CHAPTER 3

2 0 0
                                    



Bumangon agad ako ng marinig ko iyong alarm clock ko. Kinuha ko iyong eye glass ko at sinuot iyon. Pagkatapos kong ayusin iyong mga damit ko na susuotin papunta sa school. Inalis ko iyong salamin ko bago naligo. Pagkatapos kong maligo sinuot ko uli ang eye glass ko. Pagkatapos isinuot ko na iyong damit ko na long sleeve na hanggang sa paa. At inayos ang buhok ko na buhaghag mamaya ko nalang ito itatali. Pag ka baba ko nakita ko si mommy na nagluluto. Anong oras kaya ito umuwi kagabi.

"Good morning, ma. Anong oras ka umuwi kahapon, ma" aniya. Niyakap ko si mama dahil sobrang miss ko siya.

"Anak kain na. Ito, o. Paborito mo" sabi ni mama. Nang tingnan ko iyon. Paborito ko nga ginataang kalabasa. WOW! Ang sarap naman. Tapos may hotdog at ham pa. Hmmmm yummY. Kumain na nga ako. Ang sarap talaga mag luto ni mommy

"Ma ang sarap naman ng mga ito. The best talaga kayo" aniya. Habang ang mama naman niya ay tuwang tuwa na niyakap ako. Pagkatapos kung kumain. Iniabot ni mama iyong baon ko. 200 pesos ang nasa kamay ko.

"Mama, masyado pong marami ito, okay lang po sa akin ang 100 pesos. Hindi naman po ako humihingi ng malaking baon. Atsaka po mahangin at malapit lang naman po iyon university kaya pwede naman pong mag bike nalang mama, eh" aniya.

"Hindi okay lang mag taxi ka nalang. Para hindi ka mahirapan sa pag pedal, ok" anito. "Oh, siya. Sige na. Umalis ka na at baka ma late ka pa sa 1st subject mo. Sige ba bye, ingat ka sa school" anito.

"Opo, mama. Sige po ba bye" sabay kiss. Lumabas na ako ng bahay. Pagkalabas ko ng gate may nakita ako isang lalaki na naka silip sa bahay namin at nakatingin sa akin. Halos ilang kilometro lang naman ang layo. Pero mahahalata parin sa mukha ng lalaki na masaya itong makita,.... Ako? O yung bahay namin. Ewan malapitan nga.

"Hellow po" aniya. Tumingin naman ito sa akin. Parang may kamukha ito. Para itong si kuya Charles. "Ano po bang tinitigin tingin nyo sa bahay namin. Pasensya na po, ah. Kung naliliitan po kayo" aniya. Hindi ito nag salita at tinititigan lang ako. "Ah, sige po mauna na po ako sa inyo. May school pa po kasi ako, eh" patuloy niya. Hindi lang ulit ito nag salita. "Sige po ba bye, ingat po kayo sa pag papaneho" yumuko ako bilang paggalang. Well... Hindi naman ako korea pero ginamit ko na rin iyon bilang paggalang. Masaya at magaan ang pakiramdam ko tuwing nakaka usap ko iyong lalaking iyon. Sa bagay kamukha nga nito si kuya Charles, eh. Masaya ako nag tungo. Papunta sa taxi. Nang maka hanap ako ng taxi. Pinara at ibinigay ko agad ang address ng university ng pupuntahan ko. Buti na lang at alam ni manong kung saan ito. Ilang minuto lang nasa university na kami. Binaba ako ni manong sa gate at mag lakad nalang papunta sa university buildings. Bawal daw kasi ipasok ang mga taxi or trycicle sa loob. Sana nag bike na lang ako pwede palang ipasok ang bike. Habang nag lalakad ako papunta sa Dean office. Maraming nakatingin sa akin. Halos, iba sa kanila. Ti natarayan ako. Eh, paano binubunggo nila ako. Nang makarating ako sa Dean office. Pumasok agad ako.

"Good morning po, Dean" aniya.

Bumaling naman ito sa akin. Nagulat ata ito sa itsura niya. Kaya hindi agad ito na kapag react. "Good morning, iha. Welcome in CHU school" niyakap agad ako ni Dean. Sa sobrang gulat ko hindi ako makapag react. Niyakap ko na rin siya. "I miss you, iha." anito. Nagulat naman ako sa reaksiyon nito. Magka kilala ba kami nito.

"Sorry po, ma'am. Pero mag kakilala po ba tayo" aniya.

"Sorry, iha. Pero oo kilala kita. Ako nga lang ang hindi mo kilala. Actually kilala ko ang mga magulang mo. Lalo na ang papa mo" anito.

"Talaga po! Kilala nyu po ang papa ko. Anu po bang itsura niya? Ilang taon na po siya? Saan po siya nakatira? May balita pa bo ba kayo sa kanya" umaasa kasi ako na mag kikita pa kami. Hindi ito nagsalita. Ilang saglit lang doon niya na realize kung ano ang mga tanong niya. " Sorry po, maam. Hindi ko lang po mapigilan ang umasa"

"Sorry, ah. Pero hindi ko talaga pwedeng sabihin sayo, eh. Masyado pa kasing maaga" anito. Lahat ng pag asa na meron ako nawala. Hindi ko alam kong bakit ganon pero tuwing babanggitin ang pangalang papa may pag asang umiipon sa puso ko na mahahanap namin siya. Sana nga hindi na lang kami iniwan. "Sorry, talaga iha. Dibale mahahanap mo rin siya. Kunting tiis na lang, okay" tumango lang ako.

"Sorry po ulit ma'am. nag expect lang po ako" aniya. Bakit kaya ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Its okay, iha. Bye the way this is your schedule. At congratulations dahil nakapasa ka sa scholarship. You have a full scholarship Ms, Hallorina congratulations. Sana magustuhan mo rito at RSA nga pala ang room mo"

"Uhmm.... Ma'am ano po yung RSA?"

"Ah, Room Star A iyon, iha. Siya nga pala ito ang mapa para hindi ka maligaw" anito." Bye the way, iha. Nice meeting you and enjoy"

"Thank you po, ma'am. Nice meeting you rin po. Sige po mauna na po ako" aniya. Lumabas na ako sa dean office. Marami na ring mga styudante sa labas. At marami na ring nag papasukan sa mga classroom. Bakit kaya ako nalang ang lagi ni tinitingnan. Siguro hindi sila sanay nakakakita ng ganitong istsura. Tama nga ang sabi nila tungkol sa school na ito na lahat nga mga studyante rito ay mayaman lahat kasi na nandito ay may mga kotse. At mga gamit na mamahalin na mga bagay katulad ng bag, cellphone na iphone6, tablet, accessories at kung ano anu pa. Tiningnan ko ang mapa at saka ako pumunta sa classroom ko. Halos lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa akin. Gosh ano ba.... Bakit nyu ba ako tinitingnan nang ganyan? Nakakailang kasi eh. Papasok na sana ako nang

..............

"Eherm, Ms. Hallorina you're late" patay may teacher na pala. Kaya pala ganon sila makatingin kanina. Pero anong oras palang, ah. Baka maaga lang pumapasok ang mga teacher.

"Sorry po mam. Sorry po and im late" aniya. Bukas na bukas talaga hindi na ako mag papalate. Aba malay ko na ganito pala ka aga pumapasok ang mga teacher. "Hihinanap ko pa po kasi yong room, eh" Palusot niya. Alam ko sa sarili ko na nag sinungaling. Sorry po papa God. Imposible na maligaw ako rito dahil may binigay sa aking mapa si Mrs. Dean

"You're the new student, right" tanong nito. Tumango lamang ako bilang sagot at yumuko. Nahihiya ako dahil kabago bago pa lang nag sinungaling agad ako. "Okay, palalagpasin ko ang nangyari sayo. Pero sa susunod meron ka nang detensiyon, okay" anito.

"Sorry, mam" aniya.

"Sige, umupo ka na roon. At para maka pag umpisa na tayo" agad agad naman akong pumunta sa tinuro ni mam. Kauupo ko palang sa upuan ko. May nag bubulungan agad.

"Ano ba yan first day of school late agad" sabi ng isang girl.

"Oo nga, eh. Tapos nerd po" sabi pa ng isang girl na hindi naman kagandahan pero kung maka salita. Eh, wagas. Akala mo kung sino. Ano naman kung nerd ako. Ano ba yan bakit ngayon pa nila ako pinansin.

"Girls hayaan nyo na siya. Na late siya dahil hinanap pa niya yung room. Eh kayo nga baguhan din naman kayo, diba" sabi naman nung girl na isa. Maganda at maputi iyong girl. Hindi ko nga alam kong ipinag tanggol niya ako o kinukutya, eh. Pero okay na rin iyon dahil tumigil na rin sila.

"Okay class, may name is Shiella Navarr. Just call me Ms. Navarr. Bye the way im your adviser and Agriculture teacher. Gusto kong mag pakilala kayong lahat sa upuan niyo na nakayayo, okay" anito. Medyo kinakabahan ako hindi ko alam kong bakit. " Mauna ka" anito. Sabay turo sa unahan. Nag pakilala naman sila isa isa. Hanggang tatlong tao na lang ako na ang susunod. Waaaaa...... Kinakabahan na ako.

"Hi classmate my name is Cindy Anne Arandel. Tawagi nyo nalang ako sa pangalan ko na Anne. Please take care of me" sabi ni Anne. Dalawa na nalang ako na.

"Hi, guys. My name is Jameson Erald Golpher. Tawagin nyo nalang ako sa pangalan na JEG" anito. Mmmmm pwede na rin ang mukha niya. Gwapo kasi pero mas gwapo si Jun. "Jun" ka mo no way. Tnat jerk I hate him. Dapat hindi na sinasali pa iyon sa pangalan ng mga listahan ng mga gwapo, eh. Ay oo nga pala........... Isa na lang ako na.

"Hellow, guys. My name is Rhosabhel Reyes. Nice meeting you all" anito. Ako na! Ako na ang mag papa kilala. Tumayo na ako

A Boy who wants to playTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon