SPECIAL CHAPTER/ THIAGO POV

751 24 3
                                    

THIAGO POV

“My God Gabriel!”

Ang boses ni Billy ang laging gumigising ng diwa namin dito sa mansion. Sunday ngayon at wala akong opisina dahil talagang inilalaan namin ang araw ng linggo para sa aming pamilya.

Dahan dahan akong gumalaw sa kama, bukas ang pinto ng kwarto namin kaya siguro naririnig ko ang dumadagundong na boses ng asawa ko. 

And I'm sure it was because of our youngest son, Gabriel. Siya ang huling lumabas mula sa sinapupunan ng surrogate mother namin ayon sa doctor kaya siya ang bunso kung ituring namin.

Tumingin ako ng oras sa naka display na alarm clock sa bedside table namin ni Billy, pasado ala una pa lang pala ng umaga.

“You're just 20 years old anak pero kung umasta ka para ka ng matanda kung  makipag inuman sa mga trabahador!”  sermon ng asawa ko sa anak namin.

Nakapikit pa akong tumayo at nag unat, hindi nga talaga ako nagkamali na kay Gabriel sasakit ang ulo naming lahat.

Lumabas ako ng kwarto habang sinusuot ang roba ko at tumayo sa harap ng railing at dumungaw sa ibaba kung nasaan ang living room.

Nakaupo ang anak ko sa mahabang sofa at nakayuko, halatang may tama pa ito ng alak. Kaharap nito ang kanyang ama na nakapamewang at nakasuot pa ng long night gown.

Shit ang sexy pa rin talaga ni billy,  siguro ay hindi ito natulog kagabi sa paghihintay sa anak namin.

“Gabriel ilang beses ko bang sinabi sa'yo you're just a kid, hindi ka pa matanda anak.” malambing na sabi nito sa anak namin.

"Papa, nag katuwaan lang. Konti lang naman, ganito oh.” pag rarason ng anak namin, itinaas pa nito ang daliri para ipakita kay billy kung gaano ka konti ang nainom nito pero ang mga mata niya ay pabagsak na.

Tatawagin ko na sana si Billy at sabihing ako na bahala para makapag pahinga na si Gabriel ng biglang lumabas ng kwarto niya si Daddy Enrico. Ang silid kasi nito ay malapit lang sa living room kaya siguro ay nagising ito sa ingay ng anak.

“What's that again Billy?” paika ika itong lumapit sa anak na may dala dalang tungkod. Madalas na kasing sumasakit ang tuhod nito at pabalik balik na rin sa ospital dahil din siguro sa matanda na.

“talk to your favourite apo, and please dad wag mo siyang hahayaang nakipag inuman sa mga trabahador.”

“Let him be Billy Ruiz, he's old enough, pwede ba?”

“nakikisalamuha lang ang apo ko sa mga tauhan natin.”

“dad masyado mo ng pinapaboran ang katigasan ng ulo ni Gabriel, hindi na siya nakakabuti.”

Pinakinggan ko lang silang mag ama and when I feel tension between them ay dahan dahan na akong bumaba ng hagdan. Si Gabriel ay walang pakialam, bumagsak na ang katawan nito sa sofa at natulog.

“He will be my heir.” mahinang usal ni Daddy..

“masyado pang mga bata ang mga anak ko dad for that, at hindi lang nag iisa si Gabriel. They're triplets.”

“Hugo will inherit the Del Fuego empire, siya ang papalit kay Thiago kasama naroon ang billy heir food cargo”

“and you, you're busy with your businesses at walang ka amor amor sa hacienda kahit noong bata ka pa.” daddy is right, naging abala si billy sa kanyang jewelry shop at boutique simula noong umalis si Sally.

“Alvis..” the moment dad uttered Alvis name ay tumingin siya kay billy at sa akin na paparating sa direksyon nila.

“We all know, he can't manage the Hacienda Billy.” 

HIS CHOSEN GROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon