Paalam

14 4 1
                                    

Sa bawat oras na dumadaan
Tanging ikaw lang ang pumapasok sa isipan
Ngiti mo ay aking nasisilayan
Boses mong kay sarap pakinggan

Ang saya ng bawat araw na kasama kita
‘Yong tipo na ayoko nang matulog pa
Nagpupuyat hanggang umaga
Puso ko'y naging pagmamayari mo na

Pagpatak ng alas dose
Paulit-ulit na binabasa ang mga mensahe
Malamig na hangin ang yumakap sa katawan
Ramdam ko ang pagbago ng samahan

Nasaan ka na mahal ko?
Bakit iniwan mo ako nang ganito?
Nasaan na ang iyong mga ipinangako
Dito na ba magwawakas ang ating kwento?

Tanaw kita sa malayo
Nakangiti kasabay ng paghalik sa kanyang nuo
May mas masakit pa ba dito?
Sana alam mong masaya ako para sayo

Walang tigil ang pagpatakan ng mga luha
Hirap na  hirap na akong huminga
Gusto ko nang magpaalam sayo sinta
Alam kong 'yon ang hinihintay mo, ‘diba?

Masakit pero bibitawan na kita
Hanggad ko ang mapasaya ka
Mahal, ako'y magpapahinga na
"Paalam", kasabay ng pagpikit ng mga mata


HerPenSilhouette

Her Untold PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon