Paulit ulit na tanong na hanggang ngayon ay
hindi mabigyan ng kasagutan.
Pilit mang hinahanap ang ugat ng ating pinagmulan.
Kahit balikan pa natin ang bawat salita na ating pinagaralan.
Wala na, kusang nawala ang ating pagiging makabayan.Ang sakit lang isipin na tayo mismo ang dahilan ng pagkalubog ng mga Pilipino.
Napuno ng diskriminasyon, korapsiyon at panghuhusga sa kapwa tao.
Ating kinalimutan ang hirap at sakit na dinanas ng ating mga ninuno.
Noong panahon na ipinaglaban nila ang bansa kapalit ang sariling mga dugo.Bakit nga ba natin hinahayaan na mawala ang yaman na sa atin ay nakalaan?
Bakit natin kinakalimutan ang bawat alaala ng nakaraan?
Dahil ba tayo ay nasaktan?
O dahil sa rason na tayo'y iniwan?Wika, alam niyo ba kung ano ang ibig sabihin ng ating wika?
Alam niyo ba kung gaano ito kahalaga?
Alam niyo ba kung ano ang silbi nito sa ating puso at diwa?Oras na para tuklasin ang nakatagong kabanata.
Oras na para kilalanin ang tagapaglikha.
Oras na para maging kasangkapan ng sariling wika.HerPenSilhouette

BINABASA MO ANG
Her Untold Pain
RandomIn every scars, there's an untold pain. From painful truths we need to accept through the lies we used to believe in. Did you survive? Or can you even survive? :: Poem compilation :: One-shot stories