Chapter 31

817 19 2
                                    

SPAIN

"it's okay hindi naman siguro ako kakainin ni tita."

Kanina ko pa naririnig ang buntong hininga ni Thiago sa tabi ko dito sa back seat ng kotseng sumundo sa amin sa airport. Nakasandal ako sa kanya at yakap ko ang kanang braso niya.

Hindi kasi siya sasama sa akin pauwi ng mansion nila dahil may urgent meeting siyang pupuntahan, medyo matagal daw yun kaya hindi ako pwedeng sumama at maghintay na lang hanggang sa matapos siya.

Pumayag na rin ako dahil narin sa pagod dahil sa haba ng oras na biyahe namin.

Hindi ko alam kung bakit hindi siya mapakali kanina pa siya balisa.

"Kung hindi lang talaga importante hindi ako papayag na mag isa kang uuwi." kabadong sambit niya.

"Hubby, okay nga lang diba? don't worry about me, okay?"  hinalikan ko na siya sa pisngi para tumigil na siya.

Ilang beses siyang lumunok at tumitig sa akin ng makarating kami sa malaking building ng mga Del Fuego.

"Go, don't worry I'm fine. Mag message agad ako pag nasa mansion na ako."

Sinundan ko lang siya ng tingin habang binubuksan ang pinto ng kotse, ang akala ko ay lalabas na siya ng bumukas ito pero bigla na lang siyang humarap ulit sa akin na tila nanginginig sa kaba.

Tumitig siya saglit sa mga mata na para bang may gusto siyang sabihin sa akin  bago niya ako kinabig ng malakas at niyakap ng mabilis.

Pinagdikit niya ang noo naming dalawa habang sapo ng mga palad nya ang mukha ko, ramdam ko ang mabilis na paghinga niya habang ako ay puno ng pagtataka na nakatitig lang sa kanya.

"I love you, I love you so much, remember that. okay?" usal niya sa pagitan ng tila humihingal niyang boses.

"Are you okay?" malambing na boses na tanong ko.

Hindi siya sumagot, sa huli ay nagpasya akong pumikit at ilang segundo lang ay nararamdaman ko na ang labi niyang nakadikit na sa mga labi ko.

Banayad, puno ng pagmamahal at respeto, ganito ko nararamdaman kung paano niya ako hinalikan ngayon.

Pwede pala ang ganito, ang sagotin lahat ng katanungan sa isip mo sa pamamagitan lang ng halik.

Si Thiago, mahal niya ako.

Mahal Na Mahal,

kung may matuklasan man ako sa pagkatao niya sa pagdating ko sa mansion nila ay hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Pakiramdam ko ay may kinalaman iyon kay Luani, ang first love niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit habang walang tigil kaming naghahalikan, wala na kaming pakialam kung pinapanood ba kami ng driver na sumundo sa amin.

At ng mahusto siya ay siya rin ang kusang tumigil, hingal na hingal kami pareho ng maghiwalay ang mga labi naming dalawa.

"Mahal na mahal kita Billy." I feel the sincerity in his voice.

Niyakap ko siya ulit at hinagod ang likod niya.

"Mas mahal kita Thiago Olivier at kapag susukuan mo ako o iiwan mo ako, aakitin ko ang bestfriend mong si Andrei para lagi mo parin akong nakikita." birong sabi ko kaya ganun na lang ang malakas niyang hawakan ako para iharap sa kanya.

"Don't you dare Mrs. Del Fuego." bumalatay ang galit sa kanyang gwapong mukha kaya mabilis ko siyang pinupog ng halik sa buong mukha.

"kaya lumabas ka na, kasi late ka na, remember ayaw ni dad ng late?" pinandilatan ko siya ng mata habang inaayos ang suot niyang tuxedo dahil bahagya itong nagusot.

HIS CHOSEN GROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon