CHAPTER 18

1.5K 19 3
                                    

"K-kuya, bumalik na naman si daddy"

"kanina pa ako tumatawag sayo."

umiiyak na sumbong ni Leilani, nasa sala na kami ng condo agad kasi siyang dinala ni Thiago dito sa loob. Ako na ang nag park ng sasakyan, nakakahiya naman sa kanila.

Nakaupo sila sa sofa, nakaharap si Leilani kay Thiago na para bang gusto na atang kumandong. Nakatayo lang ako sa likuran ni Thiago na naka krus ang mga kamay sa dibdib, nakatitig kay Leilani ng madiin at nakaangat ang isa kong kilay.

"I'm sorry na lowbat kami and busy ako kanina, mabuti at alam mo kung nasaan ako nakatira." mahinahon ang boses ni Thiago.

"si kuya yuki po ang nagturo sa akin." nanginginig na sabi niya

"k-kuya pwede ba ako dito? ayaw ko sa bahay, nag aaway na naman si mom at daddy" nagsisimulang tumulo ang luha niya.

Kung hindi ko siya kilala baka nakumbinsi ako sa arte niya, kulang na lang spotlight para gawaran siya ng parangal.

Lumingon sa akin si Thiago para bang humihingi ng permiso sa pakiusap ni Leilani kaya naman ngumiti ako.

"of course pwede siya dito, may spare room naman tayo here." gusto kong sampalin ang sarili ko dahil ang bait ko.

"Leilani tonight lang, sorry pero hindi magandang takasan mo sila Tito at tita, I'll call them na nandito ka para hindi sila mag alala."

"pero k-kuya–" tumaas ang kilay ko ng ipatong niya ang mga kamay niya sa hita ni Thiago.

"Hindi pwede." agad na tumayo si Thiago at tumungo sa telepono.

Nagtitigan kami ni Leilani, yung nakakaawa niyang itsura kanina ay naging mabangis na hayop.

Ako? mukha lang naman akong anghel kanina, pero sa paraan ng pagtitig ko ngayon kay Leilani siguro kung laser lang itong mata ko baka nabutas ko na yung ulo niya.

"don't worry hindi ka nila kukunin" narinig naming sambit ni Thiago kaya pareho kaming bumalik sa dati. Nakangiti na naman ako sa asawa ko, habang siya paawa ulit.

"bring her to her room Thiago, magshower lang ako then mag order ka na lang ng food." malambing na lapit ko sa asawa ko at hinalikan siya sa labi na agad naman niyang tinugon.

Alam kong umiwas ng tingin sa amin si Leilani kaya sumilay ang ngiti sa labi ko.

"Ly-iago, daddy is here." tawag ko sa alaga kong pusa.

Pumunta muna ako sa pwesto niya para tingnan kung naubos ba ang pagkain niyang iniwan ko kanina.

"Oh I'm sorry baby, busy kami ng daddy mo." binuhat ko siya ng lumabas siya sa bahay niya.

Dinala ko siya sa kwarto, ang taba taba na talaga ng aking Ly-iago, kailangan na siguro niyang mag work out just like his dad.

Pinunasan ko ang katawan niya gamit ang wet tissue, umupo ako sa dulo ng kama at pinahiga siya sa lap ko.

"Ly-iago nasa labas ang daddy mo, maliligo lang ako pwede mo ba siyang bantayan? may monster kasing nakapasok, aagawin niya sa atin ang daddy mo." parang bata kong kinakausap si Ly-iago na nag meow meow parang naiintindihan niya ang sinasabi ko.

Pakiramdam ko ako ata ang may sira sa pag iisip sa ginagawa ko, hindi ko na talaga minsan kilala ang sarili ko. Kailangan ko talagang mag baitbaitan sa harap ni Leilani kahit pwede ko naman siyang kaladkarin at itapon sa labas ng condominium.

Of course hindi ko gagawin dahil masira ulit kami ni Thiago, magagalit siya sa akin kaya kailangan sabayan ko ang babaeng yun sa pagkukunwari niya.

Binaba ko si Ly-iago at napangiti ako ng nag unat muna siya bago lumabas ng kwarto, naiintindihan siguro niya ang sinabi ko kanina. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa living room, nakaupo parin sila Thiago doon at Leilani. Naiintindihan ko, pinapakalma siya ni Thiago dahil nga sa trauma nito, pero alam kong umaarte lang siya.

HIS CHOSEN GROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon