Paano ko nga ba pipigilan ang mahalin ka?
Kung umpisa pa lang ay sayo ako nakatadhana.
Paano ko ba tatakasan ang katotohanan?Katotohanan na ikaw ang huling kahahantungan.
Naririnig mo ba?
Pintig ng puso ko'y kasing bilis ng isang kisap-mata.
Hindi ko maintindihan ang nararamdamang kaba,
Na para bang tinablan ako ng mahiwagang mahika.
Hindi ba't ang galing ni kupido?
Tinamaan nga ako pero umiwas naman ang puso mo.
Ngunit tama ka, bilog ang mundo.
Hindi lahat ng hiling ay nagkakatotoo,
Hindi lahat ng mahal mo ay siyang wakas ng iyong kuwento.
HerPenSilhouette

BINABASA MO ANG
Her Untold Pain
RandomIn every scars, there's an untold pain. From painful truths we need to accept through the lies we used to believe in. Did you survive? Or can you even survive? :: Poem compilation :: One-shot stories