Jeepney Cinderella

758 25 5
                                    

“Sometimes love waits for you, sometimes it moves on. Always remember love is there when you don't even realize it is.” (searchquotes)

                                                                         ***

Tuesday. November 27, 2012. 8:15 AM.

“Okay, class. Listen to me first. This is an important announcement. On December 8, that’s a Saturday, you’re all required to join Run Up. Fund raising activity para masponsoran ang ating varsity na makikipagcompete sa January, blah blah blah…”

“Awww,” sabay-sabay na reklamo ng mga kaklase ko.

“Don’t worry, we won’t be meeting next week. ‘Yung attendance niyo sa run ang magiging attendance niyo next week. Kaya siguraduhin niyong sasali kayo. Tandaan niyo, pwede lang kayong mag-absent ng tatlong beses sa klase ko, or else, 5.0 na grade niyo.”

Ang makasingko. ‘Yan ang kinatatakutan ng mga estudyante rito. Lalo na sa PE. Aba, ako rin naman e. Ayoko magkaroon ng singko. Kaya hindi na baleng tumakbo sa Saturday, basta huwag lang magkagrade ng singko.

“Hala, ‘te. Kailangan mong mag-attend, kung hindi, singko ka! Tsk! Bakit ba kasi halos kasisimula lang ng sem e nasagad mo na ‘yung allowed absences mo sa PE 1? Kawawa ka, girl,” nang-iinis na sabi ni Em, close friend at classmate ko sa PE.

Oo na, ako na ang nanganganib magkasingko. Nakatatlong beses na kasi akong absent sa PE ngayong sem. Ang aga kasi, 7 AM! Ang hirap gumising ng maaga, kaya ayun. Maximized talaga.

“Sorry naman, ‘te. Hindi talaga keri ng katawan ko gumising ng sobrang aga. Buti nga mabait ‘yung mga kasama ko sa kwarto, ginising na ako magmula nang nalaman nilang malapit na akong maexcessive,” sagot ko sa kanya.

“Sige, ididismiss ko na kayo para magregister na kayo ngayon. Hanggang December 5 pa naman ang registration, pero kung ako sa inyo, ngayon na ako magreregister. Baka maubusan kayo ng slot para sa 3K run. Sige na, good day! See you next week.”

Grabe, bakit ba kasi maximized na absences ko? Sayang naman oh, required tuloy talaga akong sumali sa fun run. E hindi naman ako runner! Ang dali ko ngang mapagod e, ano ba ‘yan. Buti naman may 3K. Pwede namang lakarin ko nalang, Walking for Fitness ang peg.

Habang naglalakad kami ni Em mula sa EE Audi (dun ang klase namin sa PE 1), papuntang SU (kadalasang tambayan ng mga freshman), niyaya niya akong magbayad na para sa darating na Run Up kaso tinatamad pa ako kaya next week nalang.

Pagdating namin sa SU, nag-order kami pareho ng pancit canton at ng gulaman. Nagkwentuhan kami tungkol sa acads at kung anu-ano pang kalokohan. Ilang sandali lang at napaCR si Em. Mag-isa ako ngayon. MakapagGM na nga lang.

To (Group): UP ♥

good morning. required tumakbo sa run up next week T.T enebeyen. sino sa inyong required rin? haha

 

Sending…

 

Message sent!

 

Bzzt! Bzzt!

Aba! Ang bilis magreply ng mga tao ah? O baka naman GM lang. Psh.

 

10 messages received.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon