Kabanata 15
Dahan dahang ikinalas ni Adonis ang mga bisig niya sa pagkakapulupot mula sa akin. Habang ako naman ay nanatili ang tingin sa balikat niya.
Ni hindi ko siya matitigan sa mga mata. Pero siya, alam ko. Nakatingin siya sakin. Mabuti pa siya ay nagagawa niya akong matitigan pero ako hindi.
"Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak? " narinig ko pang tanong niya. Natataranta.
Doon ako naglakas loob na salubungin ang tingin niya. "Bakit ka nag tatanong? Akala ko ba wala kang pakialam? " walang emosyon kong sagot. Ngunit sa totoo lang ang puso ko ay hindi magkandahumayaw sa pagtibok, shit!
Nag iwas siya ng tingin at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Yumuko siya. "Wala naman akong sinabi... "
Kumalabog ang dibdib ko lalo pero nag iwas ako ng tingin.
Wala ka ngang sinabi pero ipinaparamdam mo naman.
Nilingon ko ang bike na ngayon ay tinatayo na ng matandang magsasaka.
Tumayo ako para lapitan ito. At hindi ko man lang namalayan na sumunod pala si Adonis. Kahit hindi ko na siya lingunin ay naramdaman ko na ang presensiya niya sa likod ko.
Nasira ang manobela ng bike ko at natabingi pa ang straight na katawan nito. Hindi ko maiwasang 'di mapaawang ang bibig. Gano'n naba kabigat at katigas ang kalabaw at nasira ng gano'n gano'n lang ang bike ko?
Napalingon sa direksyon namin ang matandang magsasaka at bumalandra ang pag aalala sa kaniyang mukha.
"Naku, hija. Nasira ang bike mo... Pasensiya kana. Hayaan mo aayusin ko na lang ito. " paghingi nito ng tawad.
Umiling ako. "Hindi po, ayos lang po. Ako nga po ang dapat na humingi ng tawad kasi hindi po ako ang umiwas. Huwag na po kayong mag abalang gumastos kasi ako naman po ang may kasalanan. " sabi ko at kinagat ang pang-ibabang labi.
Inabot sakin ng matanda ang bike ko at nginitian ako. "Naku, mabuti pa nga hija. Nakakahiya man sabihin pero wala akong sapat na pera para maipaayos ang bike mo. Dahil makakain pa lamang namin ay hindi pa sapat para sa pampaayos ng nasira mong bike. Pasensiya kana, mukha pa namang mamahalin ang bike po. " Nababahalang sabi ng matanda.
Tinignan ko si Adonis na siyang tumanggap ng bike bago sumagot sa matanda.
"Hayaan niyo na po, Tatay. Ako na po ang mag aayos ng nasira niyang bike. "
Tumango ang matanda at ngumiti ito ng aabot sa kaniyang mga mata. "Naku, kaawaan kayo ng diyos." natutuwang sabi pa nito.
Tinignan niya si Adonis muli. "Oh hijo, ikaw na ang bahala sa kasintahan mo't aalis na ako. " nakangising sabi pa ng matanda at tumulak na para makasakay sa kaniyang kalabaw.
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ng matanda. Ngumiwi ako. Ni hindi pa nga ako nakakaamin kasintahan na agad?!
Nilingon ko si Adonis ng marinig ko ang mahina halakhak nito.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng iritasyon. Pero sa kaloob looban ko ay tumatalon na ang puso ko sa tuwa.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya napatigil siya sa pagtawa ng mapansin niya ang mga titig ko sa kaniya.
Inosente niya akong tinignan na may pagtataka. "Ano? " painosenteng tanong pa nito at kinagat ang pangibabang labi na tila nagpipigil na 'di matawa.
Inirapan ko lang siya at nagpauna sa paglalakad. At hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya dumidiretso lang ako habang nasa likod ko siya at nakasunod sakin habang bitbit ang bike ko.
BINABASA MO ANG
Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)
RomanceUNDER EDITING Casa Bilarmino #1 Sa edad na diecisiete ay naranasan nani Miriam Trish Bilarmino ang mga problema na mabigat at masasakit. Tiniis niya ang lahat dahil may pinanghahawakan siya. She was molested at the age of seventeen years old and her...