Chapter 06

388 10 0
                                    

—BILLY

Ang bilis ng pangyayari after dad and Tito Richard sign the contract pinag usapan agad namin kung kailan kami aalis papuntang L.A for our wedding. Malayo ito sa pangarap kong kasal, I wanted it to be perfect pero dahil kailangan na namin gawing madalian ang lahat pumayag na ako sa bare minimum. Okay lang nagkalat naman sa tabloid at sa news dahil nga anak ako ng isang mayamang business men and I know lahat ng kilala ako ay napanganga sa gwapo ng groom ko.

“sigurado ka ba talaga sa desisyon mo billy?” pabulong na paulit ulit na tanong ni Jimmy habang nasa sasakyan kami, ito ang araw na lilipad na kami ni Thiago papuntang Los Angeles para dun ganapin ang kasal naming dalawa.

Thiago was sitting on the passenger seat habang kami ni Jimmy ay nasa backseat, nauna na si dad at Tito Richard, yung mom ni Thiago ay pupunta rin. Si Jimmy uuwi na sa condo kung saan kami nakatira dahil may ballet lesson na ito at kailangan na niyang pumasok.

“hindi ka ba masaya para sa akin?” nakangiting hinarap ko siya.

“of course, happy ako.” tila pilit na sagot nito at pilit din na ngumiti.

“umuwi ka kaagad, hindi ako sanay na walang kasama sa condo.” mabilis na niyakap niya ako kaya ngumiti ako.

“maybe after the wedding hindi na ako uuwi sayo.” mahinang sambit ko, nakaramdam ako ng kasabikan dahil magsasama na kami ni Thiago sa isang bahay. Siguro sa mansion kami titira dahil sa akin naman ang bahay na yon. Si Thiago na ang bahala kung saan kami.

“pero billy sabi ni don Enrico kung nasaan ka ay dapat doon din ako.”

“jimmy hindi na pwede may asawa na ako, mag kapamilya na ako.”

buntong hininga siyang tumitig sa akin.

“paano yan, wala kang alam sa gawaing bahay, ni hindi ka nga marunong bumuhay ng kalan, kahit itlog hindi ka marunong magluto.”malungkot na sambit niya.

“problema ba yon? edi kukuha kami ng kasambahay, don't worry about me, hindi pwedeng habang buhay kasama kita, kailangan mo rin tuparin ang pangarap mo.”

Ngumiti siyang yumakap sa akin at ganun rin ako.

“ang bilis naman ng pangyayari billy, hindi pa rin ako makapaniwala.” sambit nito.

ako rin hindi makapaniwala na ikakasal na kami ni Thiago kahit hindi ko siya minsan naiintindihan pero gusto ko parin ikasal sa kanya, siya lang ang gusto kong pakasalan.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at sinandal ang likod ko sa upuan at ganun rin siya. Tumingin ako sa direksyon ni Thiago nakasandal din itong halatang naka pikit, hindi ko rin alam kung bakit siya ang pinili ko basta ang alam ko ayaw ko siyang mawala sa paningin ko.

few hours later nakarating din kami sa airport, konting paalam at ayos ng gamit. Thiago carries all my stuff at palagi siyang nasa likuran ko. I don't know why, siguro nahihiya siyang kasama ako dahil maraming nakatingin sa amin lalo na at kasama ko si dad. Hinayaan ko na lang siya, siguro kailangan ko ng masanay.

Hanggang sa makarating kami sa loob ng eroplano buti na lang business class flights ang kinuha ni dad at makapag pahinga ako ng maayos.

Mabilis akong umupo sa pwesto ko at sinandal ang likod ko, hindi ko na pinansin si Thiago dahil gusto ko na talagang magpahinga.

Hindi ko namalayan nakaidlip na ako hanggang sa ma alimpungatan ako, maayos na akong nakahiga, may blanket na rin ako at may yakap yakap na unan. Agad akong tumingin sa katabi kong upuan kung saan ang pwesto ni Thiago pero isang bakanteng upuan ang bumungad sa akin.

mabilis hinanap ng mga mata ko si Thiago pero si dad at Tito Richard lang ang naroon at lahat sila ay nakapikit rin. Agad akong tumayo na kinakabahan, ang dami ng naglalaro sa isip ko, I don't know why it bothers me.

HIS CHOSEN GROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon