko kagabi, wala talaga akong magawa, sorry naman hindi ako kasing galing mo pagdating sa Math. Ikaw na Math genius. Ako na hindi.”

“Sus. Halika dito, sagutin natin habang hindi pa nagsisimula ang klase. May 30 minutes pa naman.”

“Talagaaaaa? Ang bait mo talagang halimaw! Labyu, Jek!”

Kung totoo lang sana ‘yung love you na ‘yun…

KRIIIIIIIIING!

Lunch time. As usual, magkakasama ang barkada. Buti nga hindi nagkakasawaan ng mukha dito. Haha, sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos e magkakasama kami lagi. Pwera nalang kung may date ‘yung iba, o may lakad kasama ang pamilya.

Katulad ng inaasahan, pinag-uusapan na naman ng mga babae ‘yung darating na seniors’ prom. Para lang ‘yun sa mga seniors. Hindi siya JS. Kaya nga seniors’, di ba? At wala akong balak pumunta, nakakatamad lang kasi alam kong hindi naman si Sheen ang makakasama ko, baka kasi may date na.

“OMG, Sheena, ikaw nalang walang date sa ating barkada!” Ano daw? Wala pa siyang date? So pwedeng… “Ako, may date na. ‘Yung dalawang feeling gwapong si Paul at John, nakasungkit na rin ng ba—”

“Hoy! Cindy, anong sinasabi mong feeling gwapo? Gwapo naman kaya kami ni John!”

Inirapan lang ni Cindy si Paul, saka agad bumalik sa pagkausap kay Sheena na tumatawa lang.

“Ayun nga, as I was saying, ikaw nalang ang walang date. Girl, hindi ka pwedeng umabsent! Ay teka…” Napatigil siya sa pagsasalita at sabay tumingin sa akin. Ano na naman kayang nasa isip ng babaeng ‘to?

“Jek, wala kang date,” so kailangang ipangalandakan, Cind?

“O ngayon? Wala naman akong balak pumunta e, hassle lang ‘yan at gastos.”

“Wala ka pang date, Jek? Aww, gusto mo, tayo nalang?”

Nagulat ako sa tanong ni Sheena. She’s asking me to be her prom date. Pero parang baligtad ah? Tae. Nakakamukhang bading naman ‘to.

“Uyy, bakit ka namumula, Jek? Kinikilig kay Sheena! Aminin! Hahaha!” pang-aasar ni Cindy sa akin. Aba, sinong kinikilig? Ako? Asa naman, lalaki ako! Hindi ako marunong kiligin. Pambading lang ‘yun.

“Uy, Cindy naman, sira ka. Tigilan mo nga kami ni Jek,” saway ni Sheena. Tapos ako ulit ang kinausap niya, “Ano Jek, gusto mo? Friendly date lang naman, walang malisya, barkada naman tayo.”

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon