Kabanata 27

237 7 0
                                    

Kabanata 27







Maaga akong nagising kinabukasan at hinanap kaagad ng katawan ko ang presensiya ni Adonis.

"Nandiyan na yata si—" hindi na kaagad natapos ni Tiya Emelda ang sasabihin niya nang nagtitinakbo na ako papalabas ng bahay.

"Adonis—" natigilan ako sa pag tawag kay Adonis habang nakatingin sa katabi niya.

Nandoon si Lily. Tinutulungan siya nitong isampay ang lambat habang nagtatawanan sila.

Nawala din ang ngiti sa labi ko. Anong ginagawa ng babaeng iyan dito? Paano niya nalamang nandidito kami?

Pero hindi naman malabong hindi pa nadadala ni Adonis si Lily dito. Naging mag kaibigan din sila.

"Miriam... " bumalik ang tingin ko kay Adonis nang marinig ang pangalan ko na binanggit niya.

"Nandito kana pala... " mahina kong saad.

Nag iwas ako ng tingin kay Lily na biglang naging seryoso.

"Ah. Kagabi lang. Mga alas dose... " hindi buong paliwanag niya.

Tipid lang akong tumango at kinagat ang pang-ibabang labi habang hindi padin tumitingin sa kaniya.

"Ah. Gano'n ba? Sige. Papasok na ako sa loob. " mabilis kong sinabi at tumalikod.

Nararamdaman ko ang bigat sa dibdib ko habang naglalakad papasok sa loob ng bahay.

Hinintay ko siya tapos makikita ko nalang siya na nakikipagtawanan kay Lily? Tapos hindi man lang niya tinanong kung ayos lang ba ang tulog ko? Tapos kung makapag salita siya parang tinatamad siyang kausapin ako?

"Oh? " gulat na salubong sa akin ni Tiya Emelda nang makita ako sa hamba ng pinto sa kusina nila.

"Tutulong po ako sa pagluluto... " i represent.

Tumango ito at sinabi sa akin ang mga gagawin ko na nahihiwagaan.

'Yung niluto namin ay 'yung tilapia na prinito na may ginata at siling green. Tumatango pa si Tita Emelda ng matikman niya ang sabaw ng gata at tumikim ng tilapia.

"Aguy ang sarap naman nito! " natutuwang sinabi nito.

"Marunong ka palang magluto, aba'y ikaw na! Aba'y huwag ka ng pakawalan! " nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Adonis.

"T-tulungan ko na po kayo. " pag presinta ko bilang pag iwas sa magiging topic niya at kumuha ng mga plato at nag martsa patungo sa lamesa upang ilapag ang mga plato.

Matapos naming mailagay ang mga gamit sa pagkain ay tinawag ko na sina Adonis na nasa labas.

Pero imbis na ang pangalan niya ang tawagin ko ay si Roque ang tinawag ko.

"Roque kakain na daw! "

Ramdam ko pa ang pag lingon sa akin ni Adonis dahil sa ginawa ko. Pero hindi ko siya pinansin. Mabilis na akong tumalikod ng may pagtatampo padin.

Kapansin pansin din sa hapag ang pagiging iwas ko kay Adonis. At alam kong nararamdaman iyon ng mga taong nakapaligid sa amin.

Hinila ko kasi sina Rino at Roque sa dalawang upuan na nasa magkabila ko na puwedeng upuan ni Adonis.

At nakipag unahan pa ako kay Adonis sa pagkuha ng kanin.

Dahil alam kong sasandukan niya ako, hindi ko siya tinitignan. Kahit ni katiting, dahil alam kong nagtataka siya sa inaakto ko. At ayaw ko din siyang tignan. Kaya ang ending ay si Lily ang sinandukan niya, nagkasalubong pa kami ng tingin ni Lily at inirapan ko siya dahil sa sobrang inis. Uuwi na nga lang siya tapos nag dala pa siya ng buwisita. Nakakainis. Ako dapat 'yon eh.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon