Chapter 30

969 20 4
                                    

GANITO PALA ANG PAKIRAMDAM KAPAG NILILIGAWAN NG TAONG GUSTO MO RIN LIGAWAN KA. I FEEL LIKE I'M THE MOST BEAUTIFUL CREATURES ALIVE IN THE UNIVERSE.

Walang araw na walang pulang Rosas galing kay Thiago, may mga Spanish words pang nakasulat sa cards. Sally to the rescue siya ang taga translate sa google para sa akin.

Babasahin niya iyon may kasama pang pagtili, para bang siya ang kilig na kilig. Lumipat na pala siya ng ship by the way hindi na daw si Papa A ang manok niya kundi si Mr. Muscle na minsan hindi ko na maintindihan itong si Sally. Slash balimbing talaga siya.

Si Bryan ang taga hatid, isa na pala siyang assistant ni Thiago mula ng umalis siya sa Billy heir food Cargo. Ang walanghiya alam na alam pala niya kung nasaan si Thiago but Thiago asked him to hide it from me.

And I feel something weird about the two, Sally and Bryan Hmm. This story talaga ay hindi lang about sa amin ni Thiago ang daming side lovers characters.

About Andrei naman mula ng bumalik si Thiago ay expected kong titigilan na niya ako pero mukhang nakipag sabayan pa siya sa bestfriend niya.

how's the flowers do you love it?

nakangiti ako habang binabasa ang message niya, nagtitipa pa lang ako ng reply para sa kanya ay nakita ko na ang pangalan niyang sa incoming call.

Katahimikan;

para talaga kaming mga teenager na nagkakahiyaan sa isa't isa parang walang nakaraan, parang hindi umungol sa isa't isa, parang hindi nag angkinan sa harap ng mapayapang dagat; oppss!

"I'll pick you up later, let's have dinner." basag ng baritono niyang boses sa katahimikan.

"aren't you busy? hindi naman kailangan araw araw siguro tayong mag dinner." pigil na ngiting suhestiyon ko.

halos araw araw kasi kaming nag dinner, naikot na siguro namin ang lahat ng restaurant dito sa BGC. Iba pa ang bulaklak na pinapahatid niya kay Bryan iba rin iyong bitbit niya kapag sinusundo na ako.

Balak ko na ngang magtayo ng flower shop sa dami ng bulaklak na binibigay niya sa akin, bukod pa ang mga binibigay sa akin ni Andrei.

"I miss you everyday, that's my way of seeing your beautiful face."

para akong batang sinalampak ang sarili ko sa sofa dito sa mini office ko habang nakangiti, nakaluwag luwag na ang Ly-iago boutique maypa sofa na ako ngayon.

Alam kong abala siya araw araw kabi kabilaan ang mga appointment niya dahil sa bagong mall na itatayo sa batanggas. Thiago never fails to see me everyday, minsan ay mag message siyang hintayin siya para ihatid niya ako sa condo unit ko. By the way hindi pa kami ulit nagsasama, nasa ligawan stage pa raw kami saka na siguro pag kinasal kami ulit.

"hmm okay."

kagat kagat ko ang daliri habang sinasabi iyon, yung kilig ko wala akong mapaglagyan. Nag isip ako ng itatanong para hindi muna maputol ang pag uusap namin.

"aren't you busy now?" sa huli ay ito ang lumabas sa bibig ko.

"I don't know what busy is when it comes to you, baby."

nakangiti ako habang padaosdos na humiga sa sofa.

Parang tanga naman eh!

baby daw…

pagulong gulong akong tumatawa sa maliit na espasyo ng sofa, hindi ko nga alam paano ko pinagkasya ang sarili ko dito.

"Hoy sir billy anong ginagawa mo?" si Sally, bigla bigla na lang sumusulpot at sinira ang moments ko.

HIS CHOSEN GROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon