Chapter 3

19 5 0
                                    

Pagkadating ko sa bahay sigawan agad ang sumalubong sa akin, paano kasi sina Dad and Mom nag aaway. Sa tingin ko tungkol sa business ang pinag- aawayan nila.

Umakyat na lamang ako sa kwarto ko, naligo at nagbihis.

Pinababa na ako sapagkat hapunan na.

Naupo ako at iniisip ang nangyari sa akin buong maghapon.

Nakakapagod, nakakahiya, nakakainis, paulit- ulit na lamang iyon nangyayari sa akin.

"Hey!" my sister Wendy snapped. She threw her table napkin at me.

"Wendy, can't you leave your sister alone?" my mom asked wearily

"Duh? Mom, she's like a zombie or something. Look at her. Tch." Wendy complained.

"Malay mo naman may problema yang ate mo. Just let her think about it. And respect her. Will you?" Wendy glared at me.

"Tsk, yeah. I know, you really love your creepy, weirdo and ugly daughter. Parang hindi ko nga yan kapatid ehh. Ampon." Then she rolled her eyes.

*SLAP*

Yeah. My mom just slapped my stupid and rude sister.

"Bakit ba ang bastos mo Wendy? Tinuruan ba kita ng ganyan. Sa bagay ini- spoiled ka ng Daddy mo ehh. And good thing he's not here, because for sure panalo ka na naman dito. At hindi sya ampon! Clean the table!" sigaw ni Mommy.

Si Wendy naman, ayun parang walang narinig. Umakyat na lang sa taas. Umiiyak ata. Tsk. Stupido!

"Ako na lang Mom." I volunteer.

Hindi naman niya ako pinansin at umakyat na din at nagtungo sa kwarto. Okay, what was that?

When I came out to the kitchen, I saw Mom. Lalabas ata, nakabihis pang- alis siya eh.

"Mom, where are you going?" I asked her.

She just ignores me. WOW. Nice.

Invisible na ba ako? Tinignan ko ang kamay ko, nandyan pa naman, pati ang paa ko andito pa naman. Haist. Sana nga maging invisible ako.

Di ko din maintindihan si Mommy eh. Ang gulo ng ugali niya.

Umakyat na ako, ginagawa ko na ang mga assignments namin ng biglang pumasok si Wendy.

"HEY! My stupid, spoiled, ugly and creepy sister! Can you do my assignment in Mathematics? Perfect- in mo yan ahh. Kapag ako na- zero na naman patay ka sa akin!" Aba? At dinuro duro pa ako.

Inihagis niya ang kanyang notebook sa akin at padabog nyang sinarado ang pinto.

Ipapagawa nya sa akin ang assignment nya sa Mathematics tapos magagalit sya kapag zero ang nakuha. Gaga ba sya? Alam nya na ngang bobo ako sa math ehh. Katamaran kasi ang pinaiiral niya.

Hindi ito pwede, madami pa akong gagawing assignment. Kaya sinundan ko sya at ibinigay ang notebook nya sa kanya.

"Wendy. Madami pa akong gagawing assignment. Kaya kung pwede lang ikaw na ang gumawa niyan. And I can't make it perfect. It's a math subject." Sabi ko sa kanya ng mahinahon.

"WHAT? I'll hang out with friends! Kaya ikaw ang gumawa nyan 'no." pagalit na wika nya at mataray na humalukipkip.

"It's already 10 pm Wendy, don't go out. And hey, lalabas ka tapos sa iba mo ipapagawa iyang assignment mo?" sabi ko sa kanya. Pinagsasabihan ko lamang sya. Oh yeah, I'm her sister and I'm so unlucky.

"Nakakainis ka na alam mo yun?!" sigaw niya sa kin. Galit na galit sya at hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya para magalit siya akin ng ganyan.

"What's happening here?" I saw Dad, paakyat at papalapit sa amin.

"Dad!" lumapit si Wendy sa kaya at yumakap dito.

"Eh Dad, I just asked her to help me. But she refused me Dad. How can you refuse your sister? Humihingi lang naman ako ng tulong sa assignment ehh." Madramang paliwanag nya kay Dad.

PURE LIES!

"Is that true Ashira?!" galit na tanong naman ni Dad.

Kita ko sa mata niyang galit sya sa ginawa ko na sinabi ni wendy na puro naman kasinungalingan. Patay ako nito.

"Dad. Hindi naman po totoo iyon ehh."

"And now, gagawin mo pa akong sinungaling ate. I know you really hate me." Ano? Eh sya nga nagsabi na she really, really hate me! Oh gosh.

Maging invisible sana ako.

Now na! As in NOW!

**

I HATE MY MOM! I HATE WENDY! I HATE MY DAD!

I HATE THIS FAMILY. I REALLY DO.

My Dad yelled at me. Sinampal nya din ako. Wala daw akong karapatang sabihan ng ganun ang prinsesa nya. Anong katangahan daw ba ang iniisip ko, bakit ko daw tinanggihan si Wendy. Ang sama ko daw na kapatid. Madami siyang sinabi na masasakit na salita na lubha akong nasaktan.

Sa huli, ako din ang talo. Spoiled brat Wendy!

Bahala na ginawa ko na lamang ang assignment nya at ang project nung Debriana na yun.

Kapag ako lang naging invisible, PAPATAYIN KO KAYO, Papatayin ko kayo sa takot.

At mamamatay din siguro ako, mamamatay sa tawa. Oh, poor me. How I wish that it will come true.

Pagkatapos kong magawa ang mga assignments, nahiga na ako at naramdaman ko na ang unti- unting pagbaba ng talukap ng aking mata.

I hate this day. This is the worst day ever!

Can't sleep at night?: STATUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon