Kabanata 39

516 5 0
                                    

Always be my baby by David Cook

Kabanata 39







Natatakot pa rin akong mahalin ulit si Adonis, dahil natatakot akong masaktan muli. Pero gustong gusto ko siya, pero may parte sakin talaga ang natatakot.

Ang pangamba na baka magkahiwalay din kami. Dahil gusto ko na panghabang buhay na.

Natatakot ako na muling mangyari yung nangyari sa amin dati ni Adonis. Yung iniwan niya ako...

Gusto kong bigyang muli ng isa pang pagkakataon ang puso kong mapangakusa. Pero natatakot talaga ako...

"Kanina pa nasa labas si Adonis... " napalingon ako kay Mama La na siyang nag salita.

At muling bumagsak ang tingin ko kay Adonis na nakasandal sa sasakiyan niya habang kinakausap naman siya ni Kuya.

"Bakit hindi pa rin siya umaalis? " mahinang tanong ko sa sarili habang nakatingin pa rin kayna Adonis.

Naramdaman ko ang pag lingon sa akin ni Mama La, bumagsak ang tingin ko sa aking kamay nang maramdaman ang mainit na kamay ni Mama La.

"Mahal ka ni Adonis, hija. Pero natatakot ka di'ba? " malumanay niyang tanong.

Bumilis ang tibok ng puso ko. "Huwag kang matakot, hija. Dahil wala nang pipigil sa inyong dalawa sa pagkakataong 'to... "

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa mga sinabi ni Mama La.

"Alam mo ba no'ng mga oras na iniwan ka ni Adonis ay lagi siyang nag tatanong sa Kuya mo? Pero matigas ang ulo ng Kuya mo at hindi niya kinakausap si Adonis... "

"Huwag ka sanang magalit sa Kuya mo. Dahil ginawa lang niya ang lahat, at ayaw niya na mawala ka din sa kaniya apo... Mahal na mahal ka ng Kuya mo, at alam mo ba no'ng mga oras na tinangka mong magpakamatay ay halos mabaliw na siya? Natatakot siya na ipikit ang mga mata niya para matulog dahil baka ituloy mo daw ang pagkitil sa buhay mo... Natatakot siya na maging ikaw ay iwan siya."

Natihimik ako at hindi nakapagsalita. Ngunit ang mga luha ko ay nagsisitulo na.

Nanginig ng bahagya ang labi ko. "M-mama L-la... S-sorry p-po. K-kasi po matigas a-ang ulo k-ko... "

Magaan akong nginitian ni Mama La na tila walang kasalanan at nanatili pading kalmado ang mukha kaya maslalo akong napaiyak. Masiyadong matigas ang ulo ko noon kaya dapat niya akong pagalitan, pero iba ang ginawa niya.

Niyakap niya ako at hinimas ang aking buhok na tila pinapatahan ako. "Tama na apo... Hindi naman galit si Lola... Mahal ka ni Lola ha? Iyan ang lagi mong tatandaan, mahal ka namin... "

Maslalo akong napaiyak dahil sa sinabi ni Mama La.

"Susuportahan ka namin ng Papa Lo mo... "

"Hindi mo dapat sinasaktan ang sarili mo. Dahil hindi lang ikaw ang nasasaktan. Kami din, apo. Nasasaktan din kami... "

Dahan dahan akong pinakawalan ni Mama La sa pagkakayakap at bigla siyang naglabas ng pahabang kahon.

Natigilan ako habang nakatingin sa kahon na iyon.

"Di'ba ito yung kahon na may lamang singsing ninyo ni Adonis na ipinatapon mo? " tanong niya.

"O-opo... " umiiyak akong tumango.

Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko at inilagay doon ang kahon.

Bumaba ang tingin ko sa kahon hindi ko inaasahan na itatago ito ni Mama La ng matagal na panahon.

"May mga sulat iyan, apo. Mga sulat na padala ni Adonis na paniguradong hindi mo pa nababasa. "

Tuluyan ng nagsitulo ang mga luha sa aking mga mata dahil sa huling katagang binitawan ni Mama La.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon