Zi P.O.V
Habang nag aayos ako ng gamit. May nakalimutan akong dapat bilhin para bukas. Bukas na kasi ang pasukan. Kaya kailangan ko nang bumili ng mga school supplies para bukas. Ngayon lang kasi ang sahudan ni Ate charlene. Kaya ngayon din ako bibili. Wala kasing trabaho si mama. Ang sabi nito mas kailangan daw kaming alagaan kaysa sa trabaho. Pero makulit ata kami kaya nag karoon ito ng trabaho. Hindi nga lang namin alam kung ano iyon. Pero ang sabi nito maganda raw ang sahod at ligtas. Kaya hindi na namin pinilit pa si mama na mag kwento. Pumunta ako sa sala para humingi ng pera kay ate. Para pambili ng gamit ko para bukas. Nang makarating ako roon nakita ko si ate na nag a add ng mga bills, water bills, at mga bibilhin para sa bahay.
"Ate, pahingi ng pera bibili lang po ako ng gamit ko para bukas" aniya. Bumaling ito sa akin at ngumiti.
" Ito oh" inabot ito 2,000 pesos " Ikaw, ah mag aral ka nang mabuti. Alam mo naman ang buhay natin ngayon" anito. Tumango ako.
" Oh, ate bakit ganyan ang itsura mo. Na mi miss mo na si mama, no" tumango ito. " Sabagay pati ako miss ko na rin siya. Bakit kasi umuwi pa siya nang province? Ayan tuloy tayong dalawa lang ang nandito" malungkot na sabi ko. Umuwi kasi si mama may aayusin lang daw ito sa province tapos uuwi din agad ito mga 1 weeks lang daw ito roon pero mag 2 weeks na wala pa rin ito. Ki nontact namin ito roon at ang sabi nito okay lang ito at may aayusing malaking problema sa province. At iyon ang hindi namin alam na problema. Pero sabi nito kaya nito iyon. Kaya nag pasya kami na huminahon kasi alam namin na okay lang ito at maaayos din nito ang problema nito.
" Sige ate, mag bibihis lang ako" aniya.
"Oh, sige. Gamitin mo nalang yun mga binili ko sayong mga damit. Baka mag mukha ka na namang manang don sa bibilhan dahil sa itsura mo, hahahahaha... Joke lang. Maganda ka parin kahit ganyan ka. Bakit kasi hindi mag ayos. Hindi ka na ba mag babago sayang ang beauty mo kung hindi mailalabas" pang aasar ni ate Charlene.
"Ate naman eh, ikaw nga wala pang boyfriend, eh" pang aasar ko. Bigla itong sumeryoso. At nawala ang mga ngiti nito. "Oh, ate anyari sayo? Bakit ganyan yung itsura mo? Kanilang masaya ka, ah. Si ate Charlene merong hindi ikinukwento sa akin. Ano yun ate, sabihin mo na. Nandito lang ako, ate" aniya. Ngumiti si ate sa akin.
"Wala, wala ito. Sige na mag palit kana at bumili. Okay lang ako. Walang problema si ate. Alam ko namang excited ka na mag aral para bukas kasi sa private ka na mag aaral. At sa pinaka gusto mo pang school ka naka pasa. Kayansige bumili ka na ng kailangan mong bilhin, okay" anito. Batid kung may problema nga si ate ayaw lang nito sabihin. Pero hinayaan ko na lang baka maayos din nito, iyon. Tumango nalang ako at niyakap si ate Charlene para maisan ang kalungkutan nito. Nang ilang saglit pa kumalas na ako at agad na nag tungo sa kwarto ko. Nag palit ako ng damit. Sinuot ko yung long sleeve ko na dress na hanggang sa paa at nag suot ako ng ruber shoes. Saka ko pinonytail yung buhok kung buhaghag. Saka ako umalis sa bahay. Nang makabili ko na nag lahat na kailangan ko. Nag pasya akong umuwi na. Habang nag lalakad ako pa uwi sa amin ng may nakabunggo akong isang tao. Nang mag angat akong ulo nakita ko ang isang lalaki na gwapo. Hindi lang gwapo para itong isang anghel sa kagwapohan. Umangat ang ulo nito at tumingin sa akin. Ako namang tanga ngumiti lang.
"Ano ba! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo! Tingnan mo tuloy ang nangyari sa damit ko!" galit na sabi nito.Nang tingnan ko ang tinutukoy nito na kagagawan niya. Ngumuwi ang ngiti ko. Dahil natapon ko ang kape na hawak nito at kumalat iyon sa damit ng lalaki.