Chapter 37

658 19 1
                                    


THIAGO

“let's go love, you're drunk."

Malambing kong niyakap ang asawa ko at hinalikan ang leeg niya, kahit pawis na pawis dahil sa pagsasayaw ay mabango parin.

When I noticed him drinking ay hindi na ako uminom dahil hinayaan ko siyang mag enjoy kasama ang mga kaibigan niya.

“buhat mo’ko”  parang batang utos niya.

nakahawak siya sa dibdib ko na nakaliyad habang ang mga kamay ko ay nakaalalay sa likuran niya.

gigil kong hinalikan ang leeg niya na ikinahagikgik niya.

I carried him like a koala. Kapit na kapit ang katawan niya sa buong katawan ko.

Mukhang nagkamali ako hindi pala  siya koala kundi octopus.

Nagpaalam na ako sa mga bisita dahil mukhang nag enjoy pa sila sa party at kailangan na naming umalis dahil lasing na ang asawa ko.

Ilang minuto lang ang lumipas na buhat buhat ko siya ay ramdam ko na ang hininga niya sa leeg ko.

He fell asleep.

Ngumiti ako habang naglalakad papunta sa kwarto na niregalo ng mga Villagracia sa aming dalawa.

Tinulugan na naman ako.

I understand dahil pagod siya, pagod sa pagsasayaw kasama ang mga bisita. Hindi na nga kami nakapag sayaw na kaming dalawa lang dahil hinayaan ko siyang sulitin ang gabi..

I'm not jealous, I'm happy.

Habang pinapanood ko siyang walang halong pag arte habang sumasayaw na kasama ang mga taong nilalayuan niya noon ay nakangiti ako.

Malayo na ang Billy ngayon sa Billy na nakilala ko noon. I Will never regret marrying him, loving him, admiring him and dreaming of him.

Maingat akong humakbang sa hagdan ayokong magising siya dahil masarap ang tulog niya sa balikat ko.

Pagdating namin sa bungad ng pinto ay maingat ko itong binuksan para hindi siya magising, isinara ko rin ito pabalik na hindi gumawa ng anumang ingay.

Hindi ako nagbukas ng ilaw dahil may konting liwanag naman kaya nakikita ko pa ang lugar. The room has two divisions, may sliding door ito malapit sa maliit na living area kung hindi ako nagkakamali ay naroon ang kama.

Dahan dahan ko itong binuksan para hindi ulit makagawa ng ingay pero halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa ayos ng silid.

The bed has full of red and light roses petals, nagkalat ito sa malaking kama at sa sahig.

Hindi ko napigilan ang sarili kong hanapin ang switch para buksan ang ilaw dahil gusto ko itong makita sa liwanag.

“Wow!" manghang usal ko.

wall glass ang nasa harap ko kung saan nakikita ko ang mapayapang karagatan, nasa dulo kami ng pormang letter V na  Villa.

Itinuro sa akin ito kanina ng isa sa pinagkakatiwalaan dito pero hindi ko nagawa na puntahan dahil na rin sa sobrang marami akong inasikaso kaya hindi ko alam na ganito pala ito kaganda.

Ang sabi pa ng namamahala dito ay ito raw ang lugar na paborito ng matandang Villagracia at ang kasintahan nito noon kaya gumawa ng extension si Tyler para manatili itong memorable.

Agaw pansin rin ang bedside table na may red roses na nakalagay sa magandang vase at sa tabi namin nito ay ang litrato namin ni Billy na magkahawak kamay na naglalakad sa dalampasigan. May nakalagay rin na Congratulations Mr. Del Fuego.

HIS CHOSEN GROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon