Chapter 5

14 4 0
                                    

Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng lumiko na si Lyssandra.

Bigla na lamang kumilimlim. Tch. Bad day. Malapit ng umulan, I need to be home bago pa umulan ng tuluyan. So I walk fast.

Madadaanan ko na naman iyong creepy house dito sa aming lugar. Madami ang ganyang bahay dito, pero iyan ang pinaka weird sa lahat.

They say it's a haunted house.

Minsan nga ay pumasok sa isipan ko na pumasok dyan, to prove that ghosts are existing. Pero dati lang iyon, remember I'm Ashira Dela Vega, doesn't believe in ghost?

It's a ... I don't know how many storey ang meron sya.Uhm, I think it's four? I'm not sure.

Gawa sa kahoy ang buong kabahayan. May mangilan- ngilang puno na nakapalibot dito ngunit nakapagtataka kasi lahat iyon ay bulok at wala ng dahon.

Hindi katulad ng ibang puno sa kabilang daan na buhay na buhay.

Sa tingin ko bubuhos na ang malakas na ulan. Ang dilim dilim na. May kulog at kidlat na rin na gumuguhit sa kalangitan.

Aalis na ako, I take a one last look on that haunted house. Pero nagulat na lamang ako at biglang sumindi ang ilaw sa kanang bahagi at biglang may sumilip na isang babae.

Isang maputi, may mahabang buhok, maganda at medyo matanda na. Siguro ka-edad niya si Mommy. She's pale. She's wearing a black dress, yung sumasayad na sa floor. And I found it weird.

She's looking on ... on my direction, on me to be exact. Geez!

Waaaaaaah! Is she a ghost? I should have known then, ghosts are exists!

"Hindi ako multo Ashira." Sabi niya.

Sheez! She's talking to me. I need to go. Baka kainin niya ako. Hay, ano bang kahibangan ang pumapasok sa isip ko. Kapag nalaman lamang ito ni Lyssandra malamang ay babatukan niya ako.

"Huwag Ashira. Huwag ka munag lumisan, samahan mo muna ako sa aking tahanan. Hindi ka ba naawa sa kin? Ako'y mag- isa at nalulumbay dito."

Goodness. In one blink, she's in front of me now? My mouth dropped open as I stared at her.

Paano iyon nangyari? My mouth moved but no words came out.

She can read my mind. She knows me. Tapos in one blink nasa harap ko na sya at nais nyang samahan ko sya sa bahay nya. Sa bahay nyang super weird at nakakatakot! Baka kung ano pa ang laman ng bahay nya.

"Huwag kang matakot sa akin, ikaw naman. Sadyang hindi lamang nakasunod sa uso ang bahay ko. At isa akong manghuhula kaya nababasa ko ang nasa isip mo. Dumito ka muna sa aking bahay sa tingin ko'y malakas ang paparating na ulan." Wika nya habang lumalapit sa akin.

O- oh! My feet were frozen to the spot. I wanted to run. I wanted to run fast and never look back.

"A- ahm.  I- I'm sorry, but I need to g- go home. Malapit lang naman po ang b- bahay namin d- dito."  But she just kept staring at me with those sad eyes. Yeah, sad. That's all I can see in her eyes.

 "Sa tingin ko ay nagmamadali ka Ashira. Hindi ata kita makakasamang maghapunan sa araw na ito. Hindi man lang kita makaka- kwentuhan. Pero sa tingin ko ay dadating din ang araw na iyon Ashira." Aniya.

Who was she? Was she a ghost? The wind howled, sending shivers across my skin. Oh, goosebumps! Big time. I need to go.

"Sige, maari ka ng umalis Ashira. Paalala ko lamang, palagi kang mag- iingat. Ingatan mo ang iyong sarili. Kailangan kita." Lumaki ang mata sa kanyang tinuran. Kailangan nya ako? Huh? But why?

"Ito nga pala," at may inabot sya sa akin na singsing. "Iyan ang mag- sisilbing gabay mo. Ingatan mo iyan at palaging isuot. Wag mong iaalis sa iyong daliri kung nais mong magkaroon ng isang magandang araw. May dalang swerte iyan sayo. It's my lucky ring Ashira." Ngumiti sya sa akin at umalis na. Anong gabay? Anu- ano ba ang mga sinasabi nya? Gulong- gulo ako sa mga ikinikilos at binabanggit nya.

Pinagmasdan ko ang singsing na binigay niya sa akin. It's a silver ring. Like her, it's creepy. I don't know how to describe this ring.

Araw ang disenyo nito, sa gitna ng araw ay may diyamante, isang maliit na diyamante na parang maya- maya ay maglalabas ito ng liwanag. Kumikinang- kinang kasi ito.

Ang bawat sinag nito ay may nakasulat na letra, ngunit sobrang liit nito kaya hindi ko mabasa. Then around the ring, ahm may designs na I don't know kung ano.

It's creepy but I found it cool.

Unti- unti ay may bumabagsak ng patak ng tubig na nagmumula sa kalangitan. Uulan na. Kailangan ko ng makauwi.

Creepy house. Creepy woman. Creepy ring.

Can't sleep at night?: STATUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon